Share

Chapter 59

Averill's POV:

Nagising ako nang marinig ang ingay sa tabi ko. Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad ang isang hindi pamilyar na kisame.

Pagbangon ko ay nakita ko si Am-Am na tila ba nag-iimpake na nagpakunot ng aking noo.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ay! Gising ka na pala," aniya.

Napahagikgik naman ako dahil sa kaniyang pagkakagulat.

"Nasaan tayo?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Sa resort ko," sagot nito.

Hindi makapaniwalang pinakatitigan ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi.

So, hindi pala siya nagbibiro noong sinabi niya na nagmamay-ari siya ng hotels and resorts?!

Tatanungin ko sana kung ano ang ginagawa namin dito ngunit pagtingin ko sa tagiliran ko ay kitang-kita ko ang malakas na patak ng mga ulan.

Nanatili lang akong nakatitig sa labas ng bintana. Halos wala na akong makita dahil puro hamog na lang ang nakikita ko sa labas.

"Amadeu—ow!" Napatingin ako sa pinto nang walang katok-katok na pumasok ang isang babae.

Pinagmasdan ko siya nang mabuti at masasabi kong is
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status