Share

Prologue

                           "SIR! Pa-pasensiya na ho sa istorbo!" Anang sekretarya ko na gumagaralgal pa ang tinig." Nagpupumilit ho kasi na pumasok si Miss Thana." Bigla naman akong nag-angat ng tingin at kunot noong pinagmasdan ang babaeng nakatayo ngayon sa aking harapan.

"Sige na, iwanan mo na muna kami." Pagtataboy ko sa aking sekretarya na kaagad din naman na tumalima.

Muli ay binalingan ko si Thana at laking gulat ko pa ng makita kong hilam ng luha ang kanyang mga mata habang dahan-dahan na inilalapag sa aking mesa ang tatlong pregnancy test kit. Napamaang pa ako ng masilip ko ang dalawang pulang linya na naroon sa result window ng PT.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maging reaksiyon ng mga sandaling iyon.

Gusto kong matuwa dahil magiging daddy na ako subalit ang takot at pangamba na kasalukuyang nakaukit sa aking dibdib

ang siyang patuloy na nangingibabaw.

Kahit puno ng pag-aalinlangan ay nilapitan ko pa rin ito. Niyakap ko siya ng buong higpit upang maramdaman niyang kahit paano ay may kaunting kasiyahan rin akong nadama sa kanyang ibinalita. Buong akala ko ay tutugon siya sa yakap ko ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya. Dahil ramdam kong unti-unti na siyang kumakalas sa pagkakayakap ko at kapagkuwa'y malungkot na nagwika.

"Hindi ko hinihiling na pakasalan mo ako Simoune. Sustentuhan at alagaan mo lang ang magiging anak natin, masaya at panatag na ang kalooban ko." Napasuntok ako sa hangin matapos kong marinig ang mga katagang 'yon.

"Hell no!" Singhal ko sa kanya.

Nang mga sandaling 'yon, pakiramdam ko ay parang may kung anong matalas na bagay ang nakatarak sa aking dibdib. At pakiwari ko ay mauulit na naman ang mapait na karanasan na dati ay ipinalasap na saakin ng kapalaran.

"Hindi mo kailangan'g pangunahan ako sa aking mga desisyon! Dahil kahit hindi mo sabihin ay nakahanda akong pakasalan ka sa lahat ng simbahan! Nakahanda rin akong maging ama kahit pa ilang dosena ang maging anak natin!" Mariing sambit ko.

"Ngunit, paano na si Tiffany?"

Natigilan ako sa huling tanong na kanyang tinuran. Ang kaninang pagmamatigas ko ay bigla na lang napalitan ng panghihina at pagkalito.

       

                        *eZymSeXy_05*

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status