Share

Chapter 42

Hindi magkandamayaw ang dalawa kong kaibigan nang ipakita ko sa kanila 'yung picture na may fan sign ng kanilang mga sinisinta.

"Girl, totoo ba talaga 'yan? Hindi ba 'yan edited?" tanong ni Gela.

"Oo naman. Hello, wala akong talent sa pag-e-edit, 'no," turan ko.

"Shocks! Hindi talaga ako makapaniwala!" komento ni Osang na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta 'yung mukha sa sobra tuwa.

"Naku, kailangan n'yo talagang maniwala. At heto pa, para may souvenir kayo..." sambit ko sabay kuha ng papel na may fan sign ng mga sinta nila. Una kong iniabot 'yung kay Gela.

"Wahhh!" mahina niyang tili matapos mahawakan 'yung papel. Talagang sinamyo niya ang amoy nito at wari mo'y ginalugad pa ang bawat sulok.

"Ih, totoo nga talaga! Thank you, prend!" saad ni Gela sabay yakap sa 'kin. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi simula pa kanina.

"Naku, wala 'yon," tugon ko. Pagkahiwalay ko sa pagkakayakap niya, sunod ko namang binuhusan ng pansin ang kanina pa ngiting-ngiti na si Osang.

Inilaha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status