Naghahalong galit at pagkamuhi ang naramdaman ko sa aking sarili ng humarap ako sa aking tito kanina, kahit gusto ko siyang patayin ay wala akong magawa dahil sa ngayon ay wala na siyang kalaban-laban, at may batas din akong sinusunod.Kasalukuyan naman akong nakikipagusap sa dalawang tao na malapit sa akin dito sa loob na Black Stone, na sina Bryan at Samantha, alam akong sila ang susunod na magaling na mga NBI rito kung sakaling ako ay aalis na rito sa departamento sana maging inspiration ako sa kanila at sundan ang pinaglalaban ko at hindi sila maligaw ng landas..." bulong ko."Brayn at Samantha napapansin ko lang na Lagi kayong magkasamang dalawa kahit saan man kayo ma-asign na mission, tanong ko lang may namamagitan ba sa inyong dalawa?" tanong ko."Wala naman Miss Nathalie, hindi lang talaga sanay si Samantha ng di ako kasama at alam mo na miss Nathalie, kapag mag-isa ito ay nalalagay na lang lagi ang buhay niya sa kapahamakan mabuti na lang at dumarating ako kaya naiiligtas k
Pagkatapos ng nangyari sa akin sa daan, mabuti naman at nakarating din ako ng ligtas sa rest house ni Frank, pumasok na ako sa loob ng gate matapos akong pagbuksan ng security, pinark ko na ang motor kong gamit sa harap ng bahay ni Frank, bumaba na ako sa motor at bago ako tuluyan pumasok sa loob ng bahay ay humarap ako sa side mirror ng motor at inayos ko ang aking sarili.Naglakad ako palapit sa pinto ng bahay kumatok ako, mabilis naman akong pinagbuksan ni Manang at pinapasok sa loob, dumiretso ako sa kusina para makainom ng tubig, wala naman kakaibang napansin sa akin si Manang kaya siguro hindi na ito nagtanong, pumasok na nga ako sa loob ng kwarto para mahiga, naabotan kong mahimbing na ang tulog ni Frank, kaya naman pinagmamasdan ko lang ito at hindi ko na naisapan pang kulitin dahil nakakaramdam na rin ako ng antok.Humiga na nga ako sa kama habang katabi si Frank, mabilis naman akong nakatulog at umaga na ng ako ay magising.Bumangon na ako sa aking pagkakahiga, nagtungo na a
Nagmadali na akong pumunta sa mansion dahil nasa panganib ang buhay nila Manang at si Angel, hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin sa kanila ng demonyong Tito ko, oras na hindi ako magpakita sa kanya."Hindi pwedeng may mapahamak na naman sa mga mahal ko sa buhay kaya hindi ko na papayagan pa na mangyari iyon, lalot ngayon kaya ko na silang ipagtangol..." bulong ko.Mas lalo kung binilisan ang pagmamaneho ng aking motor para mabilis akong nakarating at makapagharap agad kami ng Tito ko.Hindi naglaon ay nakarating na rin ako sa harap ng village, pinark ko ang motor kong gamit marahan akong lumapit sa pader, dahil naisipan ko na umakyat rito.Nang maka-akyat na nga ako ay mabilis akong tumalon sa loob nagbaybay ako sa gilid ng mga pader hanggang makalapit ako sa mansion, nakita ko ang mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid nito napansin ko rin na mas lalo yatang silang dumami kumpara noong araw na hinuli namin si Tito Markus dito.Binunot ko ang baril ko saka tinutok ko sa
Lumapit ako sa kasama kong NBI ng dumating ang mga ito sa lugar, nakiusap ako sa kanila na samahan sila Manang patungo sa rest house ni boss Frank, dahil naisipan ko na magtungo muna sa puntod ng mga magulang ko para dalawin sila.Sumang-ayon naman ang mga ito at ka agad din sumama at sumakay sa sasakyan si Manang at si Angel, dumating naman ang ambulance at mabilis sinakay ang bangkay ni Tito Markus sa strenchbeed saka pinasok sa loob at nagmadali ng umalis, ako at ang ibang kapwa NBI ko ang tangging natitira sa loob ng village na ito at lumapit ako sa kay Sarget laczon."Sargent Laczon pansamantala ko muna po kayo iiwan dito sa lugar, kayo na ang bahala kung ano man ang nangyari dito at ipaliwanag mo na lang po kay boss Niel na patay na ang Tito ko. Pakiusap ko rin po sana na mag-iwan kayo ng ibang tauhan mo rito sa masion para magbantay, sa ngayon po ay magtutungo mo na ako sa cementery para dalawin ang mga magulang ko. Pa ano po ma-iiwan ko na po kayong lahat dito," anas ko.
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay