TRANSLATION ONLY... O que você ouvio? (What did you hear?) Nada. (Nothing) só você ama papai… (just you love Papa…) Mas quen é esse alguém? (But who is that someone?)
TRACEMonths goes by na naging normal naman. Hindi ko na nakikita si Louisianna na pumupunta dito sa bahay kaya ako na lang ang sumasadya sumama kay Papa kapag wala akong pasok para makita ko siya. Minsan sinasama ako pero kadalasan hindi dahil sabi ni Papa ay busy siya. Hindi na ako nangungulit kay Papa kasi alam ko na marami siyang iniinttindi sa lugar namin.Bihira sila mag-away ni Mama kasi bihira na lang silang magkita. Kakatapos lang din ng 4th grading exam namin kaya pabakasyon na naman kami sa Sta. Monica. Ayaw ko sana sumama pero hindi ko naman matanggihan si Mama at magagalit iyon.Mama wants na kapag bakasyon ay doon kami kina Tita Mommy. Alam ko naman bakit doon gusto ni Mama, kasi kapag sa orphanage siya at nakakakita ng mga ulilang bata ay naiisip niya raw na maswerte pa rin siya… iyon ang narinig ko na sabi niya kay Tita Mommy, na mas gusto niya ubusin ang panahon niya sa pagtulong sa mga madre sa orphanage kaysa ang sumama kay Papa at magpakaplastik.Pero kagabi… ay
Sta. Monica City, Salvacion TRACE “Trace!” malakas na tawag sa akin ni Logan. Logan is already eight and starting to act like me. Hindi na siya iyakin. Nakakatuwa na siya sa tingin ko at paborito ko siya. Sana pwede ko ipalit si Paige sa kaniya, maarte kasi iyon. Pero s’yempre hindi pwede, hindi papayag ang daddy ni Logan at nag-iisang anak lang siya. Ang boring… ang boring ng buhay namin. Si Logan nag-iisang anak. Ako na isa lang ang kapatid na kasama, ang arte-arte pa. Kumusta naman kaya ang kapatid ko kay Mela. May iba pa akong pinsan na lalaki, sa side ni Mama, kapag sa Brazil kami ay nakakalaro ko si Atlas, ang anak ng kakambal ni Mama na si Tito Anton. May kapatid si Atlas, kambal niya rin, si Althea, pero nasa mama nila. Hiwalay magulang nila at masaya naman sila. Mas okay nga siguro ang gano’n kaysa kagaya nina Mama at Papa na lagi nag-aaway. “Trace, tulong!” sigaw na ni Logan at nagtaka ako bakit siya nakikipag-away sa isang bata. Itinulak ng bata na marungis si Loga
2006TRACEEl Tierra City, Salvacion & Baguio CityOctober 7 to 8, 2006Nakatitig ako sa football field ng Sport's Complex dito sa lugar namin. Nandoon ako kasi nagkayayaan ang mga kaklase ko. Ayaw ko sana pero mas ayaw ko rin umuwi sa bahay na hindi naman masaya do'n. Pagdating sa bahay ay magkukulong lang ako sa kwarto kaya mabuti na gumala na lang muna ako."Buti nakapasok ka na..." Analia said that disturbed my thoughts. Tumabi siya sa akin."Kaya nga," I smiled awkwardly. Kahit nga ako ay gusto kong isipin na mabuti na lang nakapasok na ako ulit sa school.Siguro kung hindi lang governor si Papa ay baka matagal na akong natigil sa pag-aaral sa gawa ni Mama. Fourteen na ako at third year high school na, two months to go at fifteen na ako. Two school years na lang at college na ako, at sa Manila na ako mag-aaral. Ayoko na rito sa Salvacion at nakakasawa na ang away ng mga magulang ko.Ang pinakamahirap kasi sa kalagayan ko ay ang magpanggap na okay lang ako. Kunwari okay lang kahit
TRACENapatitig ako sa magandang bata na nasa harap ko. She is so pretty na nakatingala lang sa akin. I smiled at her pero nakasimangot lang siyang nakatingin sa akin. Her pouty lips were pink and her dark blue eyes ay masama ang tingin sa akin. Napatingin din siya kay Loui na noong ngitian siya ay mabilis niyang ibinalik ang tingiin niya sa akin. But no… hindi pala siya nakasimangot. Kinikilala niya lang kami.Pero kaninong anak ito? Tinanaw ko ang paligid pero mukhang wala naman akong nakikitang naghahanap sa kaniya.Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. The girl looks like seven years old, parang kaedaran lang ni Paige but her eyes na kanina pa ako napapatitig ay iba ang dating sa akin. Para lang siyang galing sa ibang mundo na ngayon ay hini-hypnotize ako. Mestiza siya. Her eyes have thick and long eyelashes. Her hair was reddish brown. Mas mukha siyang manika kaysa totoong bata.She's cute. No! She's not that cute... she's beautiful. At hindi ko alam bakit cute at maganda
El Tierra City, SalvacionDecember 8, 2006TRACE"Happy birthday, hijo."I smiled to Tita Mommy na nakarating na pala. My eyes look for Mama and Paige pero hindi nila kasama ni Tito Daddy.Masaya ako ngayon. Sa loob ng two months after namin manggaling sa Baguio, na inilihim namin ni Papa kay Mama, ay naging okay ang relasyon nila. Hindi ko alam, but Papa made his way para maging okay na sila ni Mama. Siguro nasabi ni Papa na wala na ang anak nila ni Mela kaya hindi na galit si Mama sa kaniya. I have no idea pero baka iyon nga.Naging happy na ulit kami at hindi na nag-aaway ang mga magulang ko. Noong birthday ni Paige ay ang saya-saya nga namin kasi kahit paano ay sinisikap nila pareho na maging maayos na sila."Trace!" bati ni Logan sa akin na biglang sumulpot mula sa likod nila Tita Mommy at Tito Daddy."Hey, d'yan ka pala." I grinned. Logan was already ten."Ang sabi ng mama mo ay mauna na kami at susunod lang sila ni Paige. Baka mamaya ay nand'yan na sila," Tita Mommy informed me
TRACENalilito na ako kung ano ang iisipin dahil sa sinabi ni Loui sa akin. Nang lumapit si Papa at sinenyasan ako na sumama sa kaniya ay tinalikuran ko na si Loui at sumunod na ako sa ama ko."Pa?""Let's go!" Papa said at mabilis na akong sumunod. Hindi ko na nilingon pa si Loui kung sumunod din ba siya. Ang nasa isip ko ay ang takot kung ano ang nangyari kina Mama at Paige."Pa? Naaksidente raw si Mama?" tanong ko kay Papa na nagda-drive ng sasakyan. Kaming dalawa lang ang magkasama at hindi ko alam kung sinusundan ba kami ng mga bodyguards niya. Para siyang walang pakialam na sa lahat.Hindi siya sumasagot at tanging paggalaw ng panga niya ang napapansin ko. He's angry but he's regretful, that is all I can see in his face."Papa...""Mamaya na, Trace. Nagda-drive pa ako," nanginginig ang boses na sabi niya. I think he wants to cry.Hindi na ako nagsalita. Kinabahan na ako lalo.Nakarating na kami sa ospital at tumatakbo na si Papa, tumatakbo na rin ako para sundan siya. We ended i
El Tierra CityMarch 23, 2007TRACEMalapit na ang four months mula nang mamatay si Mama. Malapit na ang four months na parang wala na rin kaming ama. Gabi-gabi nakainom si Papa. Nagluluksa. Nagsisisi. Nakatingin sa malayo. Nag-iisa sa study at kinakausap ang larawan ni Mama. Hindi na matino kausap si Papa at lagi siyang wala sa bahay maghapon, kapag umuwi na sa gabi ay lasing na at doon na matutulog sa study niya. Halos hindi na niya kami mapansin ni Paige. Sina Yaya Cora at Mang Damian na lang ang nag-aasikaso sa aming magkapatid. We were young, we were mourning too… we needed attention but Papa couldn’t give us any of his time because he wanted to mourn Mama by himself alone. Nalimutan niya na yata na kailangan din namin siya. Nalimutan niya na may mga anak siyang naiwanan ng kanilang ina.“Uuwi na ba tayo?” Napatingin ako kay Mang Damian na nagtatanong. Nasa loob na kasi ako ng kotse pero hindi ako umiimik. I haven’t told him kung saan pa kami pupunta.“Sige po,” sagot ko sa ta
Sta. Monica CityMarch 28, 2007TRACEI was in deep thoughts while strolling in the crowded street of Sta. Monica. Wala ang atensyon ko sa paligid, gusto ko lang maglakad-lakad. After what I saw that afternoon ay kinabukasan nagpaalam ako kay Papa na sa Sta. Monica muna kami ni Paige. He just nodded at umalis na agad ng bahay, mabi-busy raw siya sa kampanya kaya bahala na muna raw ako kung doon muna kami ni Paige kina Tita Mommy. Ni hindi na nga niya kami tinanong kung ano pa ang ibang kailangan naming magkapatid. Kahit ang paghalik sa noo ni Paige na lagi niyang ginagawa ay nakalimutan na niya, nagmamadali na lang siyang umalis.Gusto kong sabihan siya na binabalewala niya kami dahil sa babae niya pero hindi ko magawa. Hindi naman ako lumaking pasaway na anak. I always followed him and Mama. Kahit masakit sa akin isipin na ang babae niya ang dahilan ng kamatayan ni Mama ay wala na akong magagawa dahil siya mismo ay nagpapaloko.I planned to talk to Tita Mommy about the situation of