Share

CHAPTER 51

Nasa isang abandonandong warehouse sila Mark, Steven, Aldrin, at Bruno na masusing pinagpaplanuhan ang kanilang gagawing hakbang para madakip si Kendall at Scott.

"Mukhang malaki laki ang bigayan natin kay Boss Ahron!" sabi ni Aldrin.

"Malamang, mas malaki ang nawawala sa kanya kapag hindi natin natagpuan ang artista niyang anak!" pagsangayon ni Mark.

"Pero masyadong malawak ang mall na sinasabi ni Boss Ahron, mahihirapan tayong maghanap kahit apat tayo!" sabi ni Aldrin.

Nagbigay naman ng munting payo si Bruno. "Wala namang masama kung susubukan nating maghanap, at siyempre maghihiwalay tayo sa lahat ng entrance ng mall. Kagaya ng nakagawian natin, masyadong maraming security personnel at mga cctv sa mall at nakatitiyak ako na makakapukaw tayo ng atensyon ng iba sa maling hakbang lang!"

Sinimulan na na Mark ang paglalatag ng kanilang magiging plano. "Ganito ang plano, kailangan mas maaga nating magawa ang misyon at dalhin natin si Kendall at si Scott dito sa lugar, utakan natin si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status