Share

CHAPTER 25 CAT FIGHT

Napataas ang kilay ni Aliyah ng naabutan si Avery sa labas ng condo unit niya.

"Mabuti at nandito ka na! Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa labas ng condo mo." Mataray na bungad nito sa kanya.

"At anong ginagawa mo sa labas ng condo ko? Ang kapal din naman ng pagmumukha mong magpakita pa sa akin! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Matapos mo sa Kuya ko, kay Reed ka na naman maglalandi!" Maanghang na wika niya.

"Well, pumunta lang naman ako dito para sabihin ko sayo na babawiin ko na si Reed. Kung ayaw mo ng gulo, iwasan mo na siya at makipaghiwalay ka sa kanya. Alam mong hindi ka niya mahal. Ginagamit ka lang niya, naniwala ka naman?" Tumawa ito ng sarcastic at pinasadahan siya ng tingin.

Natawa siya sa sinabi nito, " Ako ginagamit? Hmmm. At ikaw? Manggagamit?" Humalukipkip siya at tinitigan ito sa mga mata, "Anong akala mo kay Reed? Gamit na basta-basta mo na lang kukunin? At sino ka naman para sundin ko ang lahat ng sinasabi mo? Hoy, desperadang babae, umalis ka na ngayon din
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status