“Ha, anong nangyari?”“Isang maliit na batang babae! Maputla at nagiging asul na ang mukha niya! Hindi siya humihinga!““Nakakakilabot ito... maililigtas ba siya ni Dr. Coney?”Ang madla ay nagsimulang mag-usap-usap, umaasa para sa ikabubuti.Doon lamang, isang lalaking may edad na ang may kargang limang taong gulang na babae papasok sa silid. Siya ay humahagulgol sa pag-iyak, nakasulat ang pagkataranta sa buong mukha niya. Nang may malakas na kabog, lumuhod siya.Agad na kumilos si Cheryl. Sandali niyang sinuri ang vitals ng maliit na batang babae.Sa pagsuri niya, dumilim ang ekspresyon niya. Ang maliit na batang babae ay hindi humihinga at walang pulso.Sinimulan agad ni Cheryl ang CPR, tinatanong ang may edad na lalaki kung anong nangyari.Sumigaw ang lalaki, “Hindi ko alam, hindi… Nagbabayad lang ako sa counter. Pagkatapos, ang aking anak ay natumba sa likuran ko. Nawalan na lang siya ng malay bigla.”Lumapit din si James sa maliit na batang babae, sinabi niya, “Tingnan mo ang lal
“Ha?”Lahat ay napatingin sa maliit na batang babae.Malumanay na gumalaw ang kanyang mga pilikmata niya habang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata.Talagang nagising siya.Nanlaki ang mga mata ni Cheryl, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.Gayunpaman, pagkagising niya, pakiramdam ng batang babae ay labis na hindi komportable. Ipinatong niya ang magkabilang kamay niya sa leeg niya na para bang sinasakal siya.“May bagay sa kanyang lalamunan. Nakai-stuck pa rin ito! “ Gulat na sabi ni James.“Ako nang bahala!” Sinabi ni Alex at idiniin ang kanyang kamay sa dibdib ng maliit na batang babae. Magaan niyang sinundot muli ang dibdib nito, na para bang tumutugtog siya ng gitara.Nakilala ni Cheryl ang pamamaraang ito. Ganito rin minasahe ni Alex ang mga paa’t kamay ng kanyang ina.Nang may malakas na kabog, malakas na idiniin ni Alex ang dibdib ng maliit na batang babae. May bagay na lumabas mula sa kanyang bibig nang iluwa niya ito.Ito ay isang kiyat-kiyat.Biglang may naala
Kakaalis lang ni Alex sa Ganoderma, mabagal na naglalakad.Naisip niya, 'Madi-discharge na si Mom sa loob ng dalawang araw, ngunit nawala na ang aming property. At saka, pinalayas ako ni Claire, kaya wala kaming matutuluyan. Prayoridad ko ngayon ang makabili ng property.'Ngunit alam din niyang tinago ng kanyang ama ang tungkol sa Thousand Miles Conglomerate mula sa kanyang ina. Narinig niya ito mismo kay Lex.‘Dapat ko bang sabihin sa kanya?’ Naisip niya.Hindi niya magagamit ang anumang pondo niya kung hindi niya siya binigyan ng maayos na paliwanag.Nagpasiya siyang ilihim ito sa ngayon.Sangkot ang Thousand Mile Conglomerate sa underworld work, kaya't ang karamihan sa mga tao ay titingnan sila bilang mafias o thugs. Ito marahil ang dahilan kung bakit itinago ng kanyang ama ang conglomerate mula sa kanyang ina.Hindi magiging maganda kung ilalabas ang katotohanan sa kanya ngayon.‘Bweno... kukuha lang ako ng maliit na apartment. Sasabihin ko sa kanyang galing sa savings ko a
Naging malamig ang ekspresyon ni Alex. "Sinong nagpadala sa iyo?"Kinutya siya ni Scarface. "Gusto mo ba talagang malaman? Lumuhod ka at sampalin mo ang sarili mo. Kung bibigyan mo ako ng magandang palabas, baka pag-isipin kong sabihin sa iyo.”Tumango si Alex. "Ganito na lang? Lumuhod ka ngayon at sinampal mo ang sarili mo ng daang beses. Pagkatapos, baka sakaling pag-isipan kong gawin itong madali sa iyo.”"Ano?" Nalito ang mga thugs sa pag-aakalang mali ang narinig nila.Bago sila dumating, narinig nilang ang taong ito ay walang silbi. Hindi man siya pinayagang maging malapit sa kanyang sariling asawa at kailangan niyang maging alipin sa kanyang mother-in-law.Paanong ang isang taong walang halaga na tulad niya ay malakas ang loob na magsabi ng mga ganitong salita sa kanila?Nasiraan na ba siya ng bait?"Malakas ang loob mo, ayos iyan, bata. Mukhang kakailanganin mong magpaalam sa mga binti at braso mo!" Mayabang ngumisi si Scarface, itinaas ang bat sa kanyang ulo, handang ba
Sa annual celebration ng mga Assex, laking gulat ni Spark na nanindigan si Lord Lex Gunther ng Thousand Miles Conglomerate para kay Alex. Hindi niya maintindihan kung bakit tutulungan ni Lord Lex ang isang walang kwentang basurang tulad ni Alex.Kung nais ni Lex na talunin ang kanyang lolo, si Bill Rockefeller, ang tanging magagawa lang ni Spark manonood. Hindi siya maglalakas-loob na magpakita ng bakas ng paghihiganti.Nangangahulugan iyon na hindi siya makagaganti kay Alex sa pagkabali nito sa braso niya.At saka, nag-alala pa rin ang Rockefeller Group tungkol sa Thousand Miles Conglomerate na naghihiganti din ang mga iyon laban sa kanila.Gayunpaman, nalaman niya kalaunan na may utang na loob si Lex kay William. Ngayong binayaran niya ang pabor, wala na siyang utang sa mga Rockefeller. Bukod dito, sinubukan ni Alex na tawagan nang isang beses si Lex, ngunit sinigawan siya at pinagbantaan.Walang kailangang katakutan si Spark!Kaya agad siyang kumuha ng ilang tao para ipaligpit
Napuno ang suntok na iyon ng malakas na agos ng Chi. Wawasakin nito ang mga reproductive organ ni Spark sa paglipas ng panahon at sa isang buwan lamang, mawawalan siya ng kakayahang makipagtalik.Umalis si Alex sa abandonadong bahay at nakipagkita kay Cheryl, na naghihintay sa restaurant. Sabay silang mag-tanghalian.Bago niya harapin si Spark, kinausap ni Alex si Cheryl na umorder na ng ilang pagkain at hintayin siya.Habang pinapanood niyang maglakad si Alex palayo, minura ni Spark si Scarface, “T*ngina ka! Scarface, manloloko ka! Sumang-ayon akong bayaran ka ng napakaraming pera, at sinusubukan mo akong lokohin? Hindi ba sinabi mong ikaw ang pinakamagaling na fighter sa Teal Street? Paano ka naging pinakamagaling kung hindi mo kayang iligpit ang isa lamang boy toy?"Habang bali ng kanyang binti, galit din si Scarface. "Ang kapal ng mukha mong sigawan akong p*tang ina ka? Sinabi mong mahina siya! Pero malakas siya at matulin din ang kayang paggalaw. Kaya ka niyang pulbusin sa isa
“Papa, bakit tinawag nilang walang silbi si Tito Alex? Hindi siya walang silbi!" Galit na nakasimangot ang batang babaeng si Zoey Carter.Halos anim na taong gulang na siya kaya't lumalawak ang kanyang pang-unawa.Nakatakas siya sa kamatayan noong hapong iyon salamat kay Alex. Noong nasa spirit state siya, naramdaman niya ang kalungkutan at kalamigan. Si Alex ay parang isang apoy sa taglamig, na pinapainit siya, kaya't nag-iwan ito ng malakas na impression sa kanya.Sumagot si Charles, "Hindi nila alam kung anong sinasabi nila."Dagdag pa ni Hailey, "Tulungan natin siya sa ibang paraan, sa halip na pag-usapan ang dalawang iyon. Tingnan natin, paano natin siya hahanapin… Narinig kong matapos ma-aksidente si William, na-comatose ang kanyang asawa, nasa ospital siya mula noon."Sabi ni Charles, "Pumunta tayo sa main city para hanapin si Cheryl."Sa sandaling iyon, bumalik sina Alex at Cheryl sa ospital.Tutulungan ni Alex ang kanyang ina na makalabas sa ospital. Gayunpaman, naramda
Si Hailey ay napakarilag at makurba; mukha siyang magandang painting.Agad na pumikit si Alex, pinipilit ang sarili na huwag tingnan o isipin ito. Sinubukan niyang alalahanin ang baluktot na mukha ni Claire habang sinisigawan siya. Nakatulong ito sa kanya na pakalmahin ang sarili mula sa mga maruming kaisipang meron siya kani-kanina lamang.Sa loob ng isang minuto, ang lahat ng pitong mga puntos ng acupuncture ay nasundot na.Kailangan lang ng pitong segundo ang karayom ng kuryente na Chi upang magkabisa.Pagkatapos ng pitong segundo, tinanong ni Alex, “Okay, tapos na ako Hailey. Anong pakiramdam mo?”Hinaplos ni Hailey ang kanyang mga templo at ibinulalas, “Diyos ko, hindi na masakit ang ulo ko ngayon! Ang sakit ng mga templo ko dati. Oh kuya, ikaw ay talagang kamangha-mangha! Kung magkakasakit ulit ako balang araw, pupuntahan kita!“Habang nagsasalita, inikot-ikot ni Hailey ang kanyang katawan sa tagiliran, dahilan para umalog din ang kanyang dibdib.Huh, sa loob lamang ng ilang mi