SANDRA ANDRADA GILLIAMNakakatuwa ang mga kasama ni Hayes dahil napaka kulit ni Micro. Nalaman ko na ang pangalan pala nito ay James Micro. Si Tiger naman ay Elijah.Ngayon papunta na kami sa sinasabi nilang perya. May tago daw dito na perya kaya gusto ko pumunta doon, kahit medyo hindi nila gusto pinag bigyan nila ako. "Mag motor na lang tayo, mahirap na palakarin si Sandra may kalayuan din ito." wika ni Hayes, nag suot ito ng itim na leather gloves."Okay lang naman sakin mag lakad.." wika ko, umiling ito at inabot sa akin ang isang leather jacket na kulay pula.Tinanggap ko ito at sinuot ko. "Mas okay na kung hindi tayo pagod pag punta doon.." wika ni Micro sa amin.Tumango na lang ako at kinuha ko ang inaabot ni Hayes na helmet. "Paano ito isuot?" tanong ko at pinag masdan ko ang helmet.Narinig kong tumawa sila kaya naman ngumuso ako na parang bata. "I'll help you.." wika ni Hayes kaya naman lumapit ako dito.Naka tingin lang ako sa gwapong mukha nito, ang lamig ng mata nito per
HAYES COX FERGUSONDALAWANG ARAW ANG LUMIPAS linggo pa lang nag pa hatid na si Sandra sa kanila. Meron kasi itong family date, kaya umaga pa ng linggo ay nag pahatid na ito, na siyang ginawa ko.Ngayon ay martes na at pumasok na ako sa trabaho. Pagdating ko sa kumpanya napansin ko ang maraming tao sa labas kahit media ay nandito."May hindi ba ako alam sa nakalipas na ilang araw?" tanong ko kay Dalton, tinigil nito ang sasakyan sa gilid at bumaba muna ito at pinag buksan ako."Sir, naka labas na si David sa kaso niya.." sagot nito para maging malinaw ang kaguluhan sa labas ng kumpanya ko."At yung kaguluhan na yan ay si David ang mag gawa?" tanong ko dito ng maka baba ako. Sumunod sa akin si Luigi.Si Dalton naman ang nag park sa sasakyan ng maayos. "Boss, nag vandalized si David sa harap ng kumpanya. Ito po ang nilagay niya.." wika ni Luigi at pinakita sa akin ang kuha ng media. Nakita ko ang salitang R*pist CEO, umiling na lang ako at binalik ito sa kanya. "Haharap ako sa mga tao s
HAYES COX FERGUSONNakaharap ako sa laptop ko, protected ito ni Micro upang hindi ako ma locate ng NBI kung sakali na kukuha ng personal information.Nasa harap ko ang profile ng anak ni Labrador na si Raphael Labrador ito ang lalaking nakita ko noong nakaraang araw. Nakita ko ang walang palya nitong nakuhang parangal.Nakita ko pa ang information na lumabas tungkol sa pag laban nito sa mga mafia. Nakita ko na may nakuha na itong isang mafia at nakulong din, ngunit kalaunan ay naka takas.Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko nakilala ko kung sino ito, walang iba kundi si Sandra.Siya lang ang babaeng kilala ko na may sweet scent na almond and strawberry vanilla. Hindi ko alam kung sa ginagamit ba nitong perfume o ano."Oh si Rapha pala yan? Anong meron at inaalam mo kung sino sa Rapha?" tanong nito na kina lingon ko dito."Kilala mo siya?" tanong ko dito."Oo, nanligaw sa akin yan noon pero binasted ko. " sagot nito.. "Saka kaibigan ng mga Tate ang mga Labrador.." muling wika nito na
CATLEYAH CHLOE TATE"Kailangan gumawa ng kumpanya ng panibagong atake." wika ko hahang si Elijah ay nanahimik lang sa tabi ko. "Kaya kailangan niyong maka isip ng paraan meron kayong 2 weeks para mag isip.." wika ni Daddy."Okay po Mr. Tate!" sagot ng mga tauhan namin."You may go.." utos ko at nag tayuan naman silang lahat kasama si Elijah. Ngunit agad itong pina hinto ni Dad, "Mr. Evans maiwan ka dahil gusto ko makuha ang opinyon mo.." utos ni Daddy kay Elijah. Tahimik naman akong pinanood itong kumilos at tumayo sa harapan namin.Kahit konting emosyon sa mga mata nito ay wala akong makita. "Sir. Aalis muna ako at least two weeks kailangan ako ng nanay ko sa probinsya may sakit ito. Kailangan ko muna asikasuhin.." pagpapaalam nito agad.Napa taas naman ang isang kilay ko doon. "Teka, wala naman sa description mo na may magulang ka pa ah?" tanong ko dito."Hindi ko na inilagay Miss. Tate." yun lang na kina tango ni Dad."Sige pumapayag na ako, basta bumalik ka after two weeks." pag
HAYES COX FERGUSONMaaga pa lang bumangon na ako at lumabas ng bahay nila tiningnan ko ang buong paligid. Namangha ako lalo dahil puro berdeng paligid ang nakikita ko, nakita ko din ang dinaanan namin at ang mga tingin ko ay maisan."Ang aga mo Sir magising?" napa lingon ako agad sa likod ko."Opo, nasanay din ako na gumising ng maaga. Saan ho kayo pupunta?" sagot ko at tanong ko dito."Ay, titingnan ko ho kung makaka kuha na ako ng mais at para may iihaw si misis para sa atin," sagot nito, Ngumiti naman ako at nag salita. "Pwede ba ako tumulong?" tanong ko dito. Nakita ko ang gulat sa mukha nito."Kaya niyo po ba Sir mag putol ng mga mais?" tanong nito."Turuan lang ninyo po ako.." sagot ko, ngumiti ito at agad may kinuha na isang mahabang dilaw na pang trabaho mahaba ang manggas nito."Suotin mo yan Sir para hindi ka mangati, tapos ito din po sir na pajama.." utos nito na siyang ginawa ko. Matapos kong isapaw sa suot ko ito, saka inabot sa akin n Tatay Roy ang sinasabi nitong karet
CATLEYAH CHLOE TATE"Anong wala si Hayes sa Maynila? Kung ganun asan sya?" tanong ko sa kaibigan kong si Bonnie.Kasama ko sila sa restaurant para mag dinner. "Oo, kahapon nakita ko si Hayes naka motor may hinihintay ata ito." sagot ni Bonnie."Saan naman kaya sila pupunta?" tanong naman ni Monica ngunit nag kibit balikat lang si Bonnie." Oo nga pala sis? Yung sinasabi mong Elijah? Ano ba ang gusto niya sa'yo? " tanong sa akin ni Bonnie Bumuntong hininga ako bago sumagot. " Tingin ko wala naman, gusto lang niya pumasok sa kumpanya dahil nag hahanap nga ng papalit sa akin muna. Pero bakit ganun nag dududa parin ako? " tanong ko sa kanila sinubo ko ang kinakain kong beef." Kung ganun nasa delikado ka pa lang sitwasyon niyan? Ay naku bantayan mo ang lalaki na yan! " paalala ni Monica sa akin.Tumango na lang ako at nag patuloy kami sa pagkain. Hindi ko pa maintindihan ang nangyayari pero sigurado ako at nararamdaman ko na may parating na malaking gulo..HAYES COX FERGUSON Matapos nil
HAYES COX FERGUSONPAG TIGIL ng motor ko napa lingon ako sa naglalakad na lalaki. May dala itong malaking box na yari sa styrofoam. "PANDESAL! PANDESAL KAYO D'YAN!!" malakas na sigaw nito.Inayos ko muna ang motor ko at inalis ko na ang helmet ko binaba ko ang mask ko. "Kuya, pabili po ako!" tawag ko dito at kinuha ko ang wallet ko.Agad itong lumapit at binaba ang dala nito sa semento. "Magkano po, Boss?" tanong nito."60 po Kuya," sagot ko at inabot ko dito ang 100 pesos ko dahil wala akong barya."Eh boss.. wala po akong barya kalalabas ko lang kasi.." sagot nito sabay kamot pa nito sa ulo niya. Umiling ako. "Keep the change na lang po, para hindi na kayo mahirapan mag hanap ng panukli.." sagot ko. Nanlaki ang mata nito at agad ako pinag balot ng tinapay nito."Buti Boss, hindi bawal ang plastic dito?" tanong ko dito."Bawal po sa karatig na bayan, pero dito po hati po, basta itapon o sunugin ng maayos." sagot naman nito, kaya tumango ako."Kaya pala parang yung ibang bahay may mg
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN MAAGA AKO BUMANGON PARA PUNTAHAN ANG electric company dito. Para malaman ang opinion nila sa plano ko.Nang maka pasok ako sa opisina nila na agad akong inasikaso ng head nila. "Good morning, Mr. Ferguson. Nasabi na sa amin ang inyong pakay." naka ngiting wika ni Mrs. Meljar nakipag kamay naman ako dito."Yeah thank you, kami ang bahala sa plano pero gusto ko makuha ang panig ninyo." wika ko ng maka upo ako."Sa amin walang problema 'yun, kaso ang pagbabayad ng mga makaka-bitan ay problema ng mga tao dito." sagot nito."Sagot ang isang taong bayad nila. Matapos nito sila na ang mag babayad pero gusto babaan niyo ang singil sa kanila huwag niyo masyadong taasan. Alam niyo din naman ang buhay ng mga tao dito." mahabang paliwanag ko dito.Tumango naman ito at ngumiti sa akin. "Walang problema d'yan Mr. Ferguson. Mag padala ka na lang ng tao para asikasuhin ang pag papalagay ng ilaw dito." sagot nito.Tumayo na ako at nakipag kamay dito.. "I will.." sagot k