Bumalik si Yanah sa loob ng building at hinanap si Kylle."Tss, alam ko naman kaya niya ang sarili niya," sa isip niya, pampalubag loob niya sa pag-aalala.Biglang yumanig ng malakas ang kinaroroonan niya at kasabay noon ang maitim na usok na nagmumula sa loob ng malaking pintong bakal."Nakita niyang may lumabas doon na bulto ng lalaki, "Kylle?" Sigaw niya at mabilis na pinuntahan ito ng makitang may sugat sa kanang braso."Yanah, Let's go! Ilang sandali na lang magiging abo na ang lugar na ito." Sigaw nito at hinila siya, kahit dumudugo na ang sugat nito hindi niya ito alintana. Basta makatakas sila doon na buhay."Kylle,you have a big cut in your arms. Okay ka lang ba? Kailangan mong malapatan ng gamot bago maubos ang dugo mo." May pag-aalala sa boses na sabi niya.Nilingon siya nito at nginitian,"Daplis lang iyan. Bilisan na natin," walang gatol na sabi nito at hinila siya pakaliwa.May Bomb detector si Kylle na hawak kaya naiiwasan nila ang mga bomba na nakatanim sa dinadaanan
Masayang umuwi si Marian sa bahay nila kasama si Drix, ngunit nawala ang mga ngiti niya nang marinig niya ang pag-aaway ng daddy at mommy niya.Ang lakas ng boses ng mga ito at dinig na dinig nila sa labas ng bahay.Ngayon lang niya narinig na mag-away ang mga magulang niya. Nasa labas sila ng gate. Kaya napatingin siya kay Drix na humihingi ng despensa. Nahihiya siya dito."Umalis ka na Drix, salamat sa paghatid sa akin." Alanganin ang ngiting pagtataboy niya."Are you sure? Are you going to be okay, If I leave you now?" Nag-aalala na tanong nito na nakatitig sa kanya.. Y-Yes. I'm okay. Thanks." Ngumiti siya dito at tinulak na ito papasok sa kotse nito. Hinintay muna niyang makalis ito bago siya pumasok sa kanilang gate at ni-lock ito. Humugot siya ng malalim na hininga.Bumungad sa kanya ang mga magulang na naghihilahan sa trolley bag. Hindi siya nakagalaw ng makita kung paano magmakaawa ang mommy niya sa daddy niya."Please Honey, huwag mo kami iwan ng anak mo. Please kahit pa
Umalis si Marian sa bahay nang gabing iyon dahil may mission ang Wild Angels. Lulusob sila sa isang hideout ng sindikato. Hindi siya gumamit ng sasakyan dahil ayaw niyang malaman ng mommy niya na umalis siya. Gusto niyang ma-release ang galit sa puso niya,"Mapagkunwari! Shit! Ipinagmamayabang ko pa naman na perfect couple at the best sila. Pero mga manloloko!" Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. Nagpahatid siya sa taxi, sa di kalayuan sa hideout na punterya nila.Tahimik ang paligid at street light lang ang ilaw. Naglakad siya sa unahan,"Hi Miss, magkano ka ba?" Isang lalaki ang nagpabalik sa ulirat niya.Tumaas ang kilay niya at hinarap ang lalaki, "What are you talking about?" Galit na sagot niya."Name your price!" Nakangiting wika ng lalaking may balbas."I'm not slut! Get out of my way!" Gigil na singhal niya dito.Napangisi ang lalaki at tinaas ang kamay, "Chill, ang hot mo naman. So, what are you doing here? Stop pretending, Miss. Tayo lang naman a
The Wild Angel is in mission sa pamumuno ng Death Squad Fighter. Kaya pala hinahanda sila ng Death Squad fighter dahil may malaking mission sila. At ito nga, ang malaking plantation ng marijuana at ang laboratory ng illegal drugs. Team 1 Death Squad Fighter. Team 2 Wild Angels . Team 3 Snipers Team 4 Hacker and MonitoringSubrang excited ng mga wild angels dahil sa first mission nila. Kahit nasa bingit ng kamatayan ang mga buhay nila ay wala silang takot. Sa entrance gate ang team 1, sa pamumuno ni Bryan, ang Daddy ni Kylle.Sa likod ng hideout ang Team 2, sa pamumuno ni Kylle at Yanah.Maingat at tahimik ang galawan nila. Lahat sila naka-red mask with tags. Lahat ng kilos at galaw planado at lahat siniguradong bihasa. Lahat ng klase sa pakikipag-away ay itinuro sa kanila."Mag-ingat kayong lahat. At kahit anong mangyari, huwag na huwag ninyong tatanggalin ang mga DSF necklace tag n'yo. In a minute, rock n roll na! Good luck Angels." Ang sabi ni Dexter ng DSF, Team 4 leader.Siy
It's late in the evening , habang nasa daan si Drix dahil hinahanap niya si Marian, wala ito sa bahay nila kaya worried siya baka kung ano ang mangyari dito. Habang binabaybay ang kahabaan ng daan sa hindi mataong lugar.May nakita siyang babaeng tumatakbo habang hinahabol ng tatlong lalaki sa gilid ng daan. Napapreno siya ng madiin dahil biglang tumawid ang babae at mabilis na tumakbo sa gitna ng kalsada. "Fuck!" Galit na bumaba siya sa sasakyan, "What are you doing, Lady? Are you planning to kill yourself?" Sigaw niya sa babae."S-Sir, help me, please.." Nanginginig na sagot nito at binaliwala ang galit at madilim na aura niya."I don't care about you, Miss. So please, get out of my way!" Malamig na bulyaw niya. Nagmamadali siya at baka modus lang ito ng babae. Para makabiktima.Nanginginig na hinawakan ng babae ang braso niya " Please h-help me! Hinahabol ako ng mga....." Nakaramdam siya ng awa nang mahawakan siya ng babae. At ramdam niya ang panginginig at takot nito. Tinitiga
Nang bumaba si Marian sa sasakyan ni Jhon, nanlaki ang mata niya at parang kinurot ang puso niya sa nakita.Si Drix, may kasamang magandang babae, papasok sa isang hotel. "Are you okay? Sino ba ang tinitingnan mo diyan?" Nangunot ang mukha nito at sinundan ang tingin niya.Makaasta parang sino siya sa buhay niya. Kanina pa nga sana niya ito gustong patayin pero nagpipigil lang siya. Gusto niyang malinis ang lahat bago siya gumawa ng eksena."W-Wala. May taong pamilyar lang sa paningin ko. Akala ko ang kaibigan ko. Hindi pala." Pumasok sila sa loob ng hotel. May malaking restaurant sa lobby kaya dumeritso sila sa pagpasok doon. Sumunod naman ang mga naiwang buhay na mga tauhan nito. Ilang saglit pa, walang imikan na kumain ang mga ito. Ngunit siya, parang nawala ang gutom niya at hindi maipaliwanag ang nararamdaman."Hey! Kanina pa kita napapansin na wala sa sarili. Kumain ka na diyan dahil magpapalipas tayo lahat dito sa hotel. At gusto kong paligayahin mo ako. Tanggalin mo ang str
"How did you know we were here? And how did you get in?" Galit na singhal ni Yanah habang nakatingin kay Kylle na seryosong nakatingin sa kanya.Walang umimik sa tatlong lalaki at nagkatinginan lang ang mga ito. Parang nag-usap sa pamamagitan ng mga mata nila.Kapag kuwa'y walang salitang nilapitan nina Sean at Drix, sina Marian at Emerald at binuhat na parang sako ng bigas."Hoy! Anong ginagawa n'yo! Trespassing kayo! Bitawan mo ako! Ibaba mo ako." Sigaw ni Marian kay Drix ngunit hindi na siya nakapalag dahil nanlalambot na ang mga tuhod niya dahil sa espiritu ng alak. Ngunit parang nawala ang kalasingan, "Ibaba mo ako, Drix! Nasusuka ako, jerk!" "What! Shit!" Nahinto ito sa paglalakad at pinatayo niya sa harapan si Marian."Bwisit ka talaga! Walang hiya kang kumag ka! Babaero ka talaga! Kahit kailan." Bulyaw niya dito. Pinagsusuntok niya ito sa dibdib ngunit hindi ito natinag dahil wala na siyang lakas pero ang utak at diwa niya buhay na buhay at gusto talaga niya itong bigwasan.
Nang magising sina Emerald at Sean ay agad na silang umalis sa resthouse ni Yanah. Hindi na sila nakapag paalam pa dahil malamang natutulog pa ang mga ito."Babe, kinakabahan talaga ako. Paano kung buntis nga ako?" Mahinang bulong niya at napa-sulyap dito."Be happy, Babe. Nasa tamang edad na tayo. At gusto ko na din na mag-settle down tayo. Kailangan pa ba tayong mag plano? Except kung balak mo pa maghanap ng iba?" Seryusong sinulyapan siya nito."Baliw ka ba? Bakit ako maghahanap ng iba. Kung naghanap ako, 'di sana noon pa." Inirapan niya ito. "That's my girl, syempre naninigurado lang ako. At isa pa, alam ko naman na patay na patay ka sa akin kaya mahal na mahal kita e." Sinulyapan niya ito at kinindatan. Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang phone nito kaya napasulyap si Emerald sa kanya."Sino ang tumatawag sayo?" Tanong niya na humalukipkip. Gusto niyang sulyapan ang screen ng phone nito baka ang babaeng kasama nito sa hotel ngunit nagpigil siya."Pakitingin at pakisagot