Share

Chapter 39 Marcus Jr

MARCUS:

SIMPLENG GARDEN wedding lang ang tema ng kasal namin ni Jessica na ginanap dito mismo sa bakuran ng kanilang bahay.

Kami-kami lang ding pamilya ang bisita at mga empleyado namin sa shop dahil pinanatili naming pribado ang pagpapakasal namin.

Napapailing na lamang ako sa pinal na pahayag ni Mommy Moi na uuwi na kami ni Jessica ng bansa kasabay nila at doon manirahan sa mansion.

Gusto din naman pala ng apo mula sa akin. Ayaw pang aminin. Tss.

Nangilid ang luha kong matamang nakatitig kay Jessica na suot ang trahe de bora nitong napili namin. Katulad ng suot ko'y simpleng white gown lang ito na off shoulder at abot hanggang gitnang binti nito ang manggas.

Malalaki ang hakbang kong sinalubong na ito at mahigpit niyakap na tuluyang ikinahikbi ko sa balikat nito. Napapalakpak naman sa amin ang mga kasama namin dito na napatayo sa kanilang upuan.

"Hwag ka ngang umiyak. Para namang pinikot kita," natatawang saad nito na pinahid ang luha ko.

Napalabi akong ikinahagikhik nitong na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status