SANDRA ANDRADA GILLIAM"Hayes, please huwag ka bibitaw ha?" pakiusap ko kahit alam ko na wala ng malay si Hayes..Naka diin ang kamay sa mismong wounds ni Hayes habang hinihintay si Micro na pinunit ang damit nito, upang mabawasan ang pagka ubos ng dugo ni Hayes."Dalton, bilisan mo!" sigaw ko at mas binilisan pa ni Dalton ang takbo ng sasakyan. Nakita ko na lumalabas ang dugo ni Hayes mula sa kanyang tiyan."Delikado si Hayes, sa t'yan pa siya tinamaan. Bilisan mo na Dalton paliparin mo kung kinakailangan, mauubusan ng dugo si Hayes!" utos ni Elijah.Nakita kong nag hubad na ito, at doon ko nakita ang mga tattoo sa katawan ni Tiger at ang mga peklat. "Ako na mag pahinga ka na Miss Gilliam.." mahinahon na utos ni Elijah sa akin.Tumango ako at nakipag palitan ako dito, " Pinaka malapit na hospital ay ang mga sa Lavistre! Doon na lang.. " narinig kong sika ni Micro.Si Luigi ang nag asikaso ng magiging kaso kay Mr. Tate. " Okay na doon! " sagot ni Elijah.Hindi naka abot ang ambulansya
CATLEYAH CHLOE TATEUMAGA PA LANG NAKA RINIG na ako ng doorbell muna sa main gate. Napa bangon ako ng diretso at tumayo ako.Pag dungaw ko sa bintana doon ko nakita ang isang lalaking naka tayo naka suit ito na gray. Kaya agad kong kinuha ang jacket ko at dumeretso ako sa kwarto nila mommy at daddy."Mom! Gising may tao sa labas!" pangangatok ko at agad naman bumukas ang pinto."Narinig ko nga anak, tara babain natin.." sagot ni mommy kaya bumaba na kami ng sabay.Inalalayan ko ang mom ko dahil pababa at madulas. Ako na ang nag bukas ng pinto at agad kong nakita ang lalaking naka tayo."Good morning Miss and Mrs. Tate abugado po ako ni Mr. Ferguson ako si Attorney. Carter Norman." pakilala nito.Lumapit kami ay sadyang hindi namin ito pinag buksan ng gate na tingin ko naman hindi naman dito big deal. "Ano na naman kailangan sa amin ng amo mo? Hindi pa ba siya tapos nakuha na niya ang kumpanya namin!" galit na sigaw ni Mommy." Mom.. " tawag ko at pag papahinahon ko kay mommy." Well,
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN NG HAPON pinayagan na ako umuwi ng doctor basta sundin ko lang ang mga bilin nito.Nang makalabas kami ng hospital naramdaman ko na parang may nanonood sa kilos ko.Kaya naman napa tingin ako sa buong paligid, si Sandra nasa kotse na ito dahil pina-una ko. "Guys, nasa malapit lang si Caezar. Siguro ako."bulong ko na kina singhap ng dalawang kasama ko."Paano mo nalaman?" tanong ni Micro."Mula ng lumabas tayo, naramdaman ko na parang may nanonood sa kilos ko o natin.." sagot ko, mabuti si Micro ay naka baseball cap ito at mask."Anong gagawin natin?" tanong naman ni Tiger, nag lakad lang kami hanggang makarating kami ng sasakyan."Wala, hahayaan natin siyang mag pakita saka natin siya ita-trapped." wika ko at pumasok na kami sa sasakyan.Ganun din ang dalawa. Si Luigi naman this time ang driver namin dahil wala si Dalton umuwi muna sa kanyang pamilya. "Umuwi na tayo.." utos ko at tumingin ako sa labas hanggang mapansin ko ang isang itim na motor."Luig
HAYES COX FERGUSONNANG MAG GABI nag tungo sa B.M Restaurant kung saan kami magkikita ng sinasabi ni Micro na lalaki.Pumasok kami at agad may sumalubong sa amin na dalawang babae. "Mr. Ferguson?" tanong ng isa, tumango lang ako. "This way po.." wika nito kaya agad kong nilingon ang dalawa kong kasama.Tumango ang dalawa kaya naman nag lakad na kami. "Kaninong restaurant ito?" tanong ko habang nag lalakad kami."Kay Sir Angelo po, Sir." sagot ng babae.Tumango lang ako hanggang umakyat na kami sa ikalawang palapag. "Sinabi po ni Sir, Angelo na kailangan po sa pribadong kwarto. " wika ng isa pang babae.Tumango ako hanggang mag salita si Tiger. " Mukhang sobrang importante ito na kailangan pang pribado ang pag uusap. " makahulugan na wika ni Tiger." Sorry po wala kami sa position para mag salita, sumunod lang po kami sa utos.. dito na po tayo. " wika ng babae." It's okay, medyo naninibago lang kami. Thanks.. " pasasalamat ko at nilingon ko si Tiger at binigyan ko ito ng look na tumig
CATLEYAH CHLOE TATEKINAUMAGAHAN MAAGA AKO NAGISING para mag ayos ng gamit. Napatingin ako sa buong mansion at doon ako napa iling ng maalala ko na aalis na kami sa bahay na ito.Pinunasan ko agad ang pumatak na luha ko at inayos ko muli ang damit ko. Kahit ano wala kami pwedeng dalhin, dahil lahat ng nandito na gamit kahit kami pa ang bumili ay pagmamay-ari na ni Hayes.Dahil sa pagbili nito sa mansion. Matapos ko mag ayos agad akong pinagulong ito patungo sa pinto para mailabas ko na mamaya.Nang matapos ako sa lahat lumabas na ako kasama ang mga gamit ko, saktong paglabas ko ang paglabas ni Mommy sa kwarto nila ni Daddy."Mom, madadala mo ba ang mga dokumento natin? " tanong ko sa mom ko.Umiling ito na kina buntong hininga ko. " Hindi anak, kasama ito sa hindi natin madadala pero ang birth certificate ay makukuha natin. Pero ang dokumento sa opisina ng daddy mo ay hindi. " mahabang paliwanag ni mommy na kina tango ko " Ibaba na natin ito mommy, parating na ang driver na pinadala
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN naglalakad ako patungo sa main entrance ng kumpanya ko ng makita ko si Miss Tate.Umiling na lang ako at nag lakad patungo dito, dahil dito ako dadaan. Under maintenance ang kabilang kaya napilitan ako maglakad mula sa parking.Hindi ko na hinintay si Dalton at Luigi kaya mag isa akong nag lakad patungo sa opisina ko.Ang kumpanya naman ng mga Tate ay hinahanda na para upcoming grand launching nito. Inaayos na rin ito at handa na itong palitan ng pangalan.Imbes na initial ng pangalan ko ang ilalagay dito, gusto pangalan ng magulang ko dahil gusto ko idedicate ito sa kanila.Tinatapos lang ang pagkuha ng bagong permit at ang bago nitong pangalan. Matapos nito handa na ito bumalik sa operation.Mahabang panahon ang kailangan nito, kaya bago o bungad ng panibagong taon saka ito makaka balik sa operation.Ang mga tauhan ng pamilya Tate na nag ta-trabaho doon ay ako na muna ang nagbigay ng pera para hindi sila mawalan sa pasko at new year.Nang makarating a
HAYES COX FERGUSON"Ito na ang yelo at alak pa." wika ko at nilapag sa kanilang mesa ang bucket na may lamang beer.."Oo nga pala ikaw ba may ari nito?" tanong ng lalaking si Storm.Umiling ako bago sumagot. "Hindi, pero kaibigan ko ang may ari." sagot ko."Uy kuha ka ng pulutan? Ang hirap naman nito puro hagod sa lalamunan wala bang pambara?" Narinig kong reklamo ng Damon.Naramdaman ko na may tumabi sa akin. " Hi! " nakangiting pagbati ni Damon sa kasama ko. " Damon, ano pangalan mo? " tanong nito kay Micro at Tiger." Pag pasensya niyo na siya, ganyan siya wala na kami magagawa sa ugali niya.. " wika ni Thunder. Tumawa lang ako at umiling." Okay lang, nga pala bakit hindi kayo kumuha ng VIP? " pag iiba kong tanong." Kasalanan niyan! Siya ang kumuha dito tapos hindi sinabi ng VIP kunin! " asik ng isang lalaki kung tama ako ito yung Earl.Nakakatakot ang awra ng isang ito. " Oh, bakit ako? Wala kayong sinabing VIP! "sagot ng isa na kina kamot ko ng ulo.Nilingon ko si Micro at Tige
HAYES COX FERGUSONKaharap ko sila El Mayor, General, Micro at Tiger ngayon. Kasama dito sila Dalton at Luigi."Anong gusto mo gawin? Hanapin ang mga taong ito? Saan tayo mag uumpisa? Bukas pasko na.." tanong ni General sa akin."Oo sana, para matapos na itong hanapan na ito at pag kuha ng hustisya. Dahil sigurado ako na babalik ako ng kulungan nararamdaman ko na yun." wika ko sa kanila."Huwag ka mag alala bata, hindi ko hahayaan na bumalik ka sa impyerno na 'yun. Hayaan mo ako tulungan ka this time na hindi na muling magbalik pa doon.. " sagot ni El Mayor.Tumango naman ako bago mag salita, "Salamat, gusto ko na hingin ang tulong niyo ngayon ng matapos na ang hanapan na ito." pag hingi ko ng tulong sa kanila .Tumango naman si General at nag salita. "Sige, gagawin namin sisiguraduhin namin tutulong kami sayo. " sagot nito na kina hing ko ng maluwag."Maraming salamat," pasasalamat ko, matapos ng usapan namin ay umalis na si El Mayor at General.Ako naman ay nag pasama ako kay Micro