"Ibabalik ko itong pera." Kanikaniyang dabugan 'yung mga kapatid ko kaya mas nilakasan ko ang dabog ko. "Putcha! Iyan tayo eh! Hindi nyo ba naiisip na nakakahiyang tanggapin ito na hindi ko pa naman pinaghihirapan pag trabahohan?" "Ate wag kang pa humble diyan. Bigay is bigay kung hindi mo tatanggapin 'yan pareparehas tayong nganga." Maarteng sabat ni Bria habang nakasibangot pa.Kapag ito nalapitan ko kalbo labas nito. Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng pilit kay Mama. "Baka naman, Ma?" Pigil ang luha ko at pinilit na pasayahin 'yung mukha. "Anak mo rin naman ako di'ba? Nahihirapan din ako at napapagod kasi hindi naman ako robot." "Ate ang drama na naman e, nakakaumay naman kayo." Sabat ni Dara sabay hikab pa sa harapan ko na sobrang nakakainsulto. "Umayos ka ate parin natin 'yan," saway ni Denver. "Ate pasensya kana sa dalawang 'to." Inakbayan ni Denver 'yung dalawa na natahimik."Sipsip ka naman masyado tol." Mayabang na sabi ni Dara habang masama ang tingin kay Denver. "Ya
Matagal ang byahe. Puyat ako kaya pinilit ko muna talagang matulog. Sabi ni Tzaddi aalis daw kami mamaya kaya mag pahinga daw muna ako. Sabi pa nga nya kahit simple lang daw isuot ko basta wag kita kaluluwa. Kasi lalaki daw 'yung kikitain namin. Kaybigan nya yata kaya medyo excited sya. Kahit hindi nya sabihin sakin kilos palang nya alam ko na. Isang taon narin naman kaming ganito kaya sanay na ako, at para bang kilalang-kilala ko na sya. "Gising na."May sumundot sa ilong ko. Sino ba namang hindi magigising e, sinundot ilong ko? Lakas ng trip ni Tzaddi. "Ayos kalang?" Agad na tanong ko ng tuluyang magising ang diwa ko. Parang ang wirdo ng ikinikilos nya biglang naging isip bata. "Sorry." Tipid na sabi nya bago bumalik sa pagiging seryoso. "I'm just excited to meet my friend for a long time. Sinabi ko kasi na may kasama ako, at sabi nya may kasama din sya." Napatango ako. "Ayos lang kahit sundutin mo ulit. Pumapayag nga akong sundutin mo pempem ko, ilong pa kaya?" Natawa ako bago
"Galing kaba sa iyak?" Hindi ako kumibo sa tanong ni Tzaddi. Masama loob ko, sobra. Iyong trao kakikilala ko lang ngayon sya pa yung nag tanong sakin kung okay lang ba ako. Nag payo at itinuring nya na akong kaybigan. Si Tzaddi na palagi ko rin namang nakakasama e, hindi man lang ako na tanong. Sobrang sakit lang kasi isipin na mahalaga lang naman ako sakanila kasi may kaylangan sila sakin. "I'm asking you, Amiara." Matigas ang boses ni Tzaddi at may galit sa tono nya."Wala kang imik hindi ka naman pipi," yamot na wika pa nya. "Oo umiyak ako kasi hindi ako okay." Finally, nagawa ko ding umamin. Nagawa kung sabihing hindi ako okay na oo, hindi ko na talaga kaya."Do you want me to hug you?" Hindi ako kumibo. Naiinis ako kasi itinatanong pa nya e, halata naman na.Ang hirap talaga kapag manhid yung isang tao. Kahit na anong gawin mo ang hirap kunin ng atensyon nila. Ang hirap iparamdam yung feelings kasi nga manhid sila. "Wag na magiging okay din ako," mapait akong ngumiti sakany
Pangalawang araw na namin. Wala narin yumg kaybigan nya sabi nya sakin nawalan daw sya bigla ng contact kaya nalungkot ako kasi hindi ko na makakausap si Anita. Ayos lang kaya sya? Sana naman okay lang sila. "Gutom kana?" Natigilan ako sa pag-iisip ng sumulpot nalang bigla si Tzaddi. "Ikaw ba? Gusto mo mag luto ako?" Tanong ko din imbis na sumagot. "Ako na napagod ka kagabi diba?" Namula ang pisnge ko sa tanong nya. Pati ba naman kasi yun sinasabi pa. "Just kidding," natawa ito bago kumindat.Halatang inaasar lang ako. Laging okay mood nya lately, pero the first time I met him. Nakakatakot syang kausap. Hindi ako komportable kasi napaka tahimik nyang tao. Tingin palang nya parang inuutusan kana nya at binabantaan. Habang tumatagal lalo na nung naging okay nga kami. Parang close na din, feeling ko lang 'to. Bumait sya sa paningin ko iba kasi trato nya sakin kumpara sa iba na sobrang seryoso nya. Hindi naman masama ugali nya sadyang hindi lang sya palasalita, pero ngayon. Ang l
"Tatay," pilit akong nag lagay ng ngiti sa aking labi. "Kamusta po pakiramdam mo?" Imbis na mag sumbong ay kinamusta ko nalang si Tatay. Hindi ko na dapat sya bigyan pa ng alalahanin kasi baka imbis na maging malakas ay baka mas lumala lang ang sakit nya. "Narinig ko lahat Amiara."Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Tatay. "Pasensyahan mo na ang Mama mo. Mainit lang ang ulo nun, pero mahal ka ni Mama. Itong mga kapatid mo naman kasi masyado." May pag daramdam sa boses ni tatay. "Pabayaan nyo na po. Hindi ko naman dinaramdam 'yun, tay." Hinagkan ko si Tatay sa nuo bago kinumutan. "Pahinga kana po, tapos bukas pasyal tayo." Napatango si tatay bago ipinikit na ang mata. Bagsak ang balikat ko ng lumabas ako ng kwarto nila ni Mama. Nadatnan ko sila na walang imik habang kumakain. "Kain na," aya ni Mama bago tumayo upang kuhanan ako ng plato."Ma, wag na. Ako na po, salamat." Ngumiti ako bago naupo ng makakuha ng plato. Napasulyap ako kay Bria na paikot-ikot pa yung eye balls. Umii
Halos tumalon ang puso ko at humiwalay sa katawan ko dahil sa sinabi ni Tzaddi. Kinurot ko rin naman ang sarili ko para makaramdam ng sakit at matigilan. Kilig na kilig ako, masyado akong feelingera nito. "Ano masarap ba?" Excited na tanong ni Tzaddi at asang-asa. Napangiwi ako ng masayaran ang dila ko ng sinigang na ipinag mamalaki nya. Pinilit ko nalang lunukin yung sabaw kahit na isinusuka na ito ng lalamunan ko. Ayokong saktan ang umaasang boss ko, baka mapatalsik ako. Boss ko sya sa kama. Kaya Boss ang tawag ko sakanya. Swineswelduhan nya ako, kaya dapat lang naman sigurong tawagin ko syang Boss. Umalis narin ako sa pagiging sales lady pero hindi ko ipina alam sa pamilya ko. Ang alam nila ay dun parin ako at maayos ang trabaho ko dun. Nakiusap din ako sa bakla naming manager na wag na nyang ichichismis sa kapatid ko o sa kahit na sino.Kaya naman ang sideline ko nalang ngayon ay ang pag titinda ng kalamay at mga meryenda sa trabahador. "Hindi masarap?" Natigilan ako sa pag-i
CHAPTER 11"Umuungol kana hinahalikan palang kita," malamig ang boses ni Tzaddi. Kamuntik na akong matawa kasi akala ko nag lo-loving silang mag-asawa. Nakarinig na ako ng ungol at nakaramdam ng pag yanig ng kama kaya hindi malabong 'yun na nga ang ginagawa nila. "Ang likot mo pa," dadag ni Tzaddi. "Hindi porket wala akong pake sayo at hindi kita mahal e, may karapatan kanang mag hanap ng kabit. Sakin kalang, nakatali kana sakin Tzaddi." Rinig na rinig ko ang usapan nila. Kahit na naiinis ako kanina kay Tzaddi ay bigla akong nakaramdam ng awa sakanya. "Hanggang kaylan mo gagawin 'to?" "Shut up, just f*ck me now Tzaddi." Utos pa nung asawa nya kaya natuptop ko yumg bibig ko upang hindi makagawa ng ingay. May pag galaw na naman akong naramdaman kaya napapalatak ako. "Who's that?" Nanlaki ang mata ko ng matigilan ang asawa ni Tzaddi. Kabadong-kabado ako ng masilip ko ang paa nito. Pasilip na sana sya sa ilalim ng kama ng pigilan sya ni Tzaddi. "Pusa," sambit ni Tzaddi. "Meow."
"Sino pa hinihintay nyo?" Napasulyap ako kay Gio na bigla nalang nag tanong.Tapos na kasi dialysis ni tatay pero waiting parin kami kay Tzaddi. "Ako na mag hahatid sainyo," alok pa nito."Hindi na, salamat nalang. May mga pasyente ka pa." Mabilis na tanggi ko."Patapos naman na duty ko kaya pwede na ako lumabas. Tara na po tatay," nakangiting wika ni Gio bago tinulak palabas ang wheelchair ni tatay.Agad akong nag text kay Tzaddi na wag na akong puntahan sa hospital dahil may nag hatid na samin. Nag silent din ako ng phone just in case tumawag sya ng tumawag, pero tiyak na hindi nya gagawin yun. "Hindi ko po akalain na anak nyo pala sya." Naiiling na wika ni Gio habang sa daan lamang ang tingin. Maging ako hindi rin makapaniwala na yung lalaking nag payong sakin at nag panggap na pulubi "daw" e, doctor pala ng tatay ko."Ang liit talaga ng mundo," sumulyap sya sakin at ngumiti. "Ikaw yung sad girl kagabi diba? Buti nalang umuulan kundi baka nakita ko pa yung luha mo." Napairap ak