BIYERNES nang hapon nang palabasin siya ni Glenda sa dinning dahil sa dami ng kumakain. Ilang sandali narin siyang abala sa ginagawa nang mamataang pumasok sa loob ng kainan si Janna kasama ang dalawa pang kaibigan nito.
Napuna niya ang matalim nitong titig sa kanya, pero minabuti niyang huwag nalang itong pansinin at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawang paglilinis n
TININGALA niya si Dave. Suminghot siya saka natawa ng mahina nang kurutin ng bahagya ng binata ang kanyang ilong. “You’re so pretty when you cry” anang binata kaya tuluyan na siyang napabungisngis. “saka isa pa matalino ka, iyon ang talagang dahilan kung bakit ka pumasa” paalala pa sa kanya ng binata sa tinig na tila nagsasabing wala siyang dapat ipagpasalamat dito.“If I could do anything for you, Dave. Just let me know” sa pagitan ng pagsinghot ay kanya pa
“ANO na nga palang nangyari kay Janna?”nasa sementeryo na sila noon at naglalakad papunta sa puntod nina Danica at Thelma. Pagkatapos ay tutuloy na sila kila Dave para sa practice ng sayaw.“Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sayo, nag-dropped na siya
“PINAMADALI ko iyan. Alam ko kasing iyan ang sinasabi mong ipapagawa mo pagka-graduate mo at may trabaho kana?”paliwanag sa kanya ng binata. “pasensya kana, alam kong hindi ka papayag kapag sinabi ko sayo. Pero ipinagpaalam ko iyan sa Tita mo, nung umpisa ayaw niya pero napapayag ko rin siya in the end” paliwanag pa ni Dave sa nag-aalangang tinig.
NAPAPIKIT siya saka makalipas ang ilang sandali ay kusang umangat ang kamay niya saka masuyong humaplos sa mukha ng binata.“S-Subukan? Alam mo ba kung ano ang una kong sinabi sa sarili ko nung makita kita sa parking lot? Kung ikaw ang boyfriend ko, kahit ilang beses siguro akong umiyak okay lang” nakita niyang nangislap ang mga mata ni Dave dahil sa sinabi niyang iyon.
“ANONG resulta?” ang bungad niya kay Dave na kalalabas lang ng Faculty Room ng PE. Nakangiti nitong iwinasiwas ang hawak na index card.Kinuha niya iyon. “wow flat one, lucky charm talaga kita Dave!” aniyang yumakap nobyo na gumanti rin ng mahigpit na yakap sa kanya.
KINABUKASAN gaya ng sinabi ni Dave, pagkatapos ng klase ay sa bahay ng grandparents nito sila nagtuloy.At paris din naman ng naramdaman niya nang una siyang dalhin ng binata sa bahay ng mga ito ay pirmi ang kabang nasa dibdib niya.“Bakit ang tahimi
“BAKIT parang ang tahimik mo yata Audace? Nag-away ba kayo ni Dave?” kinagabihan nang magkaharap silang kumakain ng hapunan ni Lerma.“Naku hindi po ‘Ta, m-medyo masakit lang po ang ulo ko” pagdadahilan niya saka pilit na ngumiti.“Kilala kita anak, ano? Umamin ka nga sa akin?” giit nito.Noon siya nagpakawala ng buntong hininga. “’Ta kung kayo po ang tatanungin ko, kung halimbawang hindi ninyo ako kaanu-ano, sa tingin ninyo bagay kaya ako kay Dave?” insecure niyang tanong.Nakakaunawa siya nitong nginitian. “Sa itsura, oo naman!” walang gatol nitong sagot. “panigurado magkakaroon ako ng magaganda at gwapong apo sa inyong dalawa.”“‘Ta naman, hindi po iyon ang ibig kong sabihin” natatawa niyang sabi.“Alam ko, pinapangiti lang kita” anitong pinakatitigan siya sandali saka muling nagsalita. “bakit kailangan ba may basehan kapag nagmamahal ang isang tao?” isang kibit-balikat lang ang itinugon niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Noon muling nagsalita si Lerma. “Normal lang ang nararam
“TARA na!” kinabukasan kasalukuyan siyang nag-aabang ng traysikel sa waiting shed nang hintuan siya ng isang owner typed jeep na nakilala niyang si Alfred ang driver.Umiling siya bilang pagtanggi. “halika na! O gusto mong ako pa ang magpasok sayo dito sa loob ng sasakyan?” pabiro ang pagkakasabi pero iba ang