Chapter 74Habang abala ang sa sarili ko, dahil kakatapos ko lang maligo, nang bigla naman akong nakarinig na katok mula sa pinto ng aking kwarto, kaya naman mabilis kong binuksan ang pinto at tumambad sa aking harapan ang mukha ng Tito Markus ko at katulad ng dati ay may hawak pa rin itong papel, tiyak ito ang sinabi niya kagabi na papapirmahan sa akin.“Good morning Nathalie, pasensya na sa abala, alam mo naman siguro kung bakit narito ako sa kwarto mo,” sambit nito.Tumaas naman ang kilay ko rito at kinuha ko agad ang papel niyang hawak ng walang sabi-sabi, hindi ko na pinagsalita pa si Tito Markus. Mabilis ko na lang pinirmahan ang papel na hawak ko saka binalik dito.Nagpasalamat ito sa akin saka ngumiti, hanggang sa tuluyan na siyang umalis sa harapan ko ng walang paalam.Ngunit hindi niya alam na mali ang pirma na naman ang sinulat ko sa pepel niyang hawak.Pinagmasdan ko ang paglalakad ni tito Markus hanggang pumasok na ito sa knyang kwarto.Muli kong sinarado ang pinto ng kwa
CHAPTER 75Marahan akong lumabas sa eroplano na pinagtataguan ko at ma-ingat akong naglakad si gilid na bahagi ng eroplano hanggang makabalik ako sa pader.Mabilis na akong sumampa rito at ka agad din naman akong nakalabas, nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ako sa lumang paliparan, naglakad na ako palapit sa motor ko.Nagsuot na ako ng helmet at sumakay ako sa motor, naisipan kung pumunta sa opisina ng black stone para ipagbigay alam ang nakita ko, dahil alam kong kailangan ko sila sa mission kong ito, dahil nakakatiyak ako na malaking tao ang babanggain ko.Kaya naman mabilis na akong nagtungo sa opisina na pinagsisilbihan ko, hindi naman naglaon ay nakarating na ako sa harap ng building ng black stone, nagpark na ako ng motor ko, hinubad ko na rin ang helmet kong suot.Pinagmamasdan ko ang kabuohan bahagi ng building, bago ako pumasok dito. Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad na ako palapit sa pinto ng gusali.Napansin ko naman si Palpak na lumabas ng pinto ng g
Chapter 76Sakay kami ng sasakyan ni boss Niel ay mabilis naman kaming nakarating sa hospital, ka agad na kaming bumaba sa kotse at naglakad kami palapit sa pintuan ng hospital, pagpasok namin sa pinto ay dumaritso na kami ng mga kasama ko sa room kung saan naroon si Palpak.Kumatok na naman kami sa pinto ng room niya at mabilis kaming pinagbuksan ng tao sa loob, bumungad sa harapan namin ang isang may edad na babae, tiyak ako na ito ang kanyang Ina, na ngayon ay nagbabantay kay Franco.Pumasok na nga kami sa loob at bumati sa Ginang.“Maganda gabi po tita, kamusta po si Franco?” tanong ko.“Sa awa ng panginoon ay maayos na siya, ngayon ay kailangan na lang niyang magpagaling dito ng ilan araw bago siya lumabas,” sagot ng Ginang. “Mabuti naman po kung ganoon, tita,” anas ko. “Mga kasamahan ba kayo ng anak ko sa trabaho? O, kaibigan ba kayong lahat ng anak ko?” tanong nito sa akin.“Opo Tita, mga kaibigan at mga samahan niya kami sa trabaho at kasama rin po namin ang boss namin n
Chapter 77Mabilis na akong nakalayo sa lugar na parang walang nangyari, nasalubong ko pa nga ang mga pulis na nagmamadali papunta sa cementery, siguro may nag-report sa kanila ng nangyayari sa loob kaya sila pupunta roon, napalingon na lang ako sa mga pulis na lumampas sa akin, hanggang nagputoloy na ako sa pagmamaneho ng aking motor.Naisipan kung magpunta sa condo ni boss Frank dahil gusto kong tulungan niya akong lulutasin kong kaso ng mga magulang ko. Magpapasama rin ako sa kanya para puntahan ang abogado ko, dahil balak kong makausap ito ng personal tungkol sa kayamanan na iniwan sa akin ng papa ko.Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho para mabilis akong makarating sa condo ni Boss Frank Smith.Hindi naglaon ay nasa tapat na ako ng gate ng compound ng condo ni boss Frank Smith.Nagmadali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si boss Smith.Nag-ring ang cellphone nito at ka agad naman itong sinagot ni boss Frank.“Nathalie, what is your problem? Why do you call me?” bunga
Chapter 78Hindi naman kami nagtagal dito at nang matapos namin makausap si attorney William ay nagpapaalam na kami.“Attorney William, maraming salamat po at umaasa ako sa ‘yo sapagkat malaki ang tiwala ko sa ‘yo, Attorney.”“Huwag ka mag-alala Nathalie, kahit ikamatay ko pa ay hindi ko ibebenta ang tiwala ng Papa mo sa akin,” sambit nito.“Mabuti naman po kung ganoon, attorney William.”“So, paano po kailangan na po namin umalis ng boss ko, hanggang sa muli po nating pagkikita,” anas ko.“Sige Nathalie mag-iingat kayo,” paalala nito.Lumabas na nga kami sa opisina ni attorney William at nagtungo na kami sa sasakyan ni boss Frank. Pumasok na ako sa loob at ganoon din si boss Frank.“Nathalie, hindi ko akalain na may malaki kayamanan pala ang mga magulang mo at maswerte ka dahil pinamana niya ito sa ‘yo, siguro Nathalie ito ang dahilan kung bakit pinatay ang mga magulang mo, dahil sa kayamanan nila. Hindi naman sa nangi-ngialam ako, pero may kutob ako Nathalie na baka ang Tito Markus
Chapter 79Kinaumagahan maaga akong nagising at bumangon ka agad ako at nagtungo na ako sa kusina, nakita ko ang boss ko na masarap ang pagkakatulog sa sofa, medyo naawa naman ako dahil piniliit niyang magkasya ang kanyang katawan sa sofa at namamaluktot na ito, hinayaan ko lang siya dahil mahimbing ang pagkakatulog nito kahit ganoon ang sitwasyon niya.Nagtungo na ako kusina, naisip kong magluto para naman makabawi ako sa boss ko dahil lagi na lang niya ako pinagluluto kapag magkasama kami sa isang bahay.Binuksan ko ang repregerator at sakto naman at marami naman maluluto kaya naman hinanda ko na ang mga lulutuin ko. Hanggang nagsimula na akong magluto at hindi naman nagtagal ay natapos na rin ako.Nalangap ko ang mabangong amoy ng mga niluto ko mukhang gaganahan kumain nito si Frank nito, kapag magising siya ay sana nga ay magustuhan niya ang mga lutong hinanda ko para sa kanya.Lumapit na ako sa sofa kung saan naroon nag boss ko si Frank, ginising ko na ito para kumain, habang gi
Chapter 80 Nagmamadali kong inayos ang sarili ko, humarap lang ako saglit sa salamin at nagsuot na ako ng jacket, kinuha ko ang baril ko sa ilalim ng kama pinagmasdan ko ito nang matagal, itong baril na ito ang tutubos sa mga taong pumatay sa magulang ko.Ilang sandali nga ay lumabas na ako sa kwarto at tuloy-tuloy na humakbang sa pinto ng unit ni boss Frank, naghintay muna ako rito sa hallway at pinagmasdan ko ang paligid.Naisipan ko naman tawagan si manang Erlyn upang sabihan dito na maghanda na sila dahil susunduin ko sila ngayon. Sinabi ko rin kung saang lugar kami magkikita. “Manang, kung sakaling magtanong si Tito Markus kung saan kayo pupunta ang sabihan mo’y mag-outing tayo upang hindi siya maghinala,” bilin ko sa babae. Na agad naman nitong sinang-ayunan. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Manang. Lalo at naghahanda na ito ng mga gagamitin nila ng dalawang bata. Isang marahas na paghinga na lamang ang aking ginawa nang i-off ko ang aking cellphone. Malungk
Chapter 81Nabaling na naman ang atensyon ko sa kotse na nasa likoran namin, dahil kahit saan kami dumaan ay sumusunod ito, hindi ko alam kung sino ang sakay nito, baka mamaya si tito Markus ito at nakita niyang kasama ko ang mga bata at si Manang pero mukhang hindi naman siya ito dahil kilala ko ang kotse ng Tito ko, dahil minsan ginagamit ko ito para ipasyal ang mga bata.Sino kaya ang sakay ng kotse na iyon at bakit kami nito sinusundan puwede ring mga tauhan ito ng tito ko at pinag-utos na niya na sundan ako o sina Manang kasama ang mga bata. Marahas akong nagbuntonghininga. Tumingin din ako kina Manang sa likod ng sasakyan at nakita kong natutulog na sila. Hanggang sa muli akong napatingin sa side mirror ng kotse at nakita kong patuloy pa rin kaming sinusundan ng kotse. Nakakasura talaga, oh! Kailan ba kami tatantanan ng mga ito? Mukhang kahit saan kami magpunta ay sinusundan niya kami. Sige lang ipagtuloy lang ninyo ang ginagawa ninyo. Malalaman ko rin ang buong katotohan