Share

Kabanata 16

Magtatanghali na nung nakabalik ako ng mansyon. I was right. Nandito na nga halos lahat ng Alcoreza na nakasalamuha ko sa San Hartin. Ang iba mula sa ibang siyudad at nasa hotel pa at nagpapahinga. 

Nakalatag ang mahabang mesa sa hardin para sa tanghalian. Maraming upuan sa magkabilang side. Ang lahat ng kubyertos na gagamitin ay mukhang pinagawa pa dahil sa pangalang nakasulat sa hawakan. 

Hindi ko na gaanong pinansin pa ang ginawang paghahanda at dumiretso na sa kusina. Hinanap ko si Aling Debbie. Nadatnan ko siya sa harap ng stove at may hinahalo sa malaking kawa.

"Aling Debbie," I called her that made her turn to me. 

"O, ikaw pala, Ma'am Chio."

Ibinaba niya ang hawak na sandok saka lumapit sa akin.

"May kailangan ka po ba?"

"Kung pwede po sana ay magpapahatid nalang ako ng pagkain sa kwarto. Doon nalang ako kakain, medjo masama po kasi ang pakiramdam ko," I lied.

Ayoko lang talaga na maupo sa hapag at harap harapan na pag-usapan ng lahat lalo pa't si Auntie Lurie na naman ang mangunguna sa usapan mamaya.

Bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Osige, ako na mismo ang magdadala ng pagkain mo. Sasamahan ko na rin ng gamot kung gusto mong uminom."

Tumango ako ngumiti. Pumihit na ako ng daan patungo sa kwarto. Hiniling ko na sana ay wala akong makasalubong na Alcoreza sa mga pasilyo. 

I am not hateful of my family. Kaso hindi ko rin ganoon ka gusto na makasalamuha sila ng matagal. They despise me, I know. Kaya lang ay ayaw nila sa akin dahil sa maling impormasyon.

Inihiga ko ang pagod na katawan sa malambot na kama. Hinayaan kong mahulog doon ang wallet, susi, at cellphone na dala. Masyado akong tinatamad na bumangon at ilagay pa ito sa bed side table.

Bahagya akong napaahon nang mapansin ang pag-ilaw ng phone. It was a text message.

Miscreant :

Don't forget to wear the bracelet I gave you. 

Naguguluhan man ay nagtipa ako ng irereply.

Ako :

Yeah, sure.

Muli kong ibinalik sa pagkakahiga ang katawan. Unti unting hinihila ng antok ang mga talukap na 'di kalauna'y tuluyan nang sumuko. 

I fell into a light yet long sleep. Nagising lang ako malapit na ang alas singko ng hapon. I rose from my bed and prepared myself for the reunion. 

Naligo ako saglit. Naupo ako sa harap ng tukador, pinapatuyo ang buhok. My plan is to let my long black hair freely sway against my back. Kukulutin ko lang ang dulo at tapos na ako sa aking buhok.

For my make up, I did a smokey eye for the eyeshadows. My cheeks have this natural pinkish color so I need to put just a little amount of make up to give emphasis. For my lips, I put a maroon colored lipstick.

Pagkatapos ay sinunod ko na ang damit na susuotin. Medjo nahirapan ako sa pagbibihis. It took me for a couple of minutes to successfully wear my evening gown. Hapit na hapit ito sa aking katawan. Tila hinubog nito ang katawan kong medjo tumataba na rin. 

But it's fine. I love my body.

For the final touch, I decorated my body with fancy jewelries. Halos kuminang na ako sa suot ko. Pero hindi ko nakalimutan ang bilin ni Weino na suotin ang bracelet na binigay niya.

Bahagya kong inayos ang fur shoal na nasa aking mga braso bago tuluyang bumaba.

Loud electronic music boomed when I reached the garden. Doon idadaos ang  celebrasyon ngayon. Mula rito ay mapapansin na ang iilang media personnel na halatang inimbita ni Papa. This will surely blow up tomorrow. 

Tumigil ako sa isang tabi kung saan hindi gaanong pansin ng mga tao. When a waiter was about to pass by me, I halted him and got a glass of wine.

I can see some of our relatives. Si Tita ay nakasuot ng gold long gown habang si Auntie Lurie ay naka royal blue spaghetti strap long gown. Nasa isang mesa sila na pakiwari ko'y para sa mga matatandang Alcoreza. They are having a casual talk with some oldies. 

Young Alcorezas were in a table for young. Hindi pa gaanong nagsisimula ang kasiyahan pero mukhang nag-iinuman na sila. 

Most of the faces were familiar to me. Bilang lang ang hindi. Siguro ay malayong kamag-anak na at sinubukan lang na makisaya sa reunion.

I took a sip on my wine. Hinihintay ko ang pagdating ng kung sino. Tumama ang tingin ko sa entrance para silayan siya kung dumating man.

Saktong sisimsim na sana ulit ako nang may biglang bumulong sa aking tabi. 

The music has changed. Kung hindi ako nagkakamali ay A Sky Full of Stars iyon ng Coldplay.  

"You're a sky full of stars...In a sky full of stars, I think I saw you..."

Nilingon ko ang tabi at nahagip ng mga mata si Weino na hindi ko lubos makilala. He is in his formal suit in gray color. Ang itim na buhok ay naka-brush up. 

"You are shining like the stars," he said and stood beside me.

May dala narin siyang inumin sa kanyang kamay at paminsan minsang sumisimsim dito. His eyes were on the guests.

"So these are the Alcorezas..."

Ngumiti ako.

"Yup, the Alcoreza clan is here."

Nagkatinginan kami. His eyes were gentle. Medjo malayo sa madalas na galit at pagod niyang mga mata.

"Why are you here? You should be enjoying the night with your cousins," may pagtataka sa boses niya.

Nag-iwas ako ng tingin saka sumimsim sa wine ko.

I shook my head a little.

"I'm not close to them. Nah, they don't want to talk to me..."

Natahimik si Weino. Iniisip niya siguro na masyadong close ang pamilya Alcoreza. Kung lahat ba naman ng media ay iyon ang sinasabi, baka nga. 

Media reports often show the closeness and the strong bond of our family. But that is just for a show off. Hindi makatotohanan dahil wala naman talagang totoo sa mga balita nila tungkol sa Alcoreza.

Of course my father is a governor. Malaking kahihiyan iyon kung ang pamilya ng gobernador ay hindi nagkakasundo.

Napansin ko ang pagbaling ni Tita sa amin. When our eyes met, she waved at me. Ngumiti ako at kumaway pabalik.

"Come here..." she mouthed.

Nilingon ko ang katabi. Sa kanila narin ang tingin ni Weino na medjo kunot na ang noo.

"You wanna go there?" tanong ko sa kanya, bahagya nang nababahala dahil sa naka-ambang usapan na sa tingin ko ay tatama na naman sa akin.

He gave me a small nod. Hinanda ko ang sarili at nagbaon ng maraming hangin bago tinahak ang daan patungo sa gawi nila.

Nasa kalagitnaan palang ako ng paglalakad ay nakita ko na ang paglingon ni Auntie sa akin na nalipat ang tingin sa kasama ko. She ran her eyes through Weino in an insulting way. 

"Good evening," bungad ko sa mga matatandang Alcoreza nang makalapit.

"Good evening..." si Weino.

Auntie smirked and took a sip on her wine. Binati kami pabalik ng mga kasamahan sa mesa.

"Oh, the young Zaldego is here," si Tita saka iminuwestra ang bakanteng upuan.

Weino pulled a chair for me. Naupo siya sa tabi ko. On his side there is Auntie Lurie. Ang katabi ko ay si Tita.

"Gavi invited you personally, right, ijo?" Auntie then smiled.

Nilingon siya ni Weino. Gusto ko sanang makinig sa pinag-uusapan nila pero hindi ko magawa dahil kinakausap na rin ako ni Tita.

"How's Rouseau?" she asked.

"Maayos naman, Tita. I have no complain about the work and my workmates."

Ngumiti siya, nagagalak.

"Good to hear. Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakabalik. Rotenus is getting most of my time. I can't even attend conferences nowadays."

"I understand, Tita. Maybe I'll call you if I need something regarding the shop. Pero kung kaya ko namang ayusin, ako nalang po muna."

"Hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo, ija. And about your workmates, did you check their backgrounds?"

I smiled, a fake one. Right, I checked it the last day and found something interesting about it. 

Tumango ako.

"Yup, I already did. Si Auntie pala ang nagrecommend nung dalawa?" 

Mabilis siyang tumango bilang sagot.

"Yes, she recommended two of them."

"I see," tipid kong tugon, nahihinuna na ang ilang bagay.

"Is there something going on in between you two?" 

Sabay kaming napabaling ni Tita kay Auntie na halatang nilakasan na ang boses. My heart started beating so fast when her eyes were bore onto me. Nanunukat ang kanyang tingin.

"I can say yes...there is something in between us," Weino said proudly as he secretly held my hand underneath the table.

Pekeng tumawa si Auntie. Tahimik naman ang ibang Alcoreza na halatang tensyonado na sa naging tungo ng usapan.

"Poor young man..." umiling si Auntie. "You better check your girl. She knows how to play feelings. Her cheating record is awful."

"I believe that my girl can't do that. She is just too lovely and precious to even think of cheating. That's very low..." Weino defended me.

Halos mapatulala ako sa kanya dahil sa narinig. His words were coated with sincerity. May kung anong humaplos sa puso ko dahilan ng pag-init ng sulok ng aking mga mata.

"How can you be so sure, ijo?" Auntie asked.

 "Don't settle with her. Noong nasa San Hartin pa iyan, kung sino sinong lalaki ang kinikita ni Chio. Maybe...she slept with men multiple times before..."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. I can't look at him. Pinaulanan ako ng kahihiyan ngayong gabi. I know it is not true because I raised as a decent woman and not a flirt Auntie Lurie painted me in her mind!

Pero kahit ganoon ay nahihiya parin ako. Naaawa sa sarili dahil hindi ko kayang depensahan ang sarili laban sa mga paratang niya sa akin. She's part of the family...why does it seem so easy for her to ruin the image of her niece?

Bakit ba galit na galit siya sa akin?

Because I resemble my mother?

Or maybe she hates me for reminding her the best friend she betrayed?

"It is not my thing to settle with girls, Ma'am," Weino gave me a glance. "But Chio is now my woman. And even if she cheats, I will still settle with her because I deserve this fierce woman beside me."

"How crazy is that?" pigil ang inis na sambit ni Auntie.

"It is not my craziness that makes me want to bear with her. To handle her is more than a heartbeat of a life that wasn't lived in paradise."

Hinugot ko ang kamay mula sa pagkakahawak ni Weino at tumayo.

"E-excuse me..." paalam ko saka sila tinalikuran.

They may find it an act of disrespect but I have to leave. Tears are threatening my overwhelmed heart so I need to leave them. 

Nagdire diretso ang lakad ko patungo sa likod ng mansyon kung nasaan ang dalampasigan. I removed my stilettos to feel the white sand of Priacosta. 

May nadadaanan na akong mga sanga mula sa maliliit na puno sa magkabilang gilid ng daanan. This pathway is not meant to bring you to the seashore. Nilagay ito rito bilang emergency exit. Bihira lang ang nagagawi rito kaya magandang daanan pag ayaw kong makita ng iba.

The mansion was bombarded with people. Nagsasaya sa ilalim ng mabituing kalangitan sa tahimik na gabi. And yet I am here, taking the small way to feel the sea.

Pumatak ang isang butil ng luha. Kaagad ko itong pinalis at humugot ng malalim na hininga.

When I am about to pass the wall of the mansion, Papa appeared in front of me. His eyes widened. Tila ba nagulat siya na makita ako rito.

I stopped to greet him. Kaya lang ay lumapit na siya sa akin kaya hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin.

"What are you doing here?" he asked.

"Uh...magpapahangin lang sana sa tabing dagat..."

I prayed that he'll believe me this time. Napahinga ako nang maluwag pagkatapos niya akong tanguan.

His eyes scanned me. Ipinilig niya ang ulo at pumameywang. 

The wind blew in between us. Bigla kong naramdaman ang kakaibang lamig na nanunuot sa aking kalamnan.

Papa advanced. Nagulat ako pero hindi gumalaw.

"You look good tonight, ija. The beauty you have resembles your mother's."

"Salamat po..." naguguluhan kong sagot.

My brows furrowed when he took another step towards me. Umurong ako, kinakabahan na dahil sa kanyang tingin.

His gaze stopped on my neck. Nang mahinto ang tingin doon ay binilisan niya ang lakad. Muntik na akong matumba nang matisod ako ng isang bato. 

I groaned in pain when my back hardly hit the wall behind me. 

"I like your neck..." Papa whispered.

Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagyakap sa akin ng kaba. Ang klase ng kaba na ngayon ko lang naramdaman. 

I tried to step back but there is no space for me to move! 

Lumapit si Papa, iniharang ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Abot abot na ang tahip ng puso. The provocative gleam in his eyes told me that I am now trapped in danger!

He lowered his head, leveling on my neck. Sinubukan niya akong halikan doon pero maagap ko siyang naitulak. Nagulat siya dahil sa biglang ginawa ko. 

But the shock written on his face faded. Napalitan ito ng galit kasabay ng unti unting paglutang ng pagnanasa.

My hands started to tremble in fear. Nangatal ang aking mga labi at ang balikat ay bumagsak.

"When was the last time that I kissed you on your neck? I miss that..."

Sinubukan niya akong halikan ngunit tinulak ko siya muli, buo na ang lakas at determinadong makalayo sa kanya.

I managed to put some distance in between us. Kinuha ko ang pagkakataon na tumakbo patungo sa dalampasigan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtakbo nang nahila niya ang aking buhok.

I straddle to escape from his hold but he grabbed my waist and pinned me back to the wall. Mas lalo akong nagpumiglas habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luhang produkto ng takot at kaba.

I wanted to shout so hard but the fear of being blamed of this incident crept on me. Ang ideya na baka ibalik sa akin ang sisi dahil sa nangyayari ngayon ang pumigil sa akin. 

Umurong ang boses ko at ang tanging nagawa ay umiyak lang habang nandidiri sa ginagawa ng sariling ama.

I felt his lips tracing my neck down to my shoulders. Kinapitan ko ang natitirang lakas para sipain ang kanyang hita. It pained him!

Nasapo niya ang hita dahil sa sakit. I ran as fast as I can. May naramdaman akong hapdi sa aking braso. Nasasagi ko na ang mga sanga ng puno at nagdurugo na ang mga hiwa sa aking balat. 

Hindi ko matiis ang hapdi pero pinagpatuloy ko ang pagtakbo. I groaned in pain when I stooped on something that pricked my foot. 

Bumagsak ako sa buhanginan at ininda ang matinding sakit. Nilingon ko ang gawi ni Papa at nakitang patakbo na siya para habulin ako. 

I was so scared to be caught by him. Kahit nanghihina ay pinilit kong gumapang. Tears continued to pour from my eyes. 

"Weino!" I called out for his name, hoping that he will save me from this danger.

But the hope in me subsided when Papa pulled my hair. Hinila niya ako paharap sa kanya. Pumutok na ang butones ng kanyang tuxedo dahil sa marahas na galaw. 

My back fell on the sand. Mabilis niya akong dinaganan sabay hila ng suot ko pababa sa may dibdib. 

I feel so humiliated. Gusto kong makawala. Gusto kong magising, iniisip na sana ay bangungot lang ito. 

Pain and fear mixed up to console my crying soul. Iyak lang ako ng iyak. I have lost my strength. I want to escape from this evil but I can't...

"Weino...please save me..." bulong ko sa pagitan nang malalakas na hikbi.

Tumalsik ang iilang butil ng buhangin sa sugat kong nagdurugo na. Napadaing ako sa hapdi at sakit. 

Just when I am about to give up, an image of a man running towards us filled my vision. 

Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Papa. Ipinikit ko ang mga mata dahil sa sobrang takot. I can hear punches and kicks from my surrounding. 

While something is happening around me, I am crying helplessly. Sinasapawan ng malakas na tugtog mula sa hardin ang ingay na nanggagaling sa akin at sa mga daing ni Papa.

A pair of arms wrapped arround me. Hinihila ako paupo sa buhangin. Sumunod na taliwas sa kagustuhan ko ang lupaypay na katawan at tuluyang naupo. 

Pinilit kong imulat ang mga mata. Papa was punched by men in black. Nasa apat hanggang anim na kalalakihan ang pinapaulanan siya ng suntok.

Nanginig ang katawan ko nang muling maramdaman ang matinding hapdi mula sa aking mga hiwa.

A large body frame can be felt beside me. Nakayakap sa akin ang isang braso at ang isa ay magaang hinahaplos ang buhok ko.

"I'm here, darling. I'm here..." boses iyon ni Weino.

Humagulgol ako. Nahabol ko ang hininga dahilan nang paninikip ng aking dibdib. Ang sakit...

"Listen to me, Chio! Breathe, darling...breathe!" Weino commanded. 

Pinilit kong sumunod sa kanya pero ang pagwawala ng puso ang namayani kesa sa kagustuhan kong huminahon.

"Chio..breathe...please breathe...I need you to breathe..."

Napakapit ako sa kanyang braso. My hold on him tightened when my eyes went blurry. 

"I-i can't...s-si..."

Kaagad akong pinigil ni Weino. I can feel his anger right now.

"P-pa...pa..." hindi ko na halos marinig ang boses dahil sa sobrang hina.

"Don't talk...just breathe...please breathe..."

I gasped for air. 

Kasabay ng marahang pagbuntong hininga ko ay ang pagdilim ng buong paligid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status