Share

12. TWH

[Pamela]

HINDI niya mapigilan ang ngumiti habang magkahawak kamay sila ni Alaric na bumalik sa loob. Nakilala niya ng personal ang lahat ng mga kaibigan ng asawa niya na sina Zandro, Liam, Tres, Nicholas, Miguel, Jack and Wendell, sina Damon at Red lang ang hindi niya nakita.

Nakita niya ang panunukso sa mata ni Vera sa kanya mula sa kalayuan kaya lalong lumaki ang ngiti niya.

Shocks! Nadala na naman siya!

Nalukot ang mukha niya ng lumapit sa kanila ang babae na kausap kanina ni Alaric.

Nakita pa niya na bumulong ito sa asawa niya, kaya lalo lang siya nainis. Parang naghahamon pa ang malaki nitong hinaharap sa kanya.

Gustong-gusto niya na hilahin palayo ang asawa niya, kaso baka magmukha lang siyang katawa-tawa.

"Pam, meet my cousin Kyla."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Alaric. Pinsan daw?! Shocks! Pinagselosan niya ang pinsan ng asawa niya!

Nakangisi na b****o sa kanya ang babae at saka bumulong. "Selos yarn?"

Pinamulahan siya ng mukha. "H-Halata ba?"

Mahinang natawa ang babae
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leslie Banderlipe Reyla
nkakakilig nmn... tomorrow uli
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status