Share

CHAPTER 57 (SINGLE MOTHER)

JADE’S POV

“J A D E ?”

Medyo nagulat pa siya nang makita si Macoy na papalapit sa kanya habang nasa gilid siya ng daan at inaayos ang mga pinamiling tela para sa mga tatahiin nilang Filipiniana.

“O, Macoy. Maaga ka yata ngayon,” wika niya naman nang lumapit sa kanya ang binata.

Tinulungan siya nito sa pag-aayos nang ganap na makalapit sa kanya, at agad ding binitbit iyon.

“Uy, ako na,” sabi niya habang tinatangkang agawin mula rito ang malaking bag pero pumalatak pa ito habang mabilis na iniiwas iyon sa kanya.

“Aangal pa?” kunwa’y may pagbabanta pa nitong tugon.

Natawa naman siya at hinayaan na lang ito.

Magkaagapay silang naglakad papasok sa kalsada nila.

“So ano, sigurado ka na? Pupunta ka talaga d’on sa party n’ong ate mo?” maya-maya ay biglang naitanong ni Macoy.

Naikwento niya kasi rito ang tungkol sa biglaang pagsulpot ng kapatid niya, pati na rin ang mga napag-usapan nila.

“Syempre. Kahit naman hindi kami goods n’on dati, ti’na mo naman hinanap niya talaga ako. Samantala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
hindi naman madaldal si red.. curious lang talaga ang bata kung bakit wala. siya daddy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status