Noong una gustong ipagpatuloy ni Devlin ang kasalang magaganap. Kahit may kagustuhan sa puso nito na kumawala sa diktador na ama, mahal niya ang bayang kinalakihan.
Gayunpaman ang halaga ng pagmamahal na ito ay hindi singlaki ng pangangalaga ni Devlin sa sarili. Kaya siya isang villain ay dahil doon.
Alam ni Belial na ‘pride’ at ‘insekyuridad’ ang nasa pinakagitna ng mga problema ni Devlin sa buhay.
Hindi gaya ng ibang Alpha, nasa bahay lang siya at binigyan ng trabahong pang-opisina. Lahat ng kaniyang kamag-anak ay pinangangalagaan siya nang mabuti. Hindi
It turns out, Si's help wasn't a permanent one. Ipinaliwanag nito na habang tumatagal ay aabot sa puntong titigil na si Si sa pagbibigay ng cheat sheet sa kaniya. Magiging mas mahirap ang lahat hanggang sa ang mga panahong iilaw ito ay upang ibiga ang orihinal na takbo ng storya o magbigay o kumuha ng puntos.Mary Joy wasn't impressed by this. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad paalis ng kaniyang silid. Dumoble ang dami ng kaniyang mga tagabantay. Kung dati sa bahay nila ma tatlo lamang siya, ngayon ay domoble ang bilang ng mga ito.Alam ni Mary Joy na karamihan sa mga ito ay inutusan ni Belial na bantayan lahat ng kaniyang magiging kilos. Hindi nagdalawang isip si Mary Joy nang paalisin niya lahat ng tagapagsilbi maliban lang kay Tee.“'Yong inutos ko?”“Nakahanap ng heneral ang inyong tagapaglingkod,” sagot ni Tee sa mahinang boses, “nakahanda na po ang lahat.”Tumango si Devlin bago hinagisan
Mary Joy fell into a troubled sleep. Hindi siya mapakali habang inaalala si Si. Ngayon ay handa siyang makipagpalit ng puntos, bumalik lang ito sa dati. Kung alam niya lang na limited offer ang pagbibigay nito ng cheat sheet sa kaniya, sana sinagad na niya mula sa unang mundo pa lamang.Nagising siya noong makaramdam ng lamig. Giniginaw siyang nagtago sa ilalim ng kumot. Hindi nawala ang panlalamig na kaniyang nadarama. Saglit siyang sumimangot bago dumilat nang tuluyan.The female lead's gawking was not what she expected the most.Narinig ni Mary Joy kung paano nito nahigit ang paghinga. Pinakatitigan niya ang babae, hinihintay ang susunod nitong gagawin. Nang makitang nakatulala pa rin ito sa kaniyang harapan, halos magpasya na lamang siyang sipain ito.Hinalughog ni Mary Joy ang isip kung may nabanggit ba si Si sa kaniya patungkol dito ngunit wala siyang maalala. She almost choked when she noticed that even Si's report wh
“Tee, anong sitwasyon ni Heneral Isle?” Ikinumpas ni Devlin ang mga kamay. Mabilis na yumukod ang babaeng tagapagsilbi upang punuin ng tsaa ang kaniyang baso. “Tatlong araw na ang nakalipas. Wala pa rin akong liham na natatanggap.”Hindi interesado si Mary Joy sa magiging tugon ng kuya ni Devlin. Alam niyang busy ito sa sitwasyon ng Danari Pass. Noong una'y minaliit ng mga opisyal ang mga bandidong galing sa lumubog na bayan ng Capiz. Pinabayaan nila ito hanggang sa lumobo ang problema.May hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dating pinuno nito at ng ama ni Belial kaya naman noong humingi ng tulong ang Capiz sa gitna ng pagkakasakop, umaktong bingi ang hari. Ngayon nagpupumilit pumasok sa kanilang kaharian ang mga nakaligtas na mga sundalo't mangangalakal mula sa gyera. Hindi ang kaharian nina Belial ang pinakamalapit sa mga ito ngunit may delusyon ang mga taong iyon na may atraso sa kanila ang hari kaya dapat lamang silang papasukin
Huminga nang malalim si Mary Joy at isinara ang librong kabubuklat pa lamang—wala siyang maintindihan. Lahat ng libro rito ay nakasulat sa hindi matukoy na lengwahe. Sigurado siya na kahit ang mga tao rito ay hindi binabasa ang mga ito, sa limang oras na inilagi niya sa silid-aklatan ng palasyo ay iilan lang ang mga hanay ng librong may espasyo sa pagitan.Nabuburo na siya nang husto. Noong una'y namamangha siya sa kakaibang sulat na iyon. Samahan pa ng mga larawang hindi niya pa nakita noon. Makalipas ang iilang oras, gusto niyang sunugin lahat ng librong nandito. Kaunti lang ang mga librong kaya niyang basahin. Napagtanto niyang hindi mahilig sa libro si Devlin. Ayos lang 'yon sa kaniya. Hindi siya umaasang puro ‘love story’ ang mga narito.Nangalumbaba si Devlin sa mahabang mesa at tiningnan ang tahimik na si Tee. “Saan nagpunta si Prinsepe Belial ngayong umaga?”“Pagkatapos ng pulong kaninang umaga ay nagpunta ang prinsepe
Pagkatapos ng nangyari kaninang tanghali ay nagkulong si Mary Joy sa silid. Kinulit niya si Tee patungkol sa kung anu-ano, pinapagod ang sarili upang makatulog. Noong makumbinsi niya ang sarili na magpahinga, madilim na at lumalamig na ang paligid. Inutusan niya si Tee na huwag magpapapasok ng kung sino sa kaniyang silid. Kung sakaling maulit man ang nangyari kay Synthell. Masunuring nagbantay ang lalaki sa labas.Mahimbing ang pag-idlip ni Mary Joy hanggang sa bulabugin iyon ng isang marahas na pagbukas ng pinto na sunundan ng mabibigat na yabag. Pumasok ang nakakasakal na Alpha scent ni Belial sa buong silid. Asar na inginudngod ni Mary Joy ang mukha sa malambot na unan.“Devlin Isle—alam mo ba kung anong kahihiyan ang binigay mo sa 'kin?” tanong ni Belial sa kaniya gamit ang boses na kayang tapatan ang mabibigat na kulog tuwing bagyo. “Isang Omega, sa silid-aklatan ng angkan ko, Devlin? Talagang doon pa?”“Belial, pakiusap.
Dumaan ang tatlong araw na pare-pareho lamang ang nangyayari. Dadalaw si Synthell sa kaniyang silid, makikipag-usap si Devlin dito ng iilang minuto pagkatapos ay magbabasa siya ng libro buong maghapon. Kinagabihan ay magigising siya dahil sa paninitig ng bidang lalaki na si Belial. Pagagalitan siya nito sa patuloy niyang pakikipaglapit kay Synthell at mayamaya ay matatameme, uutusan siyang matulog muli at huwag itong pansinin.Kung magtatagal pa ito ng isang linggo ay hindi na kakayanin ni Mary Joy ang takbo ng laro.Para mabawasan ang pagkabagot ay pumunta siya sa mga kabayo. Sinabihan siya ng mga ito na huwag manganayo nang wala ang Prinsepw Belial. Hindi alam ni Mary Joy kung seseryosuhin niya ang mga ito o pagahalitan dahil sa pag-iinsulto sa kaniya. Bakit kailangang nariyan si Belial? May alam naman si Devlin sa mga kabayo!Sinubukan niya ring magpaturo ng paggamit sa iba pang sandata kay Heneral Onee pero narinig niya mu
Noong umugong ang usap-usapan patungkol sa imbestigasyong nagaganap ay saka naman dumating kay Mary Joy ang balita na mas lalo muling humigpit ang sitwasyon sa Danari Pass. Wala ng kahit na sino ang basta-bastang pinapapasok sa kanilang kaharian lalo na kapag walang papeles na dala. Nag-aalala na si Tee para sa kapakanan ng Kuya Apollo ni Devlin.Hindi sinayang ni Mary Joy ang pagkakataon upang takasan ang imbestigasyon na patuloy pa ring nangyayari. Kaagad siyang tumakbo sa opisina ng ministro upang humingi ng ilang araw para mabisita ang kanilang mansyon at magpunta ng Danari Pass.Personal siyang pinuntahan ni Belial upang sagutin ang kaniyang hiling gamit lamang ang dalawang malulupit na salita. “Hindi puwede.”Hindi naitago ni Mary Joy ang inis sa mukha ni Devlin. “Belial, ang kapatid ko ang namumuno sa gulo ng Danari Pass. Baka kung ano na ang na—”“Gagawin ko ang lahat upang manatiling ligtas ang kuya mo.” Ngumiti
TO WRECK A HOUSE OF PEARLS NARAMDAMAN kaagad ni Mary Joy na may kakaiba noong pagmulat niya. Sinubukan niyang silipin si Si upang itanong kung ano ang nangyayari. Sa tingin niya nagkaroon ng problema. Ngayon ay totohanan na. Dumilim ang paningin niya, saglit na naalarma bago napansing...nakapikit ang katawang kaniyang kinalalagyan.Nakapikit ito kahit na hindi dapat. Si Mary Joy na ang masusunod sa katawang ito. Siya ang magdadala, aarte at magpaplano nang naayon sa kaniyang kagustuhan. Hindi na siya aasa ngayon sa ugali ng karakter na kontrabida upang pumili ng solusyong naaayon sa pag-iisip at pag-uugali nito.Sa wakas ay na-unlock na niya ang restriksyong ito. Hindi na niya kailangang pigilan ang sarili na umarte ayon sa kaniyang kagustuhan.“Hay nako, Ana,” malamyang pinagalitan ng katawan ang sarili. Tinitigan ni Mary Joy kung paanong pumikit, magsalita at huminga ang katawan nang hindi niya inuutusan. Noong ibaba n