SAMANTALA, bwisit na bwisit si Yoongi sa panggigising na ginawa ni Taehyung. Napaka aga pa nga naman sa alarm clock niyang 12:00 midnight. Napansin niyang wala na sa kanyang tabi ang Yaya Yanie niya, ipinagpalagay na lamang niya na isinasaayos na nito ang dadalhing gamit nila sa Studio.
Naligo muna siya para tuluyan nang mawala ang kanyang antok. Nang magbalik ang diwa niya sa normal na pamumuhay ay nagbalot siya ng towel sa pang ibaba at saka dumaretso sa kusina. Nadatnan niyang naghuhugas na ng pinggan ang Yaya niya.Ganu'n sila ka-swerteng pito kay Yanie. Lahat ng households chores ay alam nito. Kahit pa anong ipaluto nila ay alam rin nito. Pang House wife material na nga kung tutuusin si Yanie ngunit hindi nila alam ang tunay nitong pagkatao maliban sa dating trabaho nito sa bar kung saan nakilala ito ni Yoongi.Kpop Idols best request ito bilang waitress bonus pa sa pagiging entertaining nito sa mga costumer. Hindi siya maduming babae, maayos ang trabaho nito dati at iyun lamang ang alam nila sa Yaya nilang ito at wala nang iba pa.Nagulat niya ito ng magtanong siya."Nakaalis na ba sila?" Iinom sana siya ng tubig kaya lamang ay nahihiya na siyang magkalat sa kusina."Ah... Yes Sir. Pinasusunod ka po ni Sir Namjoon!" Tugon nito sa kanya at natapos na ang mga hugasin."Magkasama tayo di'ba?" Kuno't noo niya dahil sa pagkakaalam nga niya ay kasama niya ito papunta sa Studio.Sandaling nagtama ang kanilang mga tingin at lumihis ng dereksyon ang mga mata ni Yanie pagkalipas ng ilang segundo. Nahihiya at naiilang pa rin ito na magkatinginan sila o kahit pa sinong BTS members ang makatitigan nito. Siya lang kase ang kauna-unahang babae na nakasama ng BTS sa loob ng iisang bubong. Unang babae na hinayaan ni Bang PD-nim na makasalamuha ng Bangtan sa loob at labas ng Dormitoryo. Sa pangkaraniwang trabaho para sa iba ngunit isang pangarap na natupad para sa karamihang babae na nagkakandarapang mag apply bilang Assistant o Secretary ng BTS."Sir.. Kailangan po ba talaga ako doon?" Pagtataka nito."Natural, Yaya ka namin it means all around ang trabaho mo! Anyway sa Day off mo na ikaw bumawi, hectic talaga ang Schedule namin kaya kailangan ka talaga namin!" Paglilinaw niya."Kung hindi mo na kaya ang trabaho mo dito, pwedi kang mag resign!" Nag uumpisa na siyang magsuplado sa dalaga.Unfortunately, ayaw naman talaga nya na may umeeksenang babae sa loob ng kanilang dorm, bukod sa masisira ang deskarte nila bilang mga lalaki ay napupurnada rin ang mga pribadong kabalastugan nila."Hindi naman po ako nagrereklamo!" Paliwanag ni Yanie sa kanya."Okay! Magbihis ka na baka malate pa ako!" Sabi nya at umakyat na ulit siya sa kanyang kwarto para magbihis.Maya maya pa ay nakapagbihis na silang parehas. Bangabang na inilagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit na iniwan ng anim pa nitong amo."Mag Disguise ka, baka may paparazzi na makakita sa'tin baka kung ano pang issue ang lumabas!" Paghagis ni Yoongi ng saklob at jacket.Simpleng dress lang kase ang suot nito. Iba na rin ang sigurado at nag iingat. Baka malagay sa alanganin ang kanilang career kung dahil lamang kay Yanie.“Grabeh.. Iniwan pala nina Taehyung yung mga gamit nila para ikaw ang magdala? Mga ungas talaga, Sa'kin ka lang naman mas madalas naiiwan tapos kung pahirapan ka nila. tsk... Mga abusado!” Maktol niya nang maghintay sa pagpasok ni Yanie sa loob ng sasakyan.“Okay lang naman po sa'kin!” Walang pag aalinlangan na tugon nito sa kanya.Wala pang isa’t kalahating oras ay nakarating na sila sa KTV studio."Sumunod ka na lang sa 2nd floor!" Tapik nya sa balikat nito."Okay Sir!"Malayo layo na sya sa kinaroroonan ni Yanie nang lumingon pa siya at nakita nyang para bang nahihirapan ang Yaya sa mga dadalhin nito paloob. Kahit suplado at masungit ay binalikan niya si Yanie upang tulungan na magdala."Sir, ako na po ang bahala dyan!" Pagpigil naman ni Yanie sa kanya."Really? Nahihirapan ka na nga dyan sa iba pang gamit nila, idadagdag ko pa itong sa'kin. No! I can handle this mine!" Derektang sabi niya sa dalaga.***Naiwan pa nga si Yanie sa parking lot dahil iniisa isa pa niya at pinagsasama-sama ang kung kaninong gamit ang bitbit na niya.Suplado talaga ang isang boss niya ngunit minsan ay tama naman ang mga sinasabi nito sa kanya. Iyun na lang lagi ang nagsusumiksik sa isipan nya sa t’wing si Yoongi ang nakaka usap nya."Gamit ni Sir Jin, Ni Sir Namjoon, Ni Sir Taehyung, Ni Sir Jungkook, Ni Sir Jungkook at lastly yung gamit ni Sir Jimin!!!" Pagbibilang pa niya sa gamit ng mga ito pagkatapos makuha lahat ay papasok na sana siya sa loob.Nang magkita muli sila ng babaeng umiiyak last time dahil kay Jimin.“Hala! nandito sya?” Kahit pilit niyang itinatago ang sarili sa saklob ay kinulbit siya nito."Hey.. Ms. Nakita mo ba si Jimin?" Tanong sa kanya nito at pag iling na lamang ang naging tugon nya para hindi siya mabosesan ng babaeng ito."Wait.. It's you!!" Pagturo nito sa kanyang mukha dahil nakilala pa rin siya nito."Yeah.. It's you! The New Girlfriend ni Jimin!" Tinanggal nito ang saklob na suot nya."Ako nga kaya pwedi ba tigilan mo na ang Boy friend ko!!!" Lakas loob niyang usal para magtigil ang babaeng ito sa kakahabol kay Jimin. Yun lang din ang naisip na paraan ni Yanie upang matapos na ang pagkadesperada ng babaeng ito."Totoo bang Girlfriend ka na nya?" Tanong nito na para bang nagtataka pa."Baka naman personal asistant ka lang nila na nagpapanggap lang!" Pag irap ng ilan sa mga Jimin's Stan na nakapila sa Entrance.Nakalimutan nyang sa main entrance pala sya pumasok at hindi sa back door, lalo tuloy syang nalugmok sa kahihiyan. Hindi niya maaaring sabihin sa mga ito na isa siyang Yaya ng BTS dahil mananagot siya kay Mr. Sujin, kay Bang PD-nim at lalo na kay Yoongi.Wala siyang masabi pa na paliwanag kaya't tatakbong pumasok na siya sa loob at dumaretso sa dressing room."Haysss.. Bakit ba ang bagal bagal mong kumilos Yaya? Nasaan yung Phone ko?" Bungad ni Jungkook sa kanya at kahit hinihingal pa ay hinanap na agad nya ang phone nito at ibinigay.Hindi pa siya nakaka upo ay heto naman si Namjoon."Yaya paki handa na lang ng Suits na isusuot ko mamaya pagkatapos ng Fan Sign huh!" Bilin ni nito.Nasa studio stage na si Jimin kaya hindi na niya nasabi pa ang tungkol sa babaeng naghahabol sa kanya....ISANG LINGGO ang muling nakalipas ngunit ang paghihirap ni Yanie sa pitong amo niya ay tila hindi na niya matatagalan pa. Pagod at puyat ang nakapanghihina ng loob niya. Sa sobrang kapaguran na nga ay halos hindi na niya magawa pa ang iba.Minsan ay may pagkukusa ang mga ito ngunit ang minsan na iyun ay walang kasing dalas na pinahihirapan siya.Ang pagod na nararanasan niya sa loob ng dormitoryo ay hindi halintulad sa nakamtan niyang pagod noon sa loob ng bar.Kinakausap lang niya ang mga boring na kpop idols na sa TV lang din niya napapanood noon ngunit iba na sa panahon ngayon na Yaya siya ng pitong pasaway at walang pakundangan sa pagsisilbi niya.Na-aalala na nga lang niya ang kwento sa likod ng pagiging Yaya ng BTS. Kung saan nagsimula ang lahat.Tumutulong siya sa isang maliit na kainan ng kanyang step mother. Madalas siyang maltratuhin nito lalo na kapag nasa trabaho ang kanyang ama.Sinasabunutan, Pinahihira
...PINAPASOK na ni Jimin ang kanilang Yaya sa loob ng dormitoryo at pinagpalit ng casual dress."Ang bagal naman niya!" maktol ni Jimin habang pauli uli na lumalakad sa salas. Hinintay niyang makatapos sa pagbibihis ang Yaya.Napansin naman siya ni Hoseok na tila inip na inip sa paghihintay kay Yanie."Anong mayroon at pinagbibihis mo si Yaya?" tanong nito sa kanya at nagdekwatro sa pag upo."May pupuntahan kami saglit!" maigsing tugon niya at napinta sa kanyang mukha nang matunghayan si Yanie na bumababa sa hagdan.Napaka simple lamang ang suot nitong white dress na tinu-angan ng brown sandals at walang pag aayos na kolerete sa pagmumukha kun'di polbos lamang.Sa pagka-pinkish na pisngi ni Yanie ay hindi na nangangailangan pa ng blush on. Makinis rin naman ito kaya lalong nangibabaw ang pagkakaroon nito ng glass skin na bibihira sa mga babae roon.Sadya naman kamangha mangha ang kakaibang awra niya ngayon na k
NAMUMUO na ang galit ni Yoongi sa kanyang ulo nang mabalitaan sa isang live video ang paghahabol ng users kina Jimin at Yanie. Pauli-uli na siya sa salas at panay na rin ang pag inom ni Hoseok nang tubig upang kumalma. Si Namjoon naman ay nakikipag usap na kay Manager Sujin habang si Jin ay nag iisip na ng mga plano kung paano aayusin ang malaking problema nila."Bakit kase hinayaan nyo pa rin si Yaya na sumama kay Jimin-ssi? Alam nyo naman na mainit ang mga mata ng paparazzi sa'ting pagbabakasyon na ito!" tutong na turan ni Jungkook sa harap ng computer niya."Tulog ka yata kanina para sabihin yan sa'kin?" matigas na sabi ni Yoongi."Chill lang guys!" sumisingit na pagpapakalma ni Hoseok."Alam na ni Jimin ang gagawin nya! Trust him!" saad pa ni Jin.Nagmamadaling pumasok sa loob si Jimin at hingal na hingal ito sa pagod. Sumilip pa sa bandang bintana upang tingnan sa labas kung may nakabuntot pa rin sa kanya. Masuwerte pa nga siya at ta
***BINISITA pa muna ni Yoongi si Yanie sa kwarto nito kung natutulog na ba ito pero nadatnan pa niya ang Yaya na nakamasid sa harap ng bintana at tinitingnan ang kabilugan ng buwan."Gabi na, bakit gising ka pa?" pagkatok niya sa bukas na pinto."Ahm.. Hindi pa po ako inaantok!" tugon nito sa kanya at sumadali lamang siya na tiningnan. Gandang ganda si Yanie sa maliwanag na sinag ng buwan."Okay ka lang ba?" tanong pa niya at iniisip na nililibang lang ng Yaya ang sarili nito sa magandang silaw ni Luna."Hindi naman po sinasadya ni Jimin na magkahiwalay kami kanina!" paliwanag nito sa kanya at tuluyan na syang pumasok sa kwarto nito. Minasdan ang malinis na paligid ng silid.Tumaas ang kanyang kilay sa narinig na tawag ni Yanie sa pangalan ni Jimin."Inutos nya ba sayo na 'wag mo na syang tatawagin na sir?" tanong niya."Umh.. Ganu'n din po si Taehyung, Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin kay Manager Bang
...MALALIM na ang pag iisip ni Yanie sa kung ano pa ang posibleng mangyayari kapag nanatili siya sa dormitoryo ng BTS. Mahahalungkat ang buong pagkatao niya. Malalaman rin ng mga ito kung saan siya napulot ni Yoongi."Sinong pananagutan ng Anak ko?" matalas na boses ng isang Babae.Late 30's woman old voice inside the dorm. Naka expensive brand ang pananamit nito at maski ang shoulder bag na dala nito."Ti... ta???" gulantang nilang lahat at napatingin si Yanie sa tinutukoy ng Bangtan boys na kanilang Tita.Naniningkit ang mga mata nito na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tingin pa lamang ay parang nilalait na siya. Hindi niya maikubli ang kaba nang salubungin niya ang tingin nito sa kanya."Ma? You're here?" bungad sa kanya ni Jimin."Narito ako para malinawan tungkol sa issue about you and the girl that they're talking!" matigas nitong anas.She's Mrs. Park, Jimin's mother, Kilay pa lang nito ay sadyang
...DADARETSO na sana si Yanie sa bar kung saan siya tumakas ngunit wala pa siya sa entrance ay napansin niyang pumasok sa loob si Taehyung at tila balisa habang nagmamadaling tapusin ang pakikipag usap sa cellphone.Baka siya ang hinahanap nito at natukuyan ang dating pinagta-trabahuhan niya or maybe he really wants to talk her and bring her back again. Iyun ang akala niya kaya't hindi na siya nagtangka pang dumaretso roon.Sumakay muli siya ng sasakyan pauwi sa lugar na kanyang kinalakihan. Sa Gwanjong Street, Seoul. Simoy pa lamang ng hangin ay mabibilaukan na siya dahil sa nangangamoy na mabahong kanal. Tagong lugar ito ng mga estrangherong hindi rehistrado sa kanilang kinabibilangan lugar. Lahat ng mga tao rito ay mga asal kalye at mapapabilang sa delikadong lugar sa kanilang seyudad.Malinis sa Seoul kung titingan ngunit ang lugar ng Gwanjong Street ay hindi nabibilang sa nasabing malinis na parti ng kanilang bayan at ito ang kinalakihan ni
...2 WEEKS LATER.Nahihirapan na sa kanilang sitwasyon si Taehyung dahil sa pag alis ni Yanie. Kanya kanya tuloy sila ng mga gawain sa dormitoryo na hindi naman nila kinasanayan gawin. Lalo pa silang naging abala nu'ng mga huling linggo dahil sa commercial appearance nila at iba pang product promotions. Sa palagay niya ay nawalan na rin nga ng pag asa pa si Yoongi na makita pang muli si Yanie dahil nagpapaka-abala ito sa pagsusulat ng mga kanta."Linisin mo na yung mga sapatos na ginamit natin!" pag uutos ni Jin sa kanya."Grabeh pagod na kaya ako!" reklamong sabi niya."Kookie maghugas ka na ng pinggan!" sigaw na turan ni Hoseok habang abala sa computer games."Huh? Bakit ako? Si Jimin ang naka Schedule dyan di'ba at saka puro ka na lang laro!" derektang tugon ni Jungkook."Tulog pa sya!" saad na baling nito kay Jungkook."Tulog? Puchaaa puro babae kase ang inaatupag!" hiyaw na maktol ni Jungkook.
...NAGSINDI ng sigarilyo si Jen at derektang kinonpronta si Yanie sa labas ng bar. Off duty na sila ngunit hindi pa naibibigay ang kanilang kita kaya hindi pa sila makauwi."Kung ganu'n, sa BTS Dorm ka pala tumutuloy dati, nu'ng iwan mo ako dito mag isa?" derektang tanong niya sa kaibigan."Umh.. pansamantala lang sana iyun pero nagtrabaho na rin ako sa kanila!" paglilinaw na tugon naman ni Yanie habang pinagmamasdan siya nito kung paano hithitin ang may sinding sigarilyo at ibuga ang usok nito."Kaya pala magkakilala kayong dalawa! Sinasabi ko na nga ba at mayroong kayong koneksyon ni Taehyung!" diin pang sabi niya at inapakan na ang upos."Boss ko lang sila!" giit nya."Bakit hindi ka na lang bumalik sa kanila at perahan mo na lang?" Tinaasan niya ng kilay si Yanie na ikinagulat ang kanyang tanong."Huh?" Halos mabulunan si Yanie ng sarili niyang laway."Alam mo bang si Tita Zandra ang may sabi sa'kin na pili