Share

Chapter 56: The siblings first meet

“Señiyorita? Señiyorita?” boses na naririnig ko mula sa mahimbing kong pagkakatulog, ‘yon pala ay ginigising na ako ng maid na siyang naghatid sa akin kagabi sa kwarto na ito. Ramdam ko ang pagtapik niya sa braso ko habang ginigising ako.

“Ako po ito, nakahanda na po ang almusal niyo! Nakalimutan niyo pong e-lock ang pinto ng kwarto niyo kagabi kaya pumasok na lang ako.” sabi ng nakangiting maid kaya dahan-dahan akong napabangon sa kama.

Napatingin ako sa white curtain na nakaharang sa glass window ng silid at maliwanag na sa labas. Napatingin ako sa maid at nagtanong.

“Anong oras na ba?”

“Mag-aalas nuwebe na po señiyorita.” sagot naman niya at napakiling ko ang aking ulo.

“Next time don’t call me señiyorita, parang nabibingi ako. Pwede bang tawagin mo na lang ako sa pangalan ko?”

“Ay, señi.....” putol niya.

“Hep! Please?”

“Ma’am na lang po, pwede rin ba?” tanong niya at umiling ako.

“Not allowed!”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status