Share

Chapter Sixty-Two

T Y L E R

Pumunta si Autumn sa ballroom at naiwan akong kasama ang limang lalaki. Sa totoo lang, ang mga batang ‘to ay puro mayayabang na anak-mayaman na kaya lang magsalita pero walang gawa. ‘Yong spoiled magmula pagkapanganak ng mga magulang nila, walang duda hindi man lang nila naranasan mag-alala kung mapapalayas ba sila ng landlord nila o kung may sapat ba silang pera para may makain mamayang gabi. Alam kong pangit pakinggan at bitter lang ako, pero wala akong choice dahil saglit ko pa lang naman silang nakikilala.

Hindi ko talaga gusto ang leader nila, ‘yong tinatawag nilang ‘Cas’. Siya ang pinaka mayabang at kung maglakad, akala mo pag-aari niya ang lugar.

“Siya nga talaga ang may-ari ng building,” sabi ng isa sa kanila, at doon ko lang napagtanto na nabanggit ko ang nasa utak ko. “Bukod sa iba pang buildings dito sa D.C. kilala mo ba kung sino siya o tanga ka lang?”

"Drop it, O

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status