Ang boses ni Jade Benmore ay malakas at matalas, at mukha hindi matino ang mental state niya pagkatapos itong sabihin.Ang mga mata niya ay nakatitig sa phone screen, at ang mga luha niya ay tumulo sa kanyang mukha.Siya si Jade Benmore!Isa siyang malakas na babae, ang goddess of war, na siyang naghihintay ng kamatayan ng walang bahid ng emosyon. Ngayon, mukhang sabik at malungkot siya na makita ang batang lalaki sa phone screen; mahirap itong paniwalaan.“Blaze? Master, kilala niyo ang batang ito?” Tumingin si Alex kay Jade sa kanyang pagkabigla.Hinawakan ni Jade ang phone niya at sinabi niya ng malakas, “Itutok mo ang camera sa mukha niya. Gusto kong makita ang mukha niya. Ang noo niya, ipakita mo sa akin ang noo niya.”Hindi alam ni Cheryl ang nangyayari, ngunit mabilis siyang tumuro sa camera habang sinabi niya ng mabilis, nakapokus sa noo ng bata. Nakita ni Cheryl na tila may marka sa noo ng lalaki, isang pattern ng isang apoy.Nanginig si Jade sa sumunod na sandali. “Bla
Mas espesyal ito kaysa sa pagiging isang diyos na nagbubuga ng apoy.Hindi kaya’t isa siyang alien?Sa oras na ito, tumulo ulit ang luha sa mukha ni Jade habang sinasabi niya, “Akala ko ay nawala siya noong dalawampung taon ang nakaraan. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya sa harap ko ngayon. Isang pabor ng diyos siguro ito, para hayaang makita ko ulit siya. Ngayon, hindi na siya mawawala sa akin.”Emosyonal si Alex at tinanong niya, “Master, ano ang nangyari noong nakaraang dalawampung taon?”Pinunasan ni Jade ang mga luha aat suminghot siya bago niya sinabi, “Noong nakaraang dalawampung taon, noong may kaguluhan sa ancient boundary at umatake ang mga halimaw sa loob, pinamunuan ko ang mga tauhan ko para pigilan sila. Sa mga oras na ‘yun, nagkaroon ng malalang sakit ang nanay ko! Tinawagan ako ni Blaze, pero hindi ako makatakas, at sinabi ko sa kanya na dalhin niya ang nanay ko para hanapin si Xerxes… Ang ex-husband ko.”Ang mga mata niya ay naging malamig nang makarating
Sinsero si Cheryl Coney. Problemado siya, at hindi siya nag abala sa iniisip ng iba.“Ayos lang!” Ang sab ni Alex. “Magiging ayos lang ang lahat! Para naman sayo, ilang araw ka nang hindi natutulog? Alam ko nang pagod na pagod ka sa huling beses na nakita kita. Seryoso, hindi ka pa ba natutulog ng isang linggo?”“Ayos lang ako. Mahalaga ang sitwasyon.”“Edi mas maraming rason ito para alagaan mo ang sarili mo!” Ngayon, tumingin siya kay Guilherme. “Guilherme, dapat mo siyang bantayan sa tabi mo at ‘wag mo siya hayaan na kumilos ng basta basta. Kapag oras na ng tulog, dapat siyang matulog. Kapag hindi nakapagpahinga ang utak mo, hindi mahalaga kung gaano karaming research ang ginawa mo; magiging walang kwenta ito.”Tumayo si Guilherme sa isang tabi at sinabi niya, “Hindi naman sa hindi ko siya sinubukang kumbinsihin dati, masyadong magiting lang ang puso ng babaeng ito, at mas pinahahalagahan niya ang kaligtasan ng pasyente kaysa sa kahit ano. Nasasayang ang lahat ng payo ko.”Natu
Kumunot ang noo ni Jade Benmore. “Alex, ano ang pinagsasabi mo?”“May regulation runes na nagpoprotekta sa katawan niya,” Ang sabi ni Alex. “Ang innate divine collection niya ay bahagyang nakabukas, at may tatlong pulso siya, hindi siya maikukumpara sa kahit sinong nakita natin sa mundong ito. Isa siyang isinilang na diyos. Hindi siya isang anak na isinilang ng isang napakalakas na tao, maaaring isa siyang reincarnation! Kaya, Master, noong sinabi niyo na nawala ang paa niya dati, pero ngayon ay may paa ulit siya, ito ay dahil sa regenerative function ng divine body niya.”Habang nakikinig si Jade, mas lalong lumaki ang mga mata niya.“Isang diyos ang anak ko?!|“Hindi mo gawa-gawa ang mga sinasabi mo, hindi ba?” Ang sabi ni Cheryl.“Tama, naaalala ko na ngayon,” Ang sabi ni Guilherme. “Minsang sinabi sa akin ng master ko na ang katawan ng isang diyos ay may tatlong pulso, at hindi pwedeng kulang sila ng isa. Nahahati ito sa human pulse, immortal pulse, at divine pulse! Diyos ko,
Tumingin si Dorothy Assex sa kanya at tumawa siya. “Doctor Coney, alam ko na isa kang tradisyonal na babae at virgin ka pa. Kaya responsable ako na sabihin sayo na ang boyfriend mo ay hindi isang uri ng lalaki na ikaw lang ang mamahalin sa buhay niya. May oras pa para bumalik ka ngayon.”Ang mukha ni Cheryl ay nabigla at nagalit, ngunit hindi siya bumitaw sa paghawak sa kamay ni Alex.Hindi inaasahan ni Alex na aatake si Dorothy kay Cheryl sa simula pa lang, kahit bago pa pumasok sa pinto. Mukhang ang sama ng loob ni Dorothy kay Cheryl ay malalim.Kung hindi, bakit wala siyang sinabi kay Waltz o Maya?Medyo nagsisi siya at dinala niya si Cheryl sa bahay.Sa mga oras na ‘yun, nadala siya ng sandali. Nang maisip niya ang tungkol sa pagiging mag isa sa laboratory, nag aaral ng antidote ng buong araw at gabi, pati sa New Year’s Eve, masyadong nakakaawa ito.Ito ang rason kung bakit inimbitahan niya si Cheryl.Ngayon, mukhang may mangyayari.Agad na sinabi ni Alex, “New Year’s Eve n
Si Freya Mayer, Xyla Stoermer, ang mga babae mula sa Eight Desolated Killing Formation…Nandito rin si Hailey Lawson at Nora Stewart…Napapalibutan siya ng lahat ng mga magagandang babaeng ito, may higit sa dalawampu.Hindi ito kapanipaniwala.Iniisip niya ba na isa siyang emperador ng dating panahon?Parang mahihimatay si Cheryl Coney sa sandaling ito.Tila naramdaman ni Dorothy Assex ang gulat ni Cheryl. Ngumiti siya kay Cheryl at sinabi niya, “Ano sa tingin mo? Mainit sa puso ang sumama sa malaking pamilya namin, hindi ba?”Namutla ang mukha ni Cheryl, at tumingin siya kay Alex, pagkatapos ay napailing siya. “Hindi… Hindi maganda ang pakiramdam ko. Aalis muna ako.”Para sa kanya, ang problemang ito ay biglaan.Kung hindi isang lalaki si Alex, ano pala siya?Ang tatay niya ay pinagtaksilan ang nanay niya at namatay ito sa galit, at kinamumuhian pa rin ni Cheryl ang tatay niya! Ngunit si Alex ay may higit sa dalawampung babae, at naisip ni Cheryl na isang biro kung sumama pa
Agad na sinagot ni Alex ang phone call, ngunit hindi niya inaasahan na sa halip na boses ni Snow Whitney, ang boses ni Martiny Mayer ang tumunog. Tila balisa ang boses niya sa phone, “Alex, limitado lang ang oras ko. Makinig ka ng mabuti, pumunta ka sa Flying Eagles Academy, hanapin mo ang gatekeeper, si Uncle Drake, at sabihin mo sa kanya na dalhin ang Exorcism Bell papunta sa Japan sa Kaga…”Sa oras na makarating sa puntong ito, may malakas na ‘boom’ ang maririnig sa kabilang linya.Pagkatapos, tila narinig ni Alex ang malungkot na boses bago maputol ang phone call.Beep beep beep…Nang marinig na naputol ang linya sa phone, mabilis na tumalon ang puso ni Alex sa dibdib niya. Alam niya na napunta siguro sa gulo sina Martiny at ang iba.Mabilis siyang pumunta kay Jade Benmore. “Master, may sasabihin ako sa inyo.”Tumingin siya sa ekspresyon ni Alex at alam niya na may malaking bagay na nangyayari.Pinanood ng lahat habang naglakad si Jade at Alex sa isang sulok at nagtaka sila
At ngayon, marami nang nagbago.Kalimutan na ito. Dapat niyang tanggapin ang sitwasyon ng may mabuting loob!Naisip ni Alex na biktima siya ng mga emosyon, isang biktima ng mga babae na pinag aawayan at hinahabol ng mga babae, habang siya… Hinahabol niya lang si Dorothy noong nasa eskwelahan pa siya!Ang lahat ng ito ay hindi niya ginusto.Tulad ng kasabihan, kung walang bagay sa una pa lang, ano ang mahihila nito?Habang nakangiti siya ng peke sa sarili, dumating na sila sa Flying Eagles Academy.Sa oras na dumating sa gate sina Alex at ang Fairy Doctor, nakita nila ang maraming estudyante na nagbubulungan sa mga maliliit na grupo ng dalawa hanggang tatlo, at ang ilan ay nag set up pa ng mga booth.Natuklasan ni Alex na ang karamihan sa mga estudyanteng ito ay mula sa Gossip Club, at sa pagtitipon nila sa mga gate, nakakakolekta sila ng pinakabagong impormasyon tungkol sa eskwelahan at nakakapag usap sila sa isa’t isa. Kahit ang personal na impormasyon ay pwedeng kunin dito.N