Share

CHAPTER 61

"Saglit lang tutulungan ko na kayo Manang Bethy," sambit ni Ahron.

Nagtininginan din sila Bethy at Lea na nagtaka sa pagbabagong ugali ni Ahron.

"Oh bakit ganyan na naman ang mga mukha ninyo?" tanong ni Ahron na lumapit sa kanila at inakbayan sila nito papunta sa kusina at gumawa siya ng pure pineapple juice na isang pitchel. Samantalang si Manang Bethy naman at si Lea, inihanda nila ang ibang mga pagkain. Bago nila inilabas ang pagkain, mayroong munting habilin si Ahron.

"Manang Bethy at Lea, damihan niyo po ang ise-serve na pagkain kay Kendall... medyo naglilihi kasi siya at naikwento niya sa akin na nagke crave siya sa sushi. Bigyan niyo rin po siya ng red wine!"

"Sir, hindi po yata puwede ang alak at wine kay Ma'am Kendall... puwede pa po siguro ang pineapple juice na ginagawa ninyo!" nag aalalang sabi ni Lea.

"Ano ka ba Lea, kahit noong nasa construction pa ako at pinagbubuntis ng asawa ko si Kendall, umiinom kami ng red wine ng misis ko! Wala namang nangyaring masama kay Kendall
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status