Share

Chapter 31: Tampuhan

Napuno ng katahimikan ang buong silid, napalingon-lingon ako sa paligid at pilit na pinipigilan na kumawala ang luha sa aking mata. Pakiramdam ko, napahiya ako sa asawa ko. Sinimulan ko ang isang bagay na hindi ko naman tinapos. Dahan-dahan ko ng ibinaba ang mga paa ko sa sahig at pinulot ang sinuot kong nighties kanina.

Agad na akong nagpunta sa kwarto pagkatapos kumuha ng tuwalya at agad na pumasok sa bathroom. Ini-on ko ang shower at pikit mata kong sinalubong ang pagbagsak ng mga tubig sa aking balat. Pagkatapos kong maligo agad na akong lumabas ng banyo at nagpunta sa closet para kumuha ng maisusuot ko.

Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko ang higaan upang mahiga na at magpahinga, pero may kumatok sa pinto. Naghintay muna ako na may tumawag pero wala naman. Umupo na ako sa higaan upang humiga ngunit narinig kong muli ang katok sa pinto.

“Sino ‘yan?” sigaw ko at sumagot naman ito.

“Shun? Buksan mo ang pinto, si Kevin ‘to!” sagot niya at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status