Halos patakbo naming pinuntahan ang elevator habang magkahawak pa rin ang mga kamay.
Pagkapasok namin sa elevator ay halos mapasigaw ako dahil hindi ko inaasahan na sila Kaycee at Jelle ang bubungad pagtalikod namin.Dali-daling sinara ng babaeng kasama ko ang elevator at bago pa ito tuluyan na sumara ay sunod-sunod kong narinig ang napakalakas nilang mga sigaw na halos magpabingi sa akin.Agad din akong napabitaw sa babaeng kasama ko dahil hindi ko na nakayanan ang ingay kaya tinakpan ko ang aking mga tainga.Nilibot ko ang aking paningin at saka napatingin sa ilaw nang magpatay sindi na naman ito.Susubukan ko sana hawakan ang babaeng kasama ko kaso nanlaki ang mga mata ko at nagtataka akong nilibot ang buong elevator dahil bigla siyang nawala at ako na lang ang mag-isa rito.Nang tuluyan nang mamatay ang ilaw sa elevator ay napahawak ako sa railings ngunit hindi ko pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang pagbaba ng elevator ngunit nagtataka ako kung bakit hindi pa rin naaabot ang ground floor.Nang bumukas ang ilaw ay nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin sina Kaycee at Jelle at halos hangin na lang ang pagitan sa amin."Hahahahaha," mala-demonyong tawa nilang dalawa."Mamamatay ka rin!" sigaw ni Kaycee."Walang sinuman ang makakaagaw sa asawa ko!" sigaw naman ni Jelle.Dahan-dahan akong umupo habang ang mga kamay ay nasa tainga pa rin dahil sa nakakarindi nilang mga sigaw.Unti-unti na ring tumulo ang aking mga luha at hindi na napigilan ang puso sa sobrang bilis dahil sa kaba."Sumama ka na sa amin," wika pa nilang dalawa."Silas!" sigaw ko habang tinatakpan pa rin ang dalawang tainga.Hindi ko alam kung bakit bigla kong binanggit ang pangalan ni Silas. Ang dapat ko na isisigaw ay 'manahimik kayo' pero iyon mismo ang naiusal ng aking labi.Maya-maya pa ay unti-unti ko nang naramdaman ang pagtahimik ng paligid at kasabay noon ay ang pag-ikot ng aking paningin.Nagising ako nang may tumapik sa akin."Miss," tawag niya.Napabangon ako at nang makita na isa itong guard ay dali-dali akong tumayo at saka lumabas ng kumpaniya na iyon.Hindi ko alam pero nang makalabas ako ay roon lang ako nakahinga nang maayos.One step forward and I looked at the back. At the front door of the building, I saw Kaycee and Jelle standing there while looking at me with their anger eyes.I looked at the sky and my eyebrows met when I saw someone in the rooftop that is standing and I got goosebumps when it suddenly jump. I immediately looked at the bracelet but I got wonder when I saw nothing there.When I'm examining the whole building for the last time, I saw someone's shadow in one of the room but I don't know who she or he is.Tila wala sa sarili akong sumakay sa jeep at umuwi. Muntik ko pa ngang malagpasan ang street namin kung 'di lang sumigaw ang driver kung nasaan na kami.Gabi na rin at sa tingin ko ay malapit na magmadaling araw pero heto ako, naglalakad na tila wala sa sarili dahil sa nangyari.Agad akong napatingin sa aking unahan nang maramdaman ang isang presensya.Maya-maya pa ay unti-unti ko nang naaninag ang kaniyang mukha at nang magtama ang aming mga mata ay nagsimula na namang bumuhos ang aking mga luha.Dali-dali siyang tumakbo papunta sa akin at saka niyakap ako nang mahigpit. Umiyak ako habang yakap-yakap niya ako. Umiiyak ako sa kaniyang dibdib."What happened?" hingal na hingal niyang tanong.Hingal hindi dahil sa pagtakbo, hingal kun'di dahil sa kaba.Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at hindi sinagot ang kaniyang tanong.Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at saka tumingin sa kaniyang mga mata habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha."I-I'm afraid, Silas," I said and I even uttered because until now, I still can remember their faces.He hushed and brushed my hair gently and kissed me on my forehead afterwards."I'm here now, okay?" he assured me and even hugged me tight.I didn't know that ghost can be a comfort too until I experienced it on my own."They're s-scary," wika ko pa sa kaniya.He hushed. "It's fine. It's now fine. They won't come near you again, okay?"Tumango-tango na lang ako at saka sinubukan na ikalma ang sarili ngunit sa tuwing susubukan ko ay roon lang ako mas lalong napapaiyak at napapahikbi.Siguro ay inabot ng sampung minutos na ganoon ang pwesto naming dalawa, na nakayakap sa isa't isa. Wala ni isa sa amin ang sinubukan na umalis. Wala rin naman nagtangka na pumigil sa amin dahil wala ng mga taong naraan sa street namin gawa ng lahat ay tulog na.Natigilan lang kami nang kumalma na ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumalon-talon para hindi mahalata na umiyak ako."Hoo!" sigaw ko at saka sinubukan na pakalmahin ang sarili.Matapos ay ngumiti ako kay Silas. Napataas ang aking kilay nang natawa siya dahil sa akin."Pwede na 'yang pekeng ngiti mo," pang-aasar niya.Napasimangot naman ako dahil sa kaniyang sinabi kaya nasuntok ko siya sa kaniyang braso ngunit mahina lang naman 'yon.Pagkauwi ko ay lahat ay tulog na kaya napahinga naman ako nang maluwag. Mas pinili ko na lang na hindi na gisingin si Mama dahil alam kong pagod din siya.Pagpasok ko sa aking kwarto ay dali-dali akong humiga sa aking kama at saka umiyak ulit.Hindi ko alam pero tila maraming tubig ang kailangan ilabas ng aking mga mata kaya tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko at hindi na nakayanan pa ang antok.Silas' POV:Nang makatulog siya ay dali-dali ko siyang kinumutan at saka hinalikan sa noo."Sleep tight, Avery," bulong ko.Napatingin naman ako sa kaniyang veranda at napabuntong hininga.Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan nang sandaling marinig ko ang kaniyang sigaw na tinatawag ako.Nagdalawang isip ako kung pupuntahan ko ba siya sa kaniyang trabaho ngunit nang makapag-decide ako ay mukhang huli na ako.Nakita ko na naman siyang umiiyak...Nakita ko na naman ang mga mata niyang pagod na pagod...Hindi ko alam ngunit sa tuwing nakikita ko na ganoon ang mga mata niya at gustong-gusto ko siyang yakapin at pagaanin ang loob niya.Nagising ako nang maramdaman ang init ng araw sa aking balat. Hindi lang iyon ang nagpagising sa akin, kun'di ang umagang rap din ni Mama."Bakit hindi pa umuuwi ngayon si, Mae? Naku! Malilintikan talaga siya sa akin," rinig kong wika ni Mama mula sa baba.Umagang-umaga, ang ingay-ingay ni Mama. Mabuti na lang at hindi nagrereklamo mga kapitbahay namin.Agad na nilibot ng aking mga mata ang buo kong kwarto at napangiti nang makita si Silas na nakaupo sa aking mini sofa ngunit nakapikit ang kaniyang mga mata.Dahan-dahan akong bumangon sa kama at saka nilapitan siya. Nang makaharap ko siya ay yumuko ako para maitapat ang aking mukha sa kaniya.I smiled. Gano'n pa rin ang kaniyang mukha kahit na siya ay natutulog. Maamong-maamo pa rin ang kaniyang itsura.Napakagat na lang ako sa aking labi nang makita kung gaano kahaba ang kaniyang mga pilik mata.Sinubukan kong iangat ang aking isang daliri at saka hinawakan kung gaano kahaba ang kaniyang pilik mata."Uh—" Agad kong tinakpan ang akin
"Una ko siyang nakita na nakayakap sa iyo habang tulog ka," nakanguso niyang paliwanag kaya agad akong napaiwas ng paningin dahil sa kahihiyan.Wait... if she can see ghost too, then what if she tries to hold him? I just want to know if people can really touch ghost."Can I have a request?" I asked to her.She nodded. "What is it?"I gulped because of nervousness."Can you touch him? You can see him right?" I asked.Tumango ulit siya at nang susubukan na niyang hawakan si Silas ay agad kaming natigilan nang marinig ang sigaw ni Ate."Seya, let's eat. Go downstairs now," aniya."I'll go downstairs first, Tita Vivi. I'll wait for you," she said and waved at me.I waved at her too. "Let's talk again later, okay?" I asked and she nodded as response.After that, she ran out of the room.Matapos umalis ng bata ay agad kong tinignan si Silas."What?" nagtatakang tanong niya sa akin."Alam mo ba na nakakakita rin si Seya kaya niyakap mo ako no'ng nakaraan?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya.
"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyo," wika ni Mama sa akin."Ma, maniwala ka naman sa akin, oh," pagpupumilit ko pa at kaunti na lang ay iiyak na talaga.Pinipigilan ko lang na pumatak ang aking mga luha dahil nasa harap kami ng hapag kainan."Paano ako maniniwala sa iyo, Mae?!" sigaw nito, "ang multo, hindi ka na no'n mahahawakan pa, kaya pa'no mo nasabi na totoo 'yang sinasabi mo? Nasobrahan ka lang talaga sa panood ng mga kung anu-anong horror movies."Bago pa ako magsimulang magsalita ay nagulat ako nang biglang nagsalita si Seya."You're not sure of that, Lola," wika niya at saka tumingin sa akin at sa tabi ko.Napatingin naman ako kay Silas dahil doon. Pagtingin ko ay nagtama na naman ang paningin namin kaya mas lalo kong iniiwasan na maiyak.Kanina pa pala siya nandito. Nakalimutan ko na siya dahil sa tensyon naming dalawa ni Mama. Nakakahiya naman kasi... lahat ng problema ko sa buhay ay alam na alam niya at nakikita niya pa ang mga kadramahan ko sa buhay.
Tumango na lang ako at hinayaan si Mama na maunang magsalita."Mae, kung ayaw mo na talaga pumasok sa kumpaniya, hindi na kita pipilitin," sabi ni Mama.Nagningning naman ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi."Pero... hindi ko mapapangako na magiging F.A ka pa. Mahal ang bayad sa training ng pagiging F.A, Mae, at wala tayong sapat na pera para roon," saad ni Mama.Kinuha ko ang kaniyang mga kamay at mahigpit ngunit maingat ko iyon na hinawakan."Ma, ayos lang. Hindi naman nagmamadali ang pagiging F.A ko. I'll take this process as a test to me. I'll work hard so that I can be as I want to be," I said to her.Hinawakan niya rin nang mahigpit ang mga kamay ko."Kaya mo 'yan," saad ni Mama bago bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at mabilis na lumabas ng kwarto ko.Napatitig naman ako sa aking mga kamay at niyakap ito sa sarili.Iyon ang unang beses na hinawakan ni Mama nang mahigpit ang mga kamay ko. Iyon din ang unang beses na narinig ko sa kaniya ang ganoong mga kataga."I'll tr
Averill's POV:Kahit anong pilit ko kay Silas na sabihin kung ano ang sinabi sa kaniya ni Seya ay ayaw niya rin sabihin, gano'n din si Seya. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano ba talaga 'yon. Hays! Bakit kasi ayaw nila sabihin sa akin? Tungkol ba 'yon sa akin?Natigilan ako sa aking pag-iisip nang makita si Mama na nakapang-alis ang bihis."Saan ang punta, Ma?" tanong ko sa kaniya."Babalik din ako kaagad," saad niya at saka dire-diretsong lumabas sa pinto.Sinundan naman siya ng aking mata hanggang sa makalabas siya sa gate namin.Weird talaga ni Mama. Tinanong ko kung saan siya pupunta tapos 'yon ang isasagot niya?Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka inunat ang aking katawan dahil ito ay nangalay. Ngiti-ngiting umakyat ako sa aking kwarto at naligo. Matapos maligo ay nagsuot ako ng simpleng damit na pang-alis din.Paglabas ko ng pinto ng aking kwarto ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Silas."Ay, jusko po!" Sapo-sapo ang dibdib na sigaw ko.Kung hindi si Shi no Tensh
Natigilan ako at saka humarap ulit sa aking nilalakaran."Oo nga pala..." bulong ko bago mabilis na naglakad."Uy!" sigaw niya at saka hinabol ako.Nang magkapantay kami ay agad siyang nagsalita."Alam mo, mas kita ang tanawin sa bubong ng tricycle. Kay ganda ng mga ito kaya nag-enjoy rin ako habang nasa byahe tayo," paliwanag niya."Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya dahil hindi ko pa naman nasusubukan sumakay sa bubong ng tricycle."Oo. Gusto mo ba subukan? Sasamahan pa kita," saad niya."Gusto pero bawal. Baka maaksidente pa ako at saka bawal din naman talaga sumakay sa bubong ng tricycle habang umaandar ito," paliwanag ako sa kaniya.Saglit akong natigilan sa paglalakad nang matigilan din siya. Hinarap ko siya at saka ginawaran ng isang ngiti."Sabay nating gagawin 'yang gusto mo 'pag namatay na rin ako," ngiting sabi ko sa kaniya.Ngumiti rin siya sa akin ngunit kahit anong ngiting gawin niya ay hindi magawang maitago ng kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama
Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya roon o sarkastiko lang talaga.Hindi lang sa madaling araw ako binubulabog ng multo, Tenshi. Kun'di buong araw ko!Sarkastikong tinawanan ko ang kaniyang sinabi."Paano naman nila ako bubulabugin, e' madaling araw na ako umuuwi galing trabaho," saad ko sa kaniya."Ah, oo nga pala. May trabaho ka na. Iyon naman siguro ang dahilan kung bakit hindi mo ako tinatawag nitong mga nakaraang araw, 'di ba?" tanong niya sa akin na animo'y may pagdududa.Ngumisi ako at saka tinagilid ko ang aking ulo."Siguro oo, siguro hindi?" tanong ko rin sa kaniya upang mas lalo siyang maguluhan.Nangunot ang kaniyang noo dahil sa kalituhan."May nagawa ba akong mali?" tanong niya sa akin.I hummed. "Hindi ko rin alam."Napabuntong hininga na lang siya dahil sa aking sagot."Averill, sabihin mo nga sa akin. May problem ka ba sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.Seryoso rin ako na tumingin sa kaniya."Oo, may problema ako sa
Nang halikan niya ang aking noo ay may isang butil ng luha na tumulo sa aking kanang mata habang ako ay nakapikit.No one can understand how much pain and happiness I felt at the same time... only him."Open your eyes," he said.Sinunod ko ang kaniyang sinabi at tumingin sa papalubog na araw."Umuwi na tayo," wika niya.Tumango ako at saka pinunasan ang aking mga luha. Bago pa kami tuluyang umalis ay tumalon-talon pa ako para hindi mahalata nila Mama at Ate na umiyak ako.Napatingin ako kay Silas nang marinig ang kaniyang pagtawa."You don't need to do that because even though you did that, they will still notice that you cried. They will just stay silent about it," he explained.Napasimangot naman ako at saka sinundan na lang siya maglakad dahil may punto rin naman siya.Nang makahanap kami ng tricycle ay agad naman akong nagbayad at hindi gaya kanina ay sa tabi ko na umupo si Silas dahil wala naman nang sumakay na pasahero bukod sa amin."Salamat, manong," wika ko nang makababa na k