Share

Chapter Seven: Ang Espesyal Na Bisita

"Puwede ko bang malaman ang tungkol sa iyong mga magulang? Ikuwento mo naman sa akin ang tungkol sa kabataan mo, at iba pang mga bagay tungkol sa pamilya mo..." ang interesadong tanong ni Clarissa.

"Marami akong puwedeng ikuwento sa'yo, Clarissa. Hindi normal ang lumaki sa Isang pamilya na nabibilang sa mafia, at gumagawa ng mga ilegal na bagay. Pero ginampaban ng aking ama ang kanyang pagiging tatay. Lumalabas kami every weekends. Binibigay niya ang lahat ng gusto ko..." ang pagsasalaysay ni Michele.

"Napakaganda naman ng mga memories mo sa tatay mo noong bata ka." ang turan ni Clarissa.

"I think so, too. You see, I had a simple, normal and loving family, but everything has changed when my father joined a Mafia organized group, and when he finally became the head of "La Famiglia" which is infamously known as ang "Godfather." ipinagpatuloy ni Michele ang pagsasalaysay ng background ng kanyang pamilya. 

"Nasubukan mo na bang kausapin ang iyong ama at ina?"

Tumango si Michele bago siya muling nagsalita. 

"Oo, ginawa ko na. Maraming beses. Pero hindi ako pinakinggan ni Papa. Gusto pa rin niya akong maging leader ng La Famiglia. At gagawin niya ang lahat at ang lahat ng kanyang makakaya upang matupad ang kanyang pangarap. At kaya naman nag-aalala ako sayo. Pero ipinapangako kong poprotektahan kita mula sa aking ama sa anumang paraan na magagawa ko." seryosong saad ni Michele, habang hinahalikan niya ang noo ni Clarissa. 

"Ama mo pa rin siya, Michele. Naniniwala pa rin ako sa kasabihang "blood is thicker than water." ang sambit naman ni Clarissa.

"Pero iba ang kaso ng pamilya ko. Anyway, let's stop talking about this, okay? I want you to look ahead, I have a surprise for you." agad namang iniba ni Michele ang topic dahil ayaw niyang masira ang mood at date nila. 

Tumingin sa may malayo si Clarissa, at agad niyang nakita ang isang at bonfire at isang mesa na may ilang mga bulaklak at kandila. May isang mahabang mesa din na may iba't ibang lalagyan ng pagkain, at nakita niya ang isang lalaki na may hawak na violin... 

Napangiti si Clarissa when she realized na 

naghanda si Michele ng isang espesyal at romantic dinner date para sa kanya. 

"Oh, Michele! How could you be so romantic?"

"I'm so glad nagustuhan mo, sweetheart. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka... Lagi." magiliw na tinitigan ni Michele si Clarissa. 

Magkahawak kamay na nagsimulang maglakad ang dalawa patungo doon. They are both looking forward for a very romantic date this evening...

===============================

Inihinto ni Celeste ang kanyang Audi sa isang malayo at tagong lugar. Ito ang lugar kung saan makikipagkita siya sa private investigator na kinuha niya para mag-background check sa bagong babae ni Michele Montserrat. 

Bumaba siya sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa isang lalaking naninigarilyo.

"Did you do a complete background check?" ang seryoso at pormal na tanong ni Celeste.

"Yes, Madam Celeste. This folder has got all the information that you're looking for." sagot ng private investigator.

"Good. Here's what we agreed on. And don't you dare tell anyone that I asked for your services. Just keep your mouth shut or else ang walang buhay mong katawan ay lumulutang na sa kung saang dagat dito sa Pilipinas." ang pagbabanta ni Celeste.

Napangiti ang Private Investigator nang ibigay ni Celeste ang makapal na sobre na puno ng pera.

"Crystal clear, Madam. It was nice doing business with you at hindi na tayo magkikita pa." ang responde nito.

Matapos ang naging meeting ni Celeste ay agad na niyang binuksan ang folder file.

Nalaman niyang lumaki si Clarissa sa isang ampunan, na hindi man lang nakilala ang kanyang ama at ina. Nagsumikap siya sa pamamagitan ng pagtatarabaho at pag-aaral ng sabay.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Clarissa sa isang convenience store at doon sila nagkakilala ni Michele.

At tulad ng isang sappy, old romance movie, si Michele ay tuluyan nang na-in love kay Clarissa.

But she's Celeste Vitale, at ang "pagsuko" ay wala sa kanyang bokabularyo. Kailangan niyang gumawa ng plano bago niya kausapin si Clarissa. Kailangan niyang kumbinsihin ang babae na layuan na si Michele...

=================================

 May isang magara at mamahaling sasakyan ang huminto sa tapat ng isang convenience store...

Michael Montserrat smoothly steps out from the vehicle and stared at the convenience store.

"Are you sure that this is the location?" he seriously asked his bodyguard-slash-driver.

"Yes, Big Boss. Dito po nagtatrabaho ang taong pinapahanap ninyo." ang agad na sagot nito.

"Tara na at ayokong magsayang pa ng oras." ang utos ng matandang Don.

Pumasok na sila sa loob ng convenience store, at agad nilang nakita ang babaeng hinahanap nila...

"Welcome to 24/7 Convenience store---!" hindi na natapos ni Clarissa ang kanyang pagbati nang makilala niya ang tatay ni Michele, the Godfather of the La Famiglia, Michael Montserrat.

"G-Good evening, sir. Ano po maipaglilingkod ko sa inyo?" ang magalang na bati ni Clarissa.

"I came here to talk to you." Michael started.

"Wala pong problema, Sir. Puwede po tayong mag-usap sa labas." ang tumatangong sabi ni Clarissa.

Makalipas ang ilang sandali ay nag-uusap na sina Clarissa at Don Michael.

"Dideretsuhin na kita, iha. Gusto kong putulin ang relasyon mo sa aking anak sa lalong madaling panahon. At huwag ka nang magpapakita sa pamilya namin." ang agad na pahayag ng matanda.

Pinakalma muna ni Clarissa ang kanyang sarili bago siya muling nagsalita.

"Ipagpaumanhin po ninyo, Sir, pero hindi ko po magagawa iyon. Minamahal ko po ng tapat at totoo si Michele." ang magalang na sagot ni Clarissa.

"I didn't expect you to be a tough nut to crack. But anyway, how about this? Isulat mo ang presyo na gusto mo para layuan mo lang kami ng anak ko." ang turan ni Don Michael, habang inilalabas nito ang cheque booklet at fountain pen.

"Sir, wala pong katapat na halaga ang pagmamahal ko kay Michele." ang mahinahon na sambit ni Clarissa.

Michael heaved a sigh of disappointment after hearing Clarissa's final answer. He silently stood up and straightened out his black suit and tie.

"I like your determination, Clarissa. Pero sana ay hindi mo pagsisihan ang iyong desisyon." ang misteryosong nasabi ni Don Michael.

Nakahinga lamang ng maluwang si Clarissa nang tuluyan nang nakaalis si Don Michael...

Pero hinding-hindi niya sasabihin kay Michele na kinausap siya ni Don Michael dahil tiyak na mag-aaway nanaman ang mag-ama, at ayaw niyang mangyari iyon...

===========================

Celeste Vitale is standing infront of the gates of Angels Home Orphanage, where Clarissa grew up. She specifically picked this day to visit the orphanage because based on Clarissa's file, she usually visits here every Sunday to spend time with the orphans.

She also thought of a perfect disguise so that she can infiltrate inside. She would pretend to be a philanthropist, and she will give some donation for the nuns and grocery supplies for the children. Then, it will be easier for her to have a conversation with Clarissa and tell her that she's Michelle Montserrat's fiancée, and she should just give up on him.

Celeste lets out a big smile when the gate finally opens, and she was welcomed by three nuns.

"Miss Celeste Vitale, ako po Sister Grace, at ako po ang nakausap ninyonsa telepono noong isang araw. Ngayon pa lang po ay lubos na nagpapasalamat ang buong orphanage sa inyong donasyon.

We just want to say that we are beyond grateful and may the Lord bless you." ang nakangiting pasasalamat ng matandang madre.

"Good afternoon, Sister Grace. Natutuwa at excited po ako na mabisita ang mga bata ngayon." ang nakangiting responde ni Celeste.

"Halika at pumasok tayo upang makita ninyo ang mga bata at makaikot sa buong lugar." ang suhestiyon ni Sister Grace.

Celeste nodded in return.

"Let's go, boys." she said to her three bodyguards, who were all carrying big shopping bags full of groceries and gifts.

All of them finally made their way inside the orphanage. Celeste was secretly smiling because the first stage of her plan was successful. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status