PAULYN....Maaga pa lang gising na s'ya, mahigpit na nakapulopot ang mga braso ng asawa sa kan'yang bewang.Parang takot na takot itong mawala s'ya sa tabi nito. Lihim s'yang napangiti habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ni Zachary.Matagal man na panahon na nahiwalay sila sa isat-isa ngunit hindi nawala ang pagmamahal n'ya rito.Kahit pa nasaktan s'ya sa mga nalaman, hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang pagmamahal n'ya kay Zachary.Marami ang nangyari sa loob ng ilang taon na nawala s'ya. Maraming naganap sa buhay n'ya at nalaman n'ya ang pinakamalaking sekreto na matagal na panahon na itinago ng ina nila sa kanilang dalawa ni Duncan.Isang trahedya din ang nangyari na naging dahilan para hindi s'ya makalabas at hindi nabalikan agad ang asawa.Pero sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating sa buhay nila, nandito s'ya ngayon. Yakap-yakap ng pinakamamahal na asawa.Nang araw na umalis s'ya sa bahay nila, isang insidente ang muntik ng kumitil sa kan'yang buhay kasama sana si
PAULYN...FLASHBACK.."T-Tay?" nauutal na tawag n'ya sa matanda. Tumutulo naman ang mga luha nitong tumingin sa kan'ya at dahan-dahan na lumapit."Paulyn... My princess, my tatay's girl! Anak ko!" tawag sa kan'ya ng ama. Napahagulhol s'ya ng iyak habang nakatingin rito. "T-Tatay ko, tatay ko,.. buhay ka tay?" umiiyak na tawag n'ya rito. Lumapit naman ito sa kan'ya at mahigpit s'yang niyakap."Miss na miss ka na ni tatay anak, miss na miss na kita. Patawarin mo si tatay kung hindi ko kayo nabalikan anak, patawarin mo ako," umiiyak na sabi ng ama sa kan'ya."T-tay bakit? Bakit iniwan mo kami ni nanay at ni kuya? May nagawa ba kaming kasalanan sayo para iwan mo kaming tatlo ni nanay?" tanong n'ya rito."No Paulyn, wala kayong kasalanan ni Duncan pero si Teresita meron at malaki," sagot ng kan'yang ama habang igting ang mga panga at kuyom ang mga kamao."Tay ano bang pinagsasabi mo? Mahal na mahal ka ni nanay. At anong kasalanan ang mga pinagsasabi mo tay? Buong buhay ni nanay tayo lang
PAULYN....Pagkatapos nilang mag- almusal ni Zachary nagpasama s'ya dito para umuwi muna sa bahay ng kapatid.Hindi pa alam ni Zachary ang relasyon nila ni Elijah at magpahanggang ngayon, selos na selos pa rin ito sa lalaki.Ayaw ni Elijah na tinatawag n'yang kuya, dahil ayon dito, wala sa tradisyon nila ang pagtawag na kuya sa mga nakakatandang kapatid na lalaki.Tinahak nila ang daan patungo sa bahay ni Elijah. Tahimik lamang na nagmamaneho ang asawa at ganon din s'ya na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan nito.Itinuro n'ya kay Zachary ang daan patungo sa mansion ng mga Socrates dito sa Pilipinas. At matapos ang mahigit isang oras na byahe narating nila ang isang kulay puti na mansion na nakatirik sa isang malaking solar."Who's house is this hon?" tanong ni Zachary sa kan'ya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa malaking bahay sa harapan nila."You will know later honey. Come let's go!" aya n'ya rito. Nauna itong bumaba at umikot sa kabila para pagbuksan s'ya ng pinto.Lihim
ZACHARY...Matapos ang nangyari sa bahay ni Socrates bumalik agad sila sa kanilang bahay.Hindi mawala sa isip n'ya ang mga nalaman— kung kaya kinausap n'ya si Paulyn at tinanong.Isinalaysay naman ng asawa ang lahat at halos madurog ang kan'yang puso ng marinig ang mga sinabi nito.Nagpupuyos s'ya sa galit sa kung sino man ang may gawa no'n sa asawa. Ipinangako n'ya sa sarili na aalamin n'ya kung sino ang nasa likod ng lahat.Ayon sa kwento ng asawa, hindi naabutan ni Socrates ang taong kumuha sa kan'ya ng iligtas s'ya ng mga ito. Nauna na daw na nakatakas ang naturang tao at hindi na nila nakita pa. Kwento ng asawa, may balbas ang lalaki at kulay green ang mga mata nito.Pilit n'yang kinakalkal sa utak kong sino ang mga naging kaaway n'ya na s'yang pwedeng gumawa no'n kay Paulyn.Sa uri ng trabaho nilang mga assassin, libo-libo na ring kalaban ang nakaharap nila.Maliit man o malaking tao, binabangga ng grupo nila basta may utos mula kay supremo.Nasa malalim s'yang pag-iisip ng b
ZACHARY....They are on the way to somewhere na hindi n'ya alam kung saan. Naudlot ang plano nilang pagbili ng mga gamit para sa anak nila, dahil sa nangyari.Hindi n'ya alam kung bakit sinundan n'ya ang lalaking ito ngunit malakas ang pakiramdam n'ya, na dadalhin s'ya nito sa isa sa mga hinahanap n'ya.FLASHBACK..."Ferrari huwag kang lumikha ng ingay, sumama ka na lang sa akin ng maayos," pabulong na sabi nito kan'ya habang nakatutok ang baril sa kan'yang sintido.Lumabas naman si Paulyn sa sasakyan at mabilis ang mga kilos na hinawakan ang palapusuhan ng lalaki at inikot ito.Kahit s'ya nagulat sa bilis ng kilos ng asawa. Ibang-iba na talaga ito ngayon, kung dati kaya lang itong e bully ng kahit sino, ngayon kakabahan na ang magtangka na kantihin ito."Fvck! Shit! Aw!" hiyaw ng lalaki ng apakan ng asawa ang ulo nito na nasa lupa habang nakapilipit ang braso nito."Speak!" malamig na utos ni Paulyn."Damn it! Let me go! Shit! I'm not an enemy, napag-utosan lang akong sunduin si Fe
ZACHARY....Matapos ang madamdaming pagtatagpo nila ng nakababatang kapatid at ng dating magkaibigan na si Paulyn at Zion nakatulog ang kan'yang kapatid.Ayon kay Geo, nanghihina na ang katawan nito at madali ng mapagod. Pinuntahan n'ya si Geo para makausap, iniwan n'ya muna ang asawa para bantayan si Zion.Naabutan n'ya itong nag- eempake ng mga gamit."Are you leaving?" tanong n'ya. "Yes! Uuwi muna ako sa pamilya ko. Ikaw lang ang hinihintay ko na dumating para makuha mo na si Liecel at maibalik na sa inyo," sagot ni Geo sa kan'ya."Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa kapatid ko Lee at kung paano mo s'ya natagpuan at paano mo nalaman na kapatid ko s'ya," sunod-sunod na tanong n'ya sa lalaki.Tumigil ito sa ginagawa at humarap sa kan'ya."Let's talk here," aya sa kan'ya ni Geo at nagpatiuna ng lumabas sa balkonahe ng kan'yang kwarto. Kumuha ito ng dalawang lata ng beer sa maliit na fridge na sinadyang ipalagay sa balkonahe nito para mapaglagyan ng mga inumin.Inabot nito sa
ZACHARY...Nag desisyon syang iuwi si Zion sa Mountbatten Palace. Sinigurado n'ya munang secured at safe ang lahat bago s'ya nagpasyang ibyahe ang kapatid at ang anak nito, kasama na si Paulyn.Kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan ang kaaway n'ya. Alam n'yang kahit hindi pa sila magkaayos ni Socrates tutulongan s'ya nito dahil kung hindi, isisiwalat n'ya sa lahat na may utang itong two hundred pesos kay Geo Lee, na hanggang ngayon hindi pa rin nababayaran.Ilang ring muna ang hinintay n'ya bago n'ya narinig ang pagsagot ng lalaki mula sa kabilang linya."Anong kailangan mo asshole?" bungad nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa sa salubong ng binata sa kan'ya."Busy ka ba kuya?" kantyaw n'ya dito."Putang'ina mo, hindi kita kapatid," pagmumura nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya."I need some help Socrates," maya-maya seryosong sabi n'ya rito."Gago! Close ba tayo? Nakalimutan mo bang may atraso ka pa sa akin?" bulyaw nito sa kan'ya."Pinapasabi pala ni Geo Lee, na bayaran mo na daw ang
ZACHARY...Isang makahabag damdamin ang nangyaring pagkikita ng kan'yang kapatid at mga magulang.Kita ang saya sa mukha ng dalawang matanda ngunit may lungkot din na nararamdaman dahil sa sitwasyon ng anak ng mga ito, na s'yang tanging prinsesa nila."Zachary anak, maraming salamat. Maraming salamat na hindi mo sinukuan ang paghahanap sa kapatid mo. Sobrang saya ko na buo na tayo anak. Si Duncan na lang ang kulang, sana kung buhay pa s'ya, buong-buo na sana ang pamilya natin," naiiyak na pasasalamat ng ina.Niyakap n'ya ito at hinalikan sa ulo."Ma, nawala man si Duncan may dumating naman na bago," sagot n'ya rito. Nangunot ang noo nitong tumingala sa kanya.Hinila n'ya ang asawa palapit sa kanila ng ina at inakbayan."Ma, meet my wife Jessica Paulyn Marie, Duncan's sister," pagpapakilala n'ya sa asawa. Namilog naman ang mga mata ng ina at may hindi makapaniwalang tingin na tiningnan si Paulyn."Your Duncan's sister?" tanong ng ina rito."Magandang araw po ma'am. Yes po, kapatid p