Share

TEARS OF A MISTRESS—CHAPTER 19

"P-paano mo nagawa 'to?"

Nakayuko parin ako. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sakanila. Sobrang nahihiya ako sa nagawa ko. Alam na ng mga kapit bahay namin at tiyak na hindi nila kami titigilan sa chismis.

"Ma, I'm sorry po."

"Para saan ate, para sa kalandian mo? Ang kapal ng mukha mo na sabihan ako e, sa sarili mo nga hindi mo ma-apply." Masama ang titig ni Bria sakin.

"Bria sobra kana!" Umiiyak na sigaw ni Dara.

"Mas sobra sya!" Dinuro ako ni Bria pero nakatitig lang ako sakanya. Habang si Gio ay katabi ni tatay na wala paring imik. Si Mama naman ay panay lang din ang tulo ng luha at talagang galit sakin. Lahat sila galit. Alam ko namang mali yung ginawa ko eh. Kaya lang sana naman naiintindihan nila na ginawa ko rin naman yun para sakanila.

"Paborito na nga sya ni tatay e, diba?" Napasulyap si Bria kay tatay. "Palagi nalang si ate yung tama. Palibhasa may perang naibibigay na galing naman sa pangangabit. Hindi ko maatim na yung ibinibigay mo samin ay galing sa masa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status