Share

Chapter 69

Naligo ako at saka nagbihis ng pang alis. Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Mama na maghahanap ng trabaho.

"Bumalik ka bago maghapon, ha," paalala sa akin ni Ate.

"Opo," sagot ko at saka nagsimula nang maglakad.

Hindi naman ako puwedeng mag-tricycle dahil baka may malagpasan ako na banner na naghahanap ng mga empleyado.

Hindi pa man ako nakakarating sa bayan ay napangiti naman ako matapos makita ang isang banner na naghahanap sila ng panadera.

Hindi naman ako magaling sa pag-bake pero alam ko naman kung paano gumawa ng cookies.

"Hello po," bati ko sa nagbabantay sa tindahan.

"Anong bibilhin mo?" tanong nito.

"Ay, hindi po ako bibili. Gusto ko lang po sana itanong kung naghahanap pa rin po ba kayo ng panadera?" tanong ko at saka tinuro ang banner na nasa labas ng tindahan nila.

"Sorry, neng, pero nakahanap na kami kani-kanina lang," saad nito.

Napatango-tango naman ako. "Gano'n po ba? Sige po. Maraming salamat."

Tumango na lang ito at bago pa ako tuluyang makaalis sa tindahan ay pinakati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status