Share

Kabanata 37

Kabanata 37

“Sorry, matagal ko kasi bago nahanap iyong banyo," paghihingi niya ng tawad sa pinsan.

Ngumiwi lang si Greta at pinagmasdan siya.

“Akala ko natabunan ka ng banyo,” pagmamaldita nito. “Bakit kasi hindi ka nagtatanong.”

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Alangan naman na i-kwento niya sa pinsan na nakilala niya ang congressman at ito pa ang nagturo ng banyo sa kaniya. Mas nakakahiya iyon kaya tumahimik na lang siya. Kinain ng konsensiya ang puso niya nang bumalik sa alaala niya ang pakikitungo sa lalaki. Sana ay hindi na muling magtagpo pa ang landas nilang dalawa.

“S-sorry…” muli niyang paghingi ng paumanhin.

Umiling lang ito at ibinalik ang tingin sa cellphone na hawak. Hindi niya akalain na may pagka anti-social pala ang pinsan. Sa tuwing may kumakausap dito ay tipid na sagot lang ang ibinibigay.

Itinuon ang sariling paningin sa ibang direksyon. Ngunit, mukhang kaagad rin niyang pinagsisihan iyon nang aksidente na namang mapunta sa gawi ni Lawson ang kaniyang paningi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status