Share

CHAPTER X (UNCERTAINTIES)

P I L I T . . .  pinakiramdaman ni Red kung saang banda nanggaling ang sigaw. 

Bigla niyang naisip ang mukha ni Trinity bago mawalan ng ilaw. Sa isiping baka ito ang nagmamay-ari ng mga sigaw na iyon ay parang biglang kumabog ang dibdib niya.

“Sh*t!”, mahina niyang mura. Gusto niyang isigaw ang pangalan nito para masigurong ligtas ito, pero hindi niya pwedeng gawin iyon. 

“F*ck!”, 

Panay ng ikot niya sa dilim. Hindi pa siya kailan man nagpanic ng ganito in the middle of a mission. At isa iyon sa kinakainis niya, he hates uncertainties, and he hates that he discovered this side of him in the middle of such an important assignment. 

Biglang may humawak sa kaliwa niyang balikat. Dala ng reflex ay agad siyang nag-defense mode at pinilipit ang kamay na nangahas na pumatong sa balikat niya sabay tinutukan ito ng baril, kahit pa hindi niya ito nakikita. 

Siya namang pagliliwanag ng buong paligid. Bahagya pa siyang napapikit dala ng pagkasilaw pero agad ding nakabawi. Akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril nang mapagsino ang tinututukan niya noon.

“I-insan... e-easy ka lang...a-ako ‘to, si Y-Yoda”, kabado nitong turan habang nakaluhod at nakataas ang dalawang kamay.

Agad niya naman itong pinawalan at tinutulungang tumayo. Nang maalala ang hinahanap ay mabilis niyang iginala ang paningin. Pero wala si Trinity. Wala rin si Scarlet. Nagsimula na siyang kabahan. Bigo ba sila sa misyon nila?

“Insan? O-Okay ka lang?”, untag ni Yoda sa kanya.

“Si Trinity?!”, tila wala sa sarili niyang tanong dito.

“Ha?”

“S-Si Scarlet??? Nagpaputok ka ba ng baril?”, desperado niyang tanong sabay yugyog sa mga balikat nito.

“E-Ewan, basta inutusan lang ako ni Boss na sabihan kang pack up na”, parang naguguluhan din nitong sagot.

“Sh*t!”, mahina niyang mura sabay tumalikod at bahagyang lumayo para makapagsalita sa radyo niya.

“Does anyone copy?”, 

“Sir, Hunter roger, mission accomplished”, sa wakas ay may sumagot sa kanya.

“Hunter! Anong nangyari? Ba’t bigla kayong nawala? Si Trinity at Scarlet?”, sunod-sunod at mariin niyang tanong.

“S-Si...errk...wal...errkk...on...”

Bahagya siyang napangiwi sa paglagaslas ng tunog ng frequency sanhi para mag putol-putol ang salita ng nasa kabilang linya.

“Hunter? Hunter?! Unstable line”, 

“Errk, Sir...erkk an.... errkkk”

“F*ck! negative! asan ka ba?”, hindi niya napigilan ang bahid ng iritasyon sa boses dahil sa pagkaatat na malaman ang sagot sa mga tanong niya

“May tama si Speedy, minor. But target is secured, Sir”, sa wakas ay luminaw ang boses nito.

Pareho?”, mabilis niyang tanong.

Pero bago marinig ang sagot ng kausap ay may biglang tumawag sa pangalan niya.

“Red!!!”, 

Agad siyang napalingon sa ma-awtoridad na pagtawag sa pangalan niya. Tahimik siyang napatikhim nang makita ang papalapit na si Deo kasama si Geronimo.

“Ano na namang tinatanga mo d’yan?!” 

“A-Ahh B-Boss---”, sinubukan ni Yoda na salubungin ito pero agad itong binulyawan ng galit na amo.

“Tumahimik ka, Yoda p*t*ng’na muntik pa tayong mabulilyaso dahil sa pinsan mong ‘to!”, gigil nitong putol sa akmang pagsasalita ng pinsan niya sabay duro pa sa huli.

Marahas nitong winaklit ang humarang sa daan nito tsaka tuloy-tuloy na humakbang papunta sa kinatatayuan niya.

“Hoy, g*go! Nas’an ka?! Di ba sabi ko lapitan mo ‘yong grupo ng mga babae para siguraduhing hindi tayo magkakamali sa dadamputin?! Eh kung tumalon pala ‘yon sa pool? Pa’no kung maling tao ung nadampot ni Geronimo?!”, galit na galit na bulyaw nito sa kanya. Labas ang lahat ng ugat nito sa leeg sa sobrang galit.

Para siyang biglang bumalik sa normal na siya at muling naging blanko ang ekspresyon ng mukha. 

Ganap na nakalapit si Deo sa kanya na halos isang dangkal lang ang pagitan sa kanya. Mas matangkad siya dito ng ilang pulgada kaya bahagya itong nakatingala pero kita ang angas sa mga gawi nito.

“ANO?! SAGOT!!!”, sigaw pa nito at patuloy siyang ginigit-git.

Naramdaman niya pa ang hininga at pagtalsik ng mga laway nito sa kanya sa sobrang lapit nito.

“Kinabahan ako Boss”, pagdadahilan niya.

“Kinabahan??? Ano ka bakla???!”, 

“Hindi ako makakita ng maayos sa dilim”, sagot niya sa kalmadong boses. 

“Eh p*tang’na ba’t di mo sinabi n’ong nagbibigay ako ng assignment sa inyo??? Ano?! Para sabotahehin ako? Ha?!”

“Sinabi ko boss. Di ba kaya gusto ko makipagpalit kay Egan, ako na lang ‘ka ko sa gate. Kaya lang sabi ni Egan masyado pa akong bago para sa pwestong ‘yon kaya hindi ako pwede”, 

Totoo naman ang sinabi niyang iyon. Pero ang dahilan kaya gusto niyang sa may gate siya pu-mwesto ay para ma-ambush pa niya kung sakaling mabigo si Speedy na itakas si Scarlet. Back up plan kumbaga. Kaya lang, gaya ng sabi niya kay Deo, ay inalmahan siya ni Egan.

Binalingan ni Deo si Geronimo.

“Asan si Egan?!”

“N-Nasa van na Boss”

Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Deo tsaka siya muling pinukol ng matalim na tingin. Mukhang gusto pa nitong magsalita pero wala nang maisip na sabihin kaya dinuro-duro na lang siya tsaka tinalikuran.

“Wag kayong babagal-bagal kundi puputulin ko ang mga ut*n niyo!”, pahabol nitong sigaw habang papalayo na.

Nagkatinginan naman sila ni Yoda. 

“Tara na!”, bulong nito sa kanya tsaka nagpatiuna nang sumunod kina Deo at Geronimo. 

He tried to scan the place one last time, bago siya umalis, hoping to see any signs of Trinity…pero bigo siya.

“Red! Pst! ‘Lika na!”, pabulong na tawag ni Yoda na nasa may pintuan na ng bar.

Sumunod na lang siya bago pa siya pagdiskitahang muli ni Deo. 

Pagdating niya sa labas ng hotel ay isa-isa ng  nagsisi-alisan ang mga getaway car ng grupo. Sinenyasan siya ni Deo na lumapit sa kotse kung saan ito nakasakay.

“Pasalamat ka at tagumpay ang plano ko ngayon. Kung hindi me kalalagyan ka sa ‘kin, intiendes?”, may pagbabanta nitong sabi.

Bahagyang napakunot ang noo niya. 

Tagumpay?

Narinig nila ang papalapit na tunog ng sirena ng mga pulis.

“Sumunod kayo agad. Alam niyo na gagawin”, sabi pa nito tsaka isinara ang bintana. Agad na umandar ang lunadan nito na inihatid niya ng tingin habang iniisip ng pilit ang mga sinabi nito. 

“Red! Bilis na!”, tawag ni Yoda na bahagyang sumilip lang sa bintana ng driver seat ng sasakyan naman nila. 

Wala sa sariling tumalima siya at sumakay sa passenger side. Ilang sandali pa’y pinaharurot na ni Yoda ang sasakyan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status