Share

Tainted Hearts 22

Hindi ako natulog sa kuwarto niya subalit pagkagising ko nang madaling araw, kasama ko siya sa kama't nakayakap na sa akin.

Naguguluhan ako sa huling sinabi niya nang mag-usap kami. Saan siya nagi-guilty? Tinanong ko siya pero hindi naman na niya sinagot.

Bumalik na lang ako sa pagtulog dahil nasa itsura na mahimbing din ang tulog niya.

"Xena…" someone called me at the same time as there was a knock on the door.

Napaupo ako sa kama nang makarinig ng katok. Wala na sa tabi ko si Lennox at mataas na rin ang araw. Napagbuksan ko ng pinto si mama. Pinagmasdan niya ako at sinabi na bumaba na para makakain ng sabay-sabay.

Hindi na muna ako naligo at naghilamos na lang muna at nagsipilyo. Mahapdi ang gasgas sa kamay ko na ngayon ko lang napansin dahil sa pagkakabasa. Maliit na sugat na nakuha ko siguro sa nangyari kagabi.

Sandali pa akong natulala sa harapan ng salamin at muling sinulyapan ang sugat sa kamay. Sa nagawa ko na pagsaksak sa lalaki na iyon, panigurado na sobra ang nararamdaman n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Carla Perez
wala atang page ng walang 'kagat ang labi' hahahahahaha anubeh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status