Ilang araw ng busy si Zachary, narito s'ya ngayon sa Pilipinas para sa isang mission.
Kailangan nilang bantayan ang Vitorri heir dahil nanganganib ang buhay nito. Kasama na din sa binabantayan n'ya si Cheetah na may banta din ang buhay.Naninibago s'ya sa paglabas na walang kahit na anong takip ang kan'yang mukha.Ilang taon n'ya bang itinago ang sarili? Four years? Five years? Maraming taon s'yang namuhay sa kadiliman.Matapos ang aksidente na nangyari sa matalik na kaibigan at malamang patay na ito, na inakala ng lahat na s'ya ang nasa loob ng sasakyan, dahil sa prosthetic mask na suot itinago n'ya na din ang sarili para sa paghihiganti.Pinanindigan n'ya ang balita na patay na s'ya para madali sa kan'ya ang pagtugis sa mga taong sangkot sa pagkamatay ni Duncan.Nagtagumpay naman s'yang singilin sila at ngayon isa na lang ang natira.Pero hahayaan n'ya muna itong e enjoy ang buhay bago singilin at patayin.Uunahin n'ya muna ang misyon at pagkatapos ng trabaho n'ya dito, sisingilin n'ya na ng buhay ang pinakahuling tao na sangkot sa pagkawala ng kan'yang bestfriend.Pumunta muna s'ya sa Han Hospital, kailangan n'yang makapasok bilang part time doctor sa naturang hospital.May gusto lang s'yang alamin...., ayon sa nakalap n'yang impormasyon sa Han Hospital huling dinala ang taong hinahanap n'ya.Kailangan n'yang makita ang mga records nito para malaman n'ya kung totoo ang kan'yang hinala.Kilala n'ya ang may-ari ng naturang hospital.Hindi lang ito basta-basta'ng doctor lamang.Membro ito ng isang gang na kinatatakotan ng lahat lalo na ang leader nilang si Westaria na isang bilyonaryo at kilala sa business world.Alam n'yang malalaman ni Dr. Han na peke ang recommendation na dala n'ya. Pero gagawin n'ya ang lahat para lamang makapasok sa naturang hospital at makakuha ng impormasyon sa taong hinahanap.Pagdating sa hospital nagtanong agad s'ya kung saan ang opisina nito.Itinuro naman sa kan'ya ng receptionist.Pinapasok s'ya ng secretary at doon na pinaghintay sa loob.Wala daw ito ng ilang araw dahil may importanting inasikaso sa isang branch nito sa abroad.Inilibot n'ya ang tingin sa buong opisina ng doctor.Napaka organise na tao pala itong si Dr. Han.Hindi halata na membro ng isang gang dahil napakasinop ng opisina nito at napakalinis.Nagtagal pa s'ya ng halos kalahating oras bago ipinaalam ng secretarya nito na papunta na ang naturang doctor.Sinilip n'ya muna ang sitwasyon ng mga binabantayan n'ya sa kan'yang cellphone.He has an access sa lahat ng mga galaw ng mga ito at kahit pa hindi s'ya nakabuntot dito alam n'ya ang mga nangyayari, at may mga tao din s'yang pinapasunod para bantayan sila.Everything seems normal at wala namang kahina-hinalang galaw sa paligid lalo na sa dalawang babae na responsibilidad n'ya ngayon.Malaki ang pasasalamat n'ya na sa bahay ni Drake napunta si Cassandra. Iisang lugar lang sila ng Vitorri heir kung kaya madali para sa kan'ya ang pag monitor sa mga ito.Parehong bihasa sa pakikipaglaban ang dalawa ngunit hindi nito alam pareho na nasa panganib ang mga buhay ng mga ito.Pa sekreto itong pinabantayan ng mga ama nila sa Black Wagon.Isang agent ng Black Wagon din si Cheetah ngunit naka suspended ito ng ilang taon dahil sa nangyari sa kanilang nanay-nanayan na si Black Sparrow o ang ina ng kaibigan'g si Tobias.Nasa ganon s'yang pag iisip ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang gwapong lalaki na walang iba kundi ang may- ari ng naturang hospital na kinaroroonan n'ya."Dr. Zachary Giorgio Ferrari, my secretary said that you came here because of a recommendation as a part time doctor in my hospital?" seryosong tanong nito kan'ya.Lihim s'yang napangiti dahil kahit na presensya ng isang doctor ang gamit nito, nararamdaman n'ya pa rin ang kakaibang awra ng lalaki.Or let's say isang mapanganib na presensya na kung isang normal lang na tao, matatakot ka kapag ito ang kaharap mo.But not him, he is an assassin. Normal na sa kan'ya ang mga ganitong mapanganib na presensya ng isang tao."Correct, you have a nice hospital. At hindi ko rin inaasahan na kasing edad ko lang pala ang director ng Han International Hospital. Nice to meet you, Director Tadeus Han, right?" pagkumpirma n'ya sa lalaking kaharap."Honestly wala akong natanggap na recommendation letter tungkol sayo, may I know kung sino ang nag recommend sayo na dito sa HH mag part time? deretsong tanong nito sa kan'ya.Napangisi naman s'ya at dinukot ang isang papel sa bulsa ng jacket na suot at inilapag sa mesa sa harapan ni Tad. Agad naman nitong kinuha at binasa ang naturang papel.Lihim s'yang napangiti dahil sa ekspresyon ng mukha nito alam n'yang nakuha agad nito na peke ang recommendation letter na dala n'ya."I just want to be a part time doctor here, mukha kasing maganda magtrabaho dito," ani n'ya na bahagya namang ikinangisi ni Tad."If you want to work in my hospital, then show me a valid recommendation letter. You can't fool me by that , fake letters of yours, " pahayag ng doctor sa kan'ya na nginisihan n'ya lamang."Not bad! Akala ko hindi mo mapapansin na peke ang papel na yan. You have a good eyes Dr. Han, so tinatanggap mo na ba akong part time doctor mo dito?" tanong n'ya sa lalaking kausap.Napabuga naman ito ng hangin at napakamot sa kilay."Don't worry peke man ang recommendation letter ko na dala, totoo at lesensyadong doctor naman ako," pangungumbinsi n'ya pa sa kausap."Hindi ka basta- basta nagpupunta sa kung saan-saang hospital ng walang recommendation at naisipan mo lang na mag part time. My hospital is not a playground for you to play with Dr. Ferrari," sermon nito sa kan'ya."Wala naman akong sinabi na maglalaro ako sa hospital mo, malinaw ang sinabi ko na mag part time doctor ako dito," pangangatwiran n'ya sa lalaking doctor."Hmmmmm!" tanging sagot lamang nito sa kan'ya."And besides hindi ko kailangan ang recommendation letter, I have skills and talents in saving lifes kaya wala kang masasabi sa akin," dagdag na pahayag n'ya dito.For how long?" seryosong tanong nito sa kan'ya."Ha?" wala sa sariling sagot n'ya dito."Hanggang kailan ka magiging part time doctor ng hospital ko?" striktong tanong nito."Let see, maybe as long that I'm enjoying working here I guess." sagot n'ya dito na ikinailing lamang ni Tad."A man with a severe wound ,he had laceration for having a deep cut that can affect his nerves, blood vessels , or bone. Puncture wound can be easily infected so you better get your ass off in my chair, and start working," sikmat nito sa kan'ya na mabilis n'yang ikinatayo at nginisihan ang lalaki."So, I guess that's accepting me as your part time doctor. Pero kakatanggap mo pa lang sa akin pinagtatraba-----" hindi n'ya na natapos ang sasabihin dahil iwinasiwas na nito ang mga kamay sa ere tanda ng pagpapalayas sa kan'ya.Matapos ang pag uusap nila ni Dr. Han, lumabas na s'ya sa opisina nito para tingnan ang sinasabi nitong pasyente.Napangisi s'ya dahil sa pag aakala n'ya mahihirapan pa s'ya sa may-ari na mapapayag ito na magtatrabaho s'ya sa pagmamay-ari nitong hospital.Ginawa n'ya na ang responsibilidad n'ya bilang doctor.Nanghingi na lang muna s'ya sa nurse station ng gloves and mask, pati na rin ng doctors gown.Mabuti na lang at galante ang Han hospital at halos lahat provided para sa mga empleyado.Dumeritso na s'ya sa emergency kung nasaan ang pasyente na tinutukoy ni Dr. Han.Nakita n'yang warak ang t'yan ng lalaki at halos lumabas na ang mga lamang loob nito.Mabilis n'yang inasikaso at ginamot ang pasyente.Hindi naman nagtagal at natapos n'ya din pati ang pag suture dito.Matapos maiayos ang lahat lumabas na s'ya ng emergency.Mga nurses na bahala sa pasyente,tapos na ang trabaho n'ya bilang doctor nito.Hindi magtatagal mahahanap n'ya din ang nag iisang kapatid.Simula ng mamatay si Duncan naging malungkotin na ang kan'yang ina. Masyado itong apektado sa pagkawala ng kaibigan na itinuring nang parang tunay na anak ng kan'yang mga magulang.Kaya ipinangako n'ya sa sarili na hahanapin n'ya si Zion Georgina, ang nag iisang kapatid na babae na nawalay sa kanila noong nagbabakasyon sila sa Pilipinas.Hindi s'ya naniniwala na patay na ito. Nararamdaman n'yang buhay ang prinsesa nila kung kaya ginawa n'ya ang lahat para mag imbestiga at makakalap ng impormasyon tungkol sa kapatid.Ilang taon ang ginugol n'ya para hanapin ito.Pinagsabay n'ya ang paniningil sa mga taong sangkot sa pagkamatay ni Duncan at ang paghahanap sa kapatid.At hindi naman s'ya nabigo, lately napatunayan n'yang buhay ang nag iisang kapatid at may sakit ito.At ang huling lugar na pinuntahan nito para magpagamot ay ang mismong Han International Hospital kung saan s'ya pumasok bilang part time doctor.Hindi para magtrabaho kundi para kumalap ng mga impormasyon tungkol sa kapatid.Lumabas na s'ya ng hospital at pinuntahan ang kan'yang ducati na nakaparada sa parking lot sa harapan ng hospital.He prefer to ride in a motorbike than a car dahil mas madali itong sumuong sa traffic sa daan.At hindi nga s'ya nagkakamali dahil kahit saang kalsada sobrang traffic ang nakaabang.Umuwi na muna s'ya sa kan'yang condo para makapag pahinga.Too much stress for today, kailangan n'ya munang mag release ng mga stress n'ya sa katawan.Pagdating n'ya sa kan'yang unit mabilis s'yang nagbihis at pumunta sa isang kwarto kung nasaan ang kan'yang sariling gym.Kinaumagahan maaga s'yang nagising dahil plano n'yang magsimula nang mag duty sa Han Hospital.Motor ulit ang ginamit n'ya dahil mas mabilis s'yang mkarating sa pupuntahan kapag ito ang dala n'ya.Maaga pa ngunit nagsisiksikan na ang mga sasakyan sa kalsada.Huminto s'ya sa likoran ng isang jeep para sana maghanap ng pwedeng daanan na kakasya ang kan'yang motor.Nakita n'yang may babae na bumaba sa jeep at natigilan s'ya ng masilayan ang magandang mukha nito.Tinitigan n'ya lang ito habang bumababa ngunit ang hindi n'ya inaasahan ay ang pglapit nito sa kan'ya at mabilis na sumampa sa kan'yang likuran."Kuya magbabayad ako basta ihatid mo lang ako sa trabaho ngayon din," pakiusap nito sa kan'ya.Nahipnotismo s'ya sa ganda ng mukha nito at napatulala.Mabuti na lang at naka helmet s'ya kung kaya hindi kita ang kan'yang mukha."Fvck!" mahinang mura n'ya dahil first time n'yang nakaramdam ng ganito."Kuya sige na po, late na talaga ako, ihatid mo lang ako doon babayaran kita, mas madali kasing sumuong sa traffic itong motor mo," pakiusap nito ulit sa kan'ya.Nataohan naman s'ya at biglang naalala ang pinakiusap nito.Senenyasan n'ya itong kumapit sa kan'ya at sinunod naman ng dalaga.Yumapos ito sa kan'yang bewang na biglang ikinabog ng kan'yang dibdib."Damn it!" mura n'ya sa sarili at mabilis na minaniobra ang motor at sinuong ang traffic na hanggang ngayon hindi pa rin umuusad.Hindi naman nagtagal at narating nila ang pinagtatrabahuan nito. Tiningala n'ya ang building at napangisi.It was Lewis company, and this woman hugging him from behind is working with his friend's company."Not bad!" mahinang bulong n'ya. Nilingon n'ya ang babae at nakakapit pa rin ito sa kan'ya habang nakapikit."We're here," pukaw n'ya dito. Ayaw n'ya man itong paalisin pero baka ma late na ito at mapagalitan pa sa trabaho."Oh sorry, nandito na pala tayo," sambit nito.Tinanguan n'ya naman ito at hinubad ang helmet na suot habang may kinakalikot ito sa kan'yang bag.Nang tumingala ito sa kan'ya kita sa mukha nito ang pagkagulat at pagkatulala.Nakaawang pa ang mga labi nito at nabitin sa ere ang dapat sanang sasabihin nito sa kan'ya."Miss? Hey! Are you ok?" marahang tanong n'ya sa dalaga."Dyos ko ang panty ko!" mahinang bulong nito ngunit narinig n'ya naman. Bigla s'yang natawa dahil sa sinabi ng babae.Namula naman agad ang pisngi ng dalaga tanda ng pagkapahiya.Mabilis itong tumalikod sa kan'ya pero bago pa makatakbo iniabot nito sa kan'ya ang wallet na bitbit.Tatawagin n'ya pa sana ito ngunit mabilis itong tumakbo papasok sa naturang gusali.Napailing na lamang s'ya habang pinagmamasdan ang likod ng babae.Binuklat n'ya ang wallet nito para tingnan kung may identity card ito na pwedeng mapagkilanlan sa babae.At hindi nga s'ya nagkamali, may mga id's ito sa loob ng wallet.Kinuha n'ya ang isang id nito at tiningnan."Jessica Pauline Marie Romano? Hmmmmm, ang haba naman ng pangalan mo baby," nakangiting sambit n'ya sa pangalan ng dalaga.Isinilid n'ya ang wallet nito sa bulsa ng kan'yang jacket at pinaharurot na ang kan'yang motor patungo sa Han Hospital.Mamaya n'ya na lang balikan ang dalaga para isauli ang wallet nito.Pangiti-ngiti pa s'ya habang iniisip ang gagawin mamaya.He doesn't know what is happening to him pero ngayon pa lang nakaramdam na s'ya ng excitement sa naiisip na magkikita sila ulit mamaya.Pinuntahan n'ya si Paulyn sa opisina nito. Napag alaman n'yang sekretarya pala ito ni Tobias.Ayaw pa sana s'ya pasukin ng receptionist dahil wala naman s'yang appointment, ngunit sinabi n'yang asawa s'ya ni Paulyn at kaibigan n'ya si Tobias.Kung kaya s'ya pinahinutulutan na makaakyat sa CEO's office kung nasaan ang babae.Naabutan n'ya itong may hinahanap sa bag at may idea na s'ya kung ano ang hinahanap nito."Are you looking for this?" mabining tanong n'ya sa dalaga. Kita ang gulat nito ng makita s'ya.Lihim s'yang napangiti dahil sa kainosentihan ng mukha ng dalaga, yet alam n'yang may fiesty side ito.Nag-usap pa sila at nag desisyon s'yang ayain na itong mag lunch. Ayaw pa sana ng dalaga pero wala din itong nagawa sa huli kundi ang sumama sa kan'ya.Ang ganitong pakiramdam ay hindi nararamdaman ni Zachary sa dati sa kahit sino.Never pa s'yang nakaramdam ng ganito sa isang babae. Kahit na sa mga kasamahan n'yang babae, na hindi maipagkakaila na mga magaganda din kung sa pag
Mahigit isang oras ang kan'yang byahe bago nakarating sa kumpanya ni Tobias. Tamang tama ang dating n'ya, mag aalas singko na ng hapon at uwian na ng mga empleyado.Nag park s'ya sa harapan ng naturang building at doon ng nagpasyang hintayin si Paulyn.Alam n'yang naasiwa ito kapag pinagtitinginan ng mga tao na magkasama silang dalawa.Lumabas s'ya ng kotse para makalanghap ng hangin.Umupo s'ya sa hood ng sasakyan at hinintay ang paglabas ng mga empleyado."Pogi bibili ka ba?" agaw pansin ng isang babaeng kulay asul ang mga mata.Napakanda ng mga mata nito at napakaganda din ng mukha. Naaliw s'ya sa suot nitong headband na parang tainga ng pusa."May hinihintay lang ako dito," magalang na sagot n'ya. Lumapit pa ito sa kan'ya na may bitbit na maliit na disposable box at may kung anong laman sa loob."Ito free taste, kapag nagustohan mo pwede kang mag order sa akin. Malinis ang pagka gawa n'yan," sabi nito sabay abot sa kan'ya ng isang pagkain na nakabalot sa plastic mula sa box.Kul
Matapos n'yang putulin ang halik na pinagsaluhan nila ng dalaga, dali-dali nitong binuksan ang pintoan ng kotse at mabilis na lumabas.Hindi man lang ito lumingon sa kan'ya. S'ya ang kusang pumutol ng halikan nila dahil kapag hindi n'ya ginawa baka maangkin n'ya ang dalaga sa mismong kotse n'ya na naka park sa harapan lang mismo ng bahay nila ni Paulyn.He can feel his bulge inside his pants. Bumuga s'ya marahas at pilit na pinapakalma ang sarili.Hindi n'ya maintindihan kung bakit ang bilis n'yang uminit kahit sa simpleng pagtama lamang ng mga mata nila ni Paulyn.Ganito na ba s'ya ka horny para sa babae na kakakilala n'ya pa lang."Fvck you Zachary!" inis na mura n'ya sa sarili.Nilingon n'ya ang bahay ng babae at sinigurong nakapasok na ito bago pinaandar ang kotse at pinaharurot palayo.Nahulog s'ya sa malalim na pag iisip at pilit na kinakapa ang damdaming unti-unting umuusbong para kay Paulyn. Hindi bago sa kan'ya ang ganitong pakiramdam. He was once fall in love with a girl, b
Sumunod na silang pumasok sa loob ng bahay habang karga-karga n'ya si Joshua. Tuwang-tuwa naman itong nakikipaglaro sa kan'ya habang papasok sila para sumunod sa ina ni Paulyn.Simply ngunit maaliwalas at malinis na bahay ang bumungad sa kan'ya.Maliit lamang ito kumpara sa mga property n'ya pero napaka homey sa pakiramdam at napakagaan sa loob.Halatang mga mabubuting tao ang nakatira dahil sa ambience ng paligid. Inimbeta s'ya ng nanay ni Paulyn na umupo muna sa sofa na nasa sala at maghahain muna ito sa kusina.Nag presentar s'yang tumulong, ngunit tumanggi ito at sinabing tatawagan na lamang sila kapag kakain na.Nakikipaglaro na lang s'ya kay Joshua na ngayon nakakandong sa kan'ya at madaldal na nagsasalita."Papa Zach do you have kids na din po ba?" inosenteng tanong nito."Wala pang mga kids si papa Zach. Gusto mo ikaw na lang muna ang baby ko?" tanong n'ya rito. Kumislap naman ang mga mata nito sa tuwa. Napapalakpak pa ito dahil sa tinuran n'ya."Pero baby number two ka l
Sinaway n'ya ang sarili sa mga naiisip. Kumaway sila sa mag lola, bago n'ya pinagbuksan ng pinto si Paulyn.Tipid naman itong nagpasalamat sa kan'ya ng makapasok."Papa Zach bye— bye po. Ingat po kayo!" sigaw ni Josh sa kanila habang nakahawak sa kamay ng nanay ni Paulyn."Bye buddy! See you! Aalis na kami nay!" paalam n'ya sa dalawa."Mag ingat kayo mga anak!" sagot ng matanda. Ang sarap pala sa pakiramdam na may ganitong pamilya.Masaya din naman ang kinalakihan n'yang pamilya, ngunit hindi n'ya naranasan ang ganito na inihatid ng ina sa sasakyan.Simula ng may mangyari sa bakasyon nila dati sa Pilipinas, naging malukongtin na ang kan'yang ina. Bumalik lamang ang sigla nito ng inampon nila si Duncan.Ngunit kahit minsan hindi nila naranasan ang ipagluto ng ina nila, dahil palagi itong busy sa mga negosyo katulad din ng kan'yang ama na isang hari sa kanilang lugar.Tanging mga taga silbi lamang ang kasa-kasama nila palagi sa palasyo at s'yang nag aalaga sa kanila hanggang sa nagbibi
Nagulat s'ya nang maramdaman ang dulo ng baril sa kan'yang sintido.Handa na sana s'yang baliin ang kamay nitong may hawak na baril ngunit mabilis na nagsalita ang lalaki."Don't you dare!" banta niyo sa kan'ya. Matapang n'ya itong nilingon at nakita n'ya ang kan'yang bestfriend noong mga bata pa lamang sila."Tang'ina ka Alcantara!" bulyaw n'ya rito, sabay sugod ng yakap sa kaibigan. Natatawa naman itong gumanti ng yakap sa kan'ya at nag fist bump pa."Bro! I thought you're dead? Tama pala talaga ang kasabihan na masamang damo, matagal talaga mamatay," natatawang buska nito sa kan'ya."May misyon pa ako sa lupa bro, kaya pinabalik ako ni san pedro," pabirong sagot n'ya sa kaibigan."Ohh! Kay san pedro ka napunta? Kaya ka siguro pinabalik dahil mali ang napuntahan mo," alaska pa nito sabay tawa."Gago!" sagot n'ya sa kaibigan. Nagkatawan sila at kita sa mga mata nito ang saya ng muli nilang pagkikita."Kaya hindi talaga ako naniniwala noong ibinalita sa television na ang isang legend
Mapusok silang naghahalikan ni Paulyn sa loob ng kotse habang nakakandong sa kan'ya ang dalaga.Nangunyapit na ito sa kan'yang leeg at mahinang umuuongol lalo pa kapag sinasanggi ng kan'yang daliri ang gilid ng panty nito.Alam n'yang tinatakam n'ya ang dalaga, pero nag eenjoy pa s'ya sa reaction ng katawan nito sa kan'yang ginagawa."Hmmmm!" ungol nito ng ilipat n'ya ang mga daliri sa gitna ng pagkababae nito na natatakpan lamang ng lace na panty.Mas lalo lamang s'yang nag init ng wala sa sarling giniling ni Paulyn ang puwetan nito sa kan'yang naninigas na pagkalalaki.Naglakbay ang kan'yang mga halik sa leeg ng dalaga pababa sa collarbone nito na naka expose dahil sa suot nitong top na bukas ang dalawang butones at medyo mababa ang pagkabukas nito.Bumalik din agad ang kan'yang mga labi sa mga labi ni Paulyn at ginalugad ng dila n'ya ang looban nito.Pareho silang nawala sa sarili at tanging ang init sa katawan na lamang ang inatupag nila.Ipinasok n'ya ang kamay sa loob ng blouse
PAULYN'S POVKinarga s'ya ni Zach papunta sa kwarto nito na hindi pinutol ang kanilang paghahalikan.She lost his mind, dahil sa sobrang galing nitong humalik.Hindi n'ya maipagkaila na kahit wala pa s'yang karanasan, pero ito na yata ang pinakamasarap na nangyari sa buhay n'ya.Kailan ba s'ya nakaramdam ng ganitong pakiramdam sa lalaki? Hindi pa..never! Kahit sa boss n'yang si Tobias na ubod ng gwapo at kisig never s'yang na attract dito o nagka crush man lang.But Zachary is different, unang kita pa lamang n'ya sa lalaki kakaiba na ang nararamdaman n'ya sa binata. Napatulala pa s'ya sa mukha ng binata, ng una n'ya itong masilayan.Hindi n'ya mapangalanan nong una dahil wala naman talaga s'yang kamuwang-muwang sa mga ganitong bagay.Never pa s'yang nagka boyfriend at kahit manliligaw wala, dahil sa sobrang pag iwas n'ya sa mga lalaki.Pero hindi din naman s'ya mangmang para sa mga ganitong pakiramdam ng isang babae para sa isang lalaki na kagaya ni Zachary. Malaki ang naitulong n