Share

Chapter 11

Maaga akong nagising ngayon, 5:30am pa lang ay bumaba na 'ko patungo sa kusina para maghanda ng aming almusal. Mamayang 8am pa ang pasok nina Ate at Mama. Si Januarius, 7am naman ang pasok.

Pagkabukas ko sa ref, hotdog at tocino na lang ang laman ng freezer. Sinuri ko na rin 'yung container namin na lalagyan ng pagkain at may nadatnan naman ako roong tuyo at dilis kaya kinuha ko na. Mayroon pa namang natirang kanin kagabi kaya napagpasyahan kong isangag na lamang 'yon.

'Yung hotdog ang kinuha ko sa ref, hindi ko na isinama 'yung tocino para may ulam pa kami sa susunod na araw. Medyo bet ko ngayon 'yung parang chowfan style kaya nagsimula na 'kong magluto.

Sa isang pan, doon ko ipinirito 'yung dilis saka tuyo. Masarap 'yung malutong-lutong kaya tinusta ko 'yung dilis. Saktong prito lang naman ang ginawa ko sa tuyo. Sa isang kawali naman, doon ko niluto 'yung hotdog. Hiniwa ko ito nang maliliit dahil ihahalo ko nga ito sa sinangag.

Ipinirito ko lang saglit 'yung hotdog para hindi masu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status