Share

Chapter 12

Simpleng nakikibalita naman siya noon sa tiyang niya at nasabi nitong nagbalik na sa Hawaii si Terrence. Nabanggit pa ng kanyang tiyang na nagkasuntukan pa nga raw sina Terrence at Ahron bago umalis pa Hawaii sng binatilyo.

Sumama daw ang loob ni Terrence nang si Ahron ang kampihan ng Senyor dahil ito

ang nakakatanda. Dinamdam ata iyon ni Terrence dahil hindi lumipas ang dalawang araw ay lumipad ito patungong Hawaii. Ang naging dahilan ng pagaaway ng magpinsan ay nanatiling lihim daw hanggang ngayon at tanging si Don Manolo lamang ang nakakaalam.

Humugot ng malalim na hininga si Nikka at nilanghap ang sariwang hangin. Ipasusundo daw siya ng kanyang tiya Perla kaya naghintay ang dalaga sa waiting shed malapit sa daungan.

Mga kalahating oras din ang lumipas bago niya makita ang isang Wragler Type car na pumarada sa tapat niya. Bumaba ang isang medyo malusog at maitim na lalaki.

“Kayo po ba si Attorney Nikka Salcedo?” tanong nito.

“Yes” maiksing sagot ni Nikka.

“Ah Kami po ang susundo sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status