READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romance🖤 (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️[Yuri]Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Yuri ng magising siya. Hinawakan niya ang kanyang ulo at mahina itong pinukpok gamit ang kanyang kamao.Panaginip...Isang malabo at paulit-ulit na panaginip.Pinahid niya ang luha sa pisngi. Tama nga siya— Lumuluha siya. Sa tuwing nananaginip siya ng mga malalabong pangyayaring iyon ay lumuluha siya. Minsan naiisip niya kung bakit paulit-ulit niya iyong napapanaginipan na tila parte ito ng kanyang pagkatao."Ay yawa!" Mabilis na bumangon siya nang makitang malapit na siyang mahuli sa klase. Mabilis siyang naligo at kumain nang almusal."Naku po!" Bulalas niya nang makita si Virvin na palapit sa kanya— O mas tamang sabihin na padaan sa pwesto niya.Agad niyang inayos ang kanyang buhok, tiningnan rin niya sa salamin ang kanyang mata para tiyakin na wala siyang muta at panis na laway sa oras na humarap siya rito. Ligong aso lang kasi ang ginawa niya— mabilisan dahil mali-late na siya."Good morning, Virvin. Ang aga mo yatang gumising ngayon." Bati niya habang nakangiti rito nang matamis.Muntik nang tumulo ang laway niya habang nakatitig kay Virvin. Ang swerte at ang ganda nang bungad ng araw na ito sa kanya. Bukod sa nasilayan niya ang gwapong long-time-crush niyang si Virvin ay nagpadala na rin ng allowance sa kanya ang sponsor niya sa kanyang pag aaral.Katulad nang dati— Hindi man lang siya pinansin ni Virvin. Dinaanan lang siya nito na parang isang hangin."Hoy, Yuri! Aba'y kanina pa kita kinakausap pero parang nakikipag usap ako sa hangin. Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ko?" Malakas na talak ni aling Maryang, ang may-ari ng inuupahan niyang apartment. "Bayaran mo na ako ngayon din dahil kailangan ko ng dagdag para sa tuition ni Manilyn. Tukoy nito sa anak. "Huwag ka nang mag aksaya ng oras para pangarapin si Virvin dahil hindi ka papatulan niyan!"Napakamot siya sa ulo. "Grabe ka naman, aling Maryang. Wala namang masama na mangarap. Saka maganda naman ako kaya malay natin bigla na lang akong mahalin ni Virvin."Umiling-iling na lamang ito sa sinabi niya. "Oh siya, bahala ka na. Basta ako ay nagsasabi lamang ng totoo. Hindi ka magugustuhan ng binatang iyon dahil hindi siya mahilig sa morena. Nakita mo naman ang mga naging nobya niya, halos mapuputi lahat."Ibang klase din 'tong si Aling Maryang— Mapanampal nang katotohanan.Napalabi siya. Nang mapansin nang matanda na nasaktan siya sa sinabi nito ay tinapik siya nito sa braso. Mabait si aling Maryang sa totoo lang. Malakas at maingay lang ang bibig nito pero hindi ito masamang tao, o masungit na landlady. Sa katunayan ay madali itong mapakiusapan, o mahingian ng tulong kung kinakailangan. Iyon nga lang ay prangka talaga ito at sasabihin kung anuman ang nasa isip."Yuri, sinasabi ko ito hindi para sa akin kundi para sa'yo. Saka may bali-balita na mayro'ng hindi magandang gawain ang lalaking iyan." Lumapit sa kanya ang matanda at bumulong. "Ang sabi pa ng ilang kapitbahay natin ay nagtutulak ng droga si Virvin."Napailing na lamang siya sa sinabi ng matanda. "Aling Maryang, masama po ang magbintang. Bawasan niyo po ang pagiging judgmental. Saka sino ang nagsabi niyan? Sila Apeng? Wag kang makinig sa mga iyon. Naninira lang ang mga 'yon." Aniya.Si Apeng ay isa sa binatang binasted niya rito sa kanilang lugar. Maliban kay Virvin ay alam ng lahat nang tagarito sa kanilang lugar ang nararamdaman niya para sa binata, at hindi iyon matanggap ni Apeng. Kaya sinisiraan na lamang nito si Virvin.Mabuting lalaki si Virvin. Iyon ang pagkakakilala niya rito. Nakikita niya ito palagi na nag aabot nang tulong sa mga kabataan na nagpupunta sa bahay nito. Madalas groceries at pera ang nakikita niyang ibinibigay nito. Kaya wala ng ibang lalaki ang nakakuha ng kanyang pansin dahil nasa binata lamang nakatuon ang kanyang tingin— kay Virvin lamang at wala ng iba pa. Bata pa lamang siya ay gustong-gusto na niya ang binata at hindi nagbago ang nararamdaman niya para rito. Kaya ayaw niyang umalis at lumipat nang apartment, eh. Ayaw niya kasi na malayo kay Virvin.Ngayong araw ay magkikita sila nila Vera, Nikka, at Pamela— Mga kaibigan niya ang mga ito.Twenty years old na siya. Ulila at mahirap. Pero dahil sa mga kaibigan niya ay hindi niya ramdam na nag iisa siya. Kasama at karamay niya ito sa lahat ng kanyang pinagdaraanan.Labing apat na taon na siyang nag-iisa. Hanggang ngayon ay tanging malabong alaala na lamang ang mayro'ng naiwan sa kanyang utak. Mabuti na lang at may mabuting loob na tumutulong sa kanya na sagutin lahat nang pangangailangan niya hanggang sa magdalaga siya. Kaya hindi siya nahirapan sa mga gastuhin.Bayad sa upa, kuryente, tubig, at budget sa pagkain, lahat ng mga 'yan ay sagot ng taong tumutulong sa kanya ng palihim.Kung sino man ang taong 'yon ay labis siyang nagpapasalamat rito. Paano na lang siya kung wala ang suporta nito? Baka bata pa lang siya ay namatay na siya sa gutom.Mapait siyang ngumiti ng maalala ang mga pangalan sa kanyang panaginip.Hanggang pangalan na lamang ang kanyang natatandaan. Ang mukha ng mga taong iyon ay hindi malinaw...Kuya...Totoo kaya na may mga kapatid siya?Kung totoo man, bakit iniwan siya ng mga ito nang nag iisa?Bumuga siya ng hangin at saka tumingin sa kulay asul na kalangitan. "Bakit ko ba iniisip pa ang mga bagay na hindi na kailangan alalahanin pa?"'Tama, Yuri. Huwag mo nang isipin ang mga bagay na dapat ng ibaon sa limot' Ani ng kanyang isip. Ang makapagtapos sa pag aaral at kung paano mapapansin at makukuha ang pag ibig ni Virvin ang dapat niyang isipin ngayon at wala ng iba pa.****"Loka! Bakit mo naman niyaya 'yong tao? Alam mo naman na may asawa na 'yon!" Ngali-ngaling kutusan niya si Vera.Paano niyaya si Pamela, eh kakakasal lang nito. Saka hindi mahilig ang kaibigan nila sa gimik katulad nito. Nakakapagtaka nga na pumayag ito na sumama sa kanila, samantalang noon ay palagi itong tumatanggi."Yuri, let her enjoy—""Enjoy?!" Nanlalaki ang butas nang ilong na angil niya. "Kilala mo naman ang asawa niya, di'ba? Si Alaric Martin 'yon, gağa! Hindi mo ba narinig ang bali-balita tungkol sa kanya. Nakakatakot daw 'yon!" Mahina ang boses na bulong niya.Umakbay si Nikka sa kanya. "Baka tsismis lang 'yon, ano ka ba.""Yeah, Nikka is right. Masyado kang mapaniwala sa mga tsismis na 'yan. Saka wag kang mag alala dahil nabanggit ni Pamela na wala naman sa Pilipinas ngayon ang asawa niya. Isa lang ang ibig sabihin no'n." Malanding ngumisi ang kaibigan niya. "Makakapag-enjoy tayo! Woahhh!!!!"Napangiti nalang siya habang napapailing. Ano pa nga ba ang magagawa niya. Mag eenjoy nalang sila!READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romance🖤 (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️[Yuri]Pinigilan niya ang mapangiwi habang suot ang tube green cocktail dress na pilit na pinasuot sa kanya ni Vera. Hindi umabot sa kalahati nang kanyang hita ang suot niya. Pakiramdam tuloy niya ay pasok na pasok ang hangin hanggang sa singit niya."Yawa, ang pait!" Nalukot ang mukha niya ng husto sa pait nang alak na tinungga niya. Nagtawanan ang mga kaibigan niya nang marinig ang reklamo niya.Hindi ito ang unang beses na sumama siya kina Vera at Nikka sa ganitong lugar. Pero hindi naman siya mahilig uminom. Sumasama lang naman siya sa mga ito para hindi siya mabagot at para mabawasan na rin
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romance🖤 (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️[Yuri]Napailing nalang siya habang napapailing. Paranoid na naman siya. Simula nang umattend siya sa kasal ni Pamela ay ganito na palagi ang pakiramdam niya. Hindi kaya dahil umuulan nang pogi no'ng time na 'yon? Sinaid niya ang laman nang hawak niyang baso. Hindi siya nakontento at nagtawag pa nang waiter, this time ay hard ang pinili niyang inumin at saka uminom nang uminom."Ang tahimik mo d'yan, ah." Umupo si Nikka sa tabi niya na kararating lang. Bahagya pa siya nitong binangga sa balikat. "Do'n tayo sa grupo nila Ken. Tara, let's enjoy the night." "Ikaw nalang, dito nalang muna ako." Nag
[Yuri]"Wew!" Sumipol si Wilson nang makita siya. "You looked so beautiful!" Puno nang paghangang dugtong nito.Inikutan niya ito nang mata. "Alam ko, pero hindi mo 'ko madadala sa paganyan mo, noh!" Kilala itong tirador ng mga babae sa university nila. Hindi pa nga hiwalay sa iba aba may bago agad.Babaerong hindi naman kagwapuhan.Natawa ito sa sinabi niya. "Kaya wala kang boyfriend. Ang suplada mo kasi." Pangbubuska ng lalaki."Mas mabuti na ang walang boyfriend, kaysa naman magkakanobyo nga ako, kamukha at kaugali mo naman. NO THANKS!" Aniya saka ito tinalikuran. Narinig pa niya ang malakas nitong tawa kaya pikon na pikon siya.Nasaan na ba kasi ang mga kaibigan niya? Nawala na naman? Ganito nalang palagi kapag nasa party sila.Mahina siyang napadaíng nang tumama ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki. "Anak ng! Ang laki-laki mo tapos nakaharang ka sa daan—" Natigil siya sa pagdakdak nang pag angat niya nang mukha ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Red— Ang lalaki sa bar!"A-Ay,
[Yuri]Para siyang baliw na tumatawa habang nakatingin sa bote ng gayuma na binili niya. Desperada na siya— Gagamitan niya ng ganito si Virvin. Gusto niya bago siya maka-graduate ngayon taon ay magnobyo na sila. Tapos kasal na ang sunod!"Tingnan ko nalang kung hindi mo ako mapansin." Natigil siya sa paghalakhak ng makarinig ng katok. Tumingin siya sa relong nasa bisig— Alas onse na nang gabi. Siguradong si Aling Maryang ito. Baka mangungutang.Sumilip muna siya sa maliit na butas ng pinto niya bago magbukas. Maganda na ang sigurado. Marami pa naman masasamang loob sa panahon ngayon.Nanlaki ang mata niya nang makitang hindi ito si Aling Maryang, kundi si Red!Yawa! Paano nito nalaman ang bahay niya? Saka bakit nandito ito? May kailangan ba 'to?Sumandal siya sa pinto at hindi nagsalita. Tiis lang, siguradong aalis din naman ito— Napangiwi siya. Hindi lang ang katawan niya ang naalog sa lalong paglakas ng katok nito, maging ang utak niya.Galit na binuksan niya ang pinto. "Ano ba?! G
[Yuri]"Yuri, pwede ba umupo ka nga. Kanina pa ako nahihilo sa kakalad mo, eh!" Reklamo ni Nikka."Ano ba kasi ang problema mo at kanina ka pa hindi mapakali?" Tanong naman ni Pamela.Mahinang natawa si Vera. "It's obvious, guys. It's about Virvin."Nang mangalay ay umupo na siya. Narito sila ngayon sa isang coffe shop— At syempre, libre silang lahat ni Vera."Ganito kasi 'yon, guys." Nilabas niya ang boteng nasa bag. "Bumili ako nito sa Quiapo. Ang sabi sa akin nang 'matandang nagbebenta nito 'epektib daw 'to." Kinuha ni Nikka ang boteng hawak niya. Nanlaki ang mata nito nang mabasa ang nakalagay rito."Gayuma?!" Hindi makapaniwalang pakli pa ni Nikka."What?" Maging si Vera at Pamela ay nakiusyoso na. "The heck, Yuri. Naniniwala ka sa ganitong bagay?" Anito sabay tawa nang mahina.Hanggang sa sabay-sabay na nagsitawa ang tatlo na para bang nababaliw na siya."Akin na nga 'yan!" Inagaw niya ang bote pabalik."Seriously, Yuri... Don't tell me may balak ka talagang gamitin 'yan kay Virv
[Yuri]Nangingitim ang ilalim ng mata niya habang nakatingin sa bote nang gayumang hawak niya. Hindi na niya nakita pa si Virvin simula ng subukan niyang magtapat. Mukhang iniwasan na siya nito.Ang saklap naman ng nangyari sa kanya— Kung kailan handa na siya saka pa siya nito iniwasan."Yuri, cheer up, okay. May susunod na araw pa naman." Pagpapalakas ni Pamela ng loob niya.Umiling-iling si Nikka at naaawang tumingin sa kanya. "Iniwasan siya ni Virvin, Pamela. It's mean, he knew about Yuri's feeling and he doesn't want to hear anything about it.""Nikka is right." Segunda ni Vera. "Hindi ka iiwasan ni Virvin kung gusto ka niya."Mas lalo siyang nanlumo sa narinig.Ngumisi si Vera at nginuso ang hawak niyang bote. "Gamitin mo na ang alas mo. Ang plan B!" Sinamaan niya ito ng tingin. "No'ng nakaraan lang tinawanan niyo pa ako, tapos ngayon susulsulan niyo ako na gamitin 'to." Magulo din talaga paminsan-minsan ang utak nito, e."May choice ka pa bang iba?" Nang umiling siya ay parang t
[Yuri]Inabot din nang tatlong araw si Virvin sa hospital. Grabe ang pag aalala niya. Mabuti nalang at naisugod agad ito sa hospital. Pina-test niya ang gayumang inilagay nila sa pagkain ni Virvin pero hindi naman ito nakalalason ayon sa doktor. Mabuti nalang at ligtas na ito, iyon ang importante."Salamat sa pagbisita, Yuri. I really appreciate it." Natigil siya sa pagbalat ng mansanas at hindi makapaniwalang tumingin sa binata. K-Kinakausap siya nito?"Humihingi ako ng pasensya sa kagaspangan ng ugali ko sayo minsan." Ani pa nito.Anong minsan— Madalas kaya.Natigilan siya— Tama ba ang narinig niya? Humihingi ito ng pasensya? Mahina itong natawa nang mapansin ang reaskyon niya."Nahihiya lang naman kasi akong kausapin ka.... M-Masyado ka kasing maganda.""O-Ouch!" D***g niya nang masugatan ang kamay niya."Yuri," Hinawakan nito ang kamay niya at saka hinipan ang maliit na sugat niya sa kamay. "Mag ingat ka kasi."Tila nakakita siya nang sungay habang nakatingin kay Virvin. Nakangang
[Yuri]“Congrats sa kaibigan namin na malapit nang magkajowa!!!” Malakas at sabay-sabay na congratulate sa kanya nang tatlo niyang kaibigan habang taas ang kanya-kanyang hawak na ice coffee.Ngiting-ngiti na sumimsim siya ng hawak na coffe. Sa laki nang ngiti niya daig pa niya ang nanalo sa lotto. May isang linggo na rin kasi silang nagdi-date ni Virvin. Araw-araw siya nitong hinahatid-sundo sa university kaya araw-araw ay parang lutang din siya sa sobrang tuwa. Dahil din dito natigil na ang tsismis tungkol sa kanya at kay Red.Mabuti nalang din at hindi na siya ginugulo ng lalaking ‘yon. Naging payapa at tahimik na rin ang gabi niya. Hindi na rin siya binabangungot dahil sa nakakatakot nitong awra. “I’m happy for you, Yuri. Sana all nila-love back ng taong mahal nila.” May halong pag-e-emote ni Nikka.Nginuso ni Vera si Pamela na ngayon ay hindi na mapakali habang hawak ang cellphone. Mukhang binabasa nito ang messager ng asawa. Hindi nagtagal ay tumayo na ito. “Guys, I have to go. C