Share

Kabanata 65

Kabanata 65

Sunod-sunod ang naging pagbagsak ng nagbabadyang luha sa kaniyang pagod na mga mata. Pinunasan niya iyon kahit wala iyong tigil sa pag-agos.

Mabibigat ang hakbang na pumasok siya sa loob ng hindi gaano kalakihang kuwarto sa apartment niya. Nagtungo siya sa may aparador kung saan nakalagay ang kaniyang mga damit at iilang mga gamit. Kinuha niya ang kaniyang mga bag na maaaring paglagyan ng kaniyang mga gamit, at saka isa-isang ipinasok sa loob ang mga iyon.

"Matagal pa ba iyan, Clementine?" Malakas na tawag sa kaniya ng matanda mula sa labas ng kuwarto.

Napapikit siya ng mariin. Pilit niya ring kinakalma ang sarili. Malalim siyang huminga, at saka lumunok ng sunod-sunod, bago nagsalita.

"S-Saglit lang p-po!" Sigaw niya pabalik.

Sinikap niyang huwag pumiyok ang kaniyang boses. Kailangan niyang maging matatag sa gabing ito, wala siyang malalapitan o mapaghihingian ng tulong, tanging sarili lamang niya ang mayroon siya kaya kailangan niyang magpakatatag.

Hindi na m
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status