Share

THE WIFE'S TRAP
THE WIFE'S TRAP
Author: Luna

PROLOGUE

"Mavis anong ibig sabihin nito?!"

Masakit man ang ulo ay nagawa kong gumising at magmulat ng mata ng umalingaw-ngaw ang galit at striktang boses ni Tiya Ysabella.

Ilang segundo pa lang ay agad nang pumasok sa akin lahat ng pangyayaring kailanman hindi ko malilimutan. Napabalikwas ako ng bangon at sumalubong sa akin ang mangiyakngiyak at galit na mga mata ni Tiya Ysabella. Nanginginig ang kaniyang kamay habang papalit-palit ang tingin sa tabi ko at sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa lalaking nasa tabi at gano'n na lamang ang pagbuhos ng luha ko ng mapagtanto ang kaniyang nasaksihan. Nanginginig ang katawan na nilingon ko si Tiya Ysabella.

Nagmadali akong hinablot ang kumot para ibalot sa aking katawan at halos madapa-dapang umalis sa kama kung nasaan ang lalaking hindi pa rin makabawi sa nangyayari.

"T-Tiya! Tiya, I'm sorry! Sorry po! I'm really s-sorry," Nanginginig ang kamay na yumakap ako sa kaniya habang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ganito pala ang pakiramdam nito mas malala pa sa inaasahan ko.

"Pinalaki kitang maayos, Mavis! Paano mo nagawa sa 'kin 'to?! Saan ako nagkulang?! Hindi naman ako nagkulang ng pangaral sa 'yo hindi ba?! Ano bang nasa isip mo ha?!" Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko dahil alam ko sa sarili kong maling-mali ako, na maling-mali ang ginawa ko.

Humiwalay ako sa kaniya at umiiyak na kumapit sa kumot ng muntikan na 'yong mahulog. Wala akong masabi, hindi ko na magawang humingi nang tawad kahit sa isip ko'y patuloy akong nag s-sorry.

"Mavis," nilingon ko si Kiara. Ang kaibigan ko na nasisiguro kong nagdala kay Tiya rito. Umiiyak akong tumitig sa kaniya at marahan naman siyang umiling saka inalalayan si Tiya para matulungan ako. Akala ko'y sa'kin lang siya magagalit ngunit nabigla ako ng mabilis niyang harapin si Draven.

"Ikaw namang lalaki ka ha?! Anong ginawa mo sa pamangkin ko?! Ang kapal ng mukha mo!" shit! I must do something.

"T-Tiya 'wag!" Pigil ko ng akmang susugurin niya si Draven, na ngayon ay wala nang mababakas na emosyon sa mukha niya.

"Sabihin mo nga sa 'kin Mavis?! Pinilit ka ba ng lalaking 'yan?! Sabihin mo lang at magdedemanda ako!" Fuck! Hindi kasama sa plano na ito ang demandahan.

"T-Tiya, hindi po... hindi po namin alam kung anong—kung paanong h-humantong kami sa ganito... maniwala ka p-po!" Napasapo siya sa ulo na tila hindi na alam ang gagawin at dapat isipin.

"Ano nang mangyayari sa 'yo ha? D'yos ko naman Mavis nag-iisip ka ba ha?! Bakit hinayaan mong mangyari 'to?! Sa inyong dalawa ikaw ang dehado, anak naman? Matalino kang babae, pero bakit?!— Hindi na niya maituloy ang sasabihin ng tuluyan na siyang mapaiyak. Ang sakit makitang napaiyak ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

"Dalahin mo kami sa mga magulang mo." Baling ni Tiya kay Draven na kinagulat ko at gano'n din siya. "H-Ho?" Naguguluhang tanong ni Draven na hindi alam kung paano pakikitunguhan si Tiya.

"Hindi ko palalampasin ang pangyayaring 'to, no'ng panahon namin hindi pwede ang ganito! noon ay madikitan lang ang kamay ng babae, ipinapakasal na ng mga magulang! Kaya dalahin mo kami sa mga magulang mo dahil kailangan mong panagutan ang nangyari sa inyo ng pamangkin ko." Lumipat ang mga mata ni Draven sa akin at bakas ang galit sa klase ng tingin na binibigay niya.

"T-Tiya, that's t-too much, we can't force him." Napakasama ko ba para magppanggap na ayoko, kahit iyon naman talaga ang plano ko?

"No! Babae ka! At kahit sabihin natin na hindi ka niya pinilit, babae ka pa rin! Ikaw ang nawalan at hindi siya! Kaya kailangan ka niyang panagutan kung hindi magsasampa ako ng kaso laban sa kaniya."

"T-Tiya..." Mayaman si Draven, alam kong kahit sampahan namin siya ng kaso ay baka mabaliktad lamang nila ang sitwasyon at kami pa ang mapasama. Hindi rin pwedeng mangyari 'yon dahil baka magpa imbestiga sila at malaman ang hindi nila dapat malaman.

"Magbihis na kayong dalawa, maghihintay kami sa labas." Walang sabi-sabing lumabas ito at iniwan kami ni Drei. Kinakabahan ko siyang nilingon at kita ko ang galit sa mga mata niya ng magsalubong ang tingin namin.

"Bullshit! Alam mo ba kung anong gulo itong ginawa mo?!" Galit na singhal niya at inis na pinasadahan ng kaniyang daliri ang buhok niya.

"Look at you! For fuck's sake?! Sinong maniniwala sa pamilya kong nagawa kitang galawin ha?!" Nangilid ang luha ko sa nakakainsultong mga salitang ibinato niya sa akin.

"H-Hindi ko naman alam kung paano nangyari."

"Lahat maloloko mo, pero hindi ako Schneider! Alam kong may gusto ka sa 'kin, at alam kong pakana mo lahat ng 'to para matali tayong dalawa, hindi ba?!" may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa mga sinasabi niya. Umiiyak akong napailing at yumuko saka mahigpit na hinawakan ang kumot na nakabalot sa katawan ko. No! Hindi ko sinasadya 'to, if I only had more options, I wouldn't come up in this kind of situation. Hindi ako gano'ng klase nang babae.

"Fuck! Kung hindi ka lang babae!" He ruffles his hair out of frustration.

"Hindi ko 'to gustong mangyari maniwala k-ka..." bakit kasi sa dami ng lalaki Draven? Bakit ikaw pa?

"Bullshit! Hinding-hindi ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo Mavis, tandaan mo 'yan! Matali ka man sa 'kin hinding-hindi kita magagawang mahalin! At kahit anong mangyari hinding-hindi ko mamahalin ang isang mapagpanggap na babaeng katulad mo!" Iyon ang huling beses na sinabi niya bago pinulot ang mga damit at isa-isa iyong isinuot sa harapan ko. Nauna siyang lumabas kaya nanghihina akong napaupo at napaiyak.

Tiya Ysabella is disappointed in me. Draven hates me. Fuck! What have you done, Mavis? Hindi mo lang sinira ang buhay mo, sinira mo rin ang buhay ng mga taong mahal mo.

No matter what happens, I'll accept it because, after all, it was really my fault. The blame is on me, and I'll face it.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago binalik ang makapal na salamin. Naghilamos lang ako at nagmumog ng mouthwash bago pinusod ang buhok ko sa madalas nitong style. Naka-bun sa taas. Alam ko naman na isa ito sa nakakapagmukhang manang, masyadong mahaba ang buhok ko para ilugay, saka sabi sakin ni tiya mas malinis daw kasi itong tingnan.

Tinitigan ko lang ang sarili habang hindi pa nakakasuot ng damit pwera sa undergarments.

I can't believe I just did it.

This is your only choice. Do it to make him safe... or just let him live in danger without doing anything. I am telling you, Red. This is the best way.

Napailing ako sa alaala. If I had a choice rather than this, I wouldn't go for it. Draven hates me now. Muli kong sinuot ang long sleeve at pantalon bago lumabas. Naabutan ko si Draven na nakasandal sa padir ng hotel room na pinangyarihan ng isang gabing pagkakamali. Matalim ang titig nito sa sahig, at nang mapansing nakalabas na ako ay mabilis niya akong nilingon.

"Tell your Aunt, don't ever make a move that will ruin our name. You don't know what I can do, Mavis. "

Tumango na lang ako sa kaniya. Balewala siyang umiwas ng tingin at nauna ng bumaba. Pinunasan ko ang takas na luhang kumawala sa mga mata ko at sumunod sa kaniya. Naabutan namin si Tiya at Kiara na. Tulala si Tiya at halatang katatapos lang sa pagiyak. Pinapatahan ito ni kiara, na alam ko namang naging epektibo. Si Kiara ang kaisa isang kaibigan ko sa unibersidad na pinapasukan.

Pareho kaming BS Architecture ang kursong kinuha, naging magkaklase at magkatabi sa upuan.

"T-Tiya," hindi ako nilingon ni Tiya, kundi ay nilingon niya si Drei.

"Asan ang kotse mo? Do'n kami sasakay para masiguro naming hindi mo kami tatakasan." Tumango lamang ito kay Tiya na tila wala talagang balak na takasan kami.

"Sumunod ho kayo sa 'kin," Isa siguro sa nagustuhan ko kay Drei ay ang respeto niya sa nakakatanda sa kaniya kahit gaano siya kagalit, naroon pa rin ang respeto niya. Pinapasok niya kami sa kotse niya at tahimik na nagmaneho patungo sa kanilang bahay. Inaasahan ko nang malaki iyon ngunit namangha parin ako ng actual kong makita ang bahay nila.

Ang laki at napaka modern ng exterior design. I wonder if the interior design was as good as the exterior. Bumaba kami ng sandaling maiparada niya ang kotse sa harap ng kanilang bahay, sinalubong kami ng ilang katulong para igaya papasok.

Naabutan na namin ang parents ni Draven na nakaupo sa mamahalin nilang sofa at halatang nagaantay. Nasisiguro kong nasabi na ni Draven ang tungkol dito kaya agad na nangatog ang tuhod ko ng makita ang formality at authority sa mukha ng Daddy at mommy niya.

Draven's dad is the older version of him. Kuhang-kuha niya lahat ng features ng dad niya, siguro sa height ay sa pareho niya nakuha dahil matangkad din ang mommy niya. Siguro ang nakuha niya lang sa mommy niya ay 'yong makapal na pilik na medyo curvy at kulay deep brown na mga mata saka ang kaputian nito.

"Good morning. I'm Reida Monticello," pagpapakilala ng mom ni Drei kay Tiya.

"Ysabella Cabrera," nakipagkamay ito kay tiya at lumipat ang tingin nito sa 'kin bago nilingon si Drei.

"This is so disappointing, Draven Reil. I told you to stop playing with girls, right?" panenermon ng mommy niya. Habang nanatili namang tahimik ang dad niya.

"Calm down, Reida."

"How will I calm down, Drave? Masyado mo kasing kinokonsenti 'yang anak mo kaya kung anong magustuhang gawin ginagawa! Draven! Kailan ka ba magtitino? You're soon to be one of our engineers! And sooner or later, you'll handle our business! Pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nag m-mature! Until when do you plan to disappoint us?"

"Mom..." Napasapo ang mommy niya sa kunsumisyon kaya napayuko nalang ako at napakagat sa sariling labi.

"What's your name, hija?" Napaangat ang tingin ko sa mommy ni Drei nang magtanong ito.

"Maria Vienna Schneider po, Mavis na lang."

"Nag-aaral ka pa ng college?" Tumango ako.

"Anong course mo?"

"Bs in Architecture po sa Dastan University."

"I see."

"Mawalang galang na sa inyo, pero gusto ko na sanang pagusapan ang mangyayari sa pamangkin ko."

"Yeah, kami rin. Gusto rin namin mag-sorry, para sa anak namin. Alam namin na gago ang isang 'yan kaya napagdesisyonan namin na para matuto 'yan ng leksyon at magtino...we want them to get married," Napaangat ang tingin ko at napaawang ang labi. Napaayos ng upo si Draven.

"If that's okay with you, and with Mavis," Sabat ng dad ni Drei.

"Dad?! Mom?! What the hell?"

"You have no say about this, Drei. Shut up."

"Kung sa 'kin ay mas mabuting desisyon 'yan," Sang-ayon ni tiya na kinalumo ko.

"Then it's a deal! Wala na tayong problema about this matter right? Welcome to the family, Mavis. The wedding will be next week, kasi aalis kami ng bansa sa ikatlong linggo kaya kailangan nating maipakasal sila agad bago kami umalis, " Napalingon ako sa mommy ni Drei at nakangiti ito sa akin. Siniko ako ni Tiya kaya wala akong magawa kundi bahagyang ngumiti at mag-bow.

That is exactly what I expected.

I am going to be Draven's wife.

Nang aksidente kong lingunin si Drei ay gano'n na lang ang kaba ko ng napakatalim ng tingin niya sa 'kin.

"Remember, Red, when the plan works out, you have to stick with it until the end. Your marriage isn't forever, and when he's finally safe, you have to let him go."

Luna

Hello po! Maraming maraming salamat sa pagsuporta sa mga stories ko rito sa Goodnovel.

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
i love ur story po sana myron pa tglog lng po please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status