NAPATAWAG SIYA SA ina pagkatapos ng close-door meeting nilang tatlo nina Paul kasama ang asawa. Hindi pa niya sinabi sa ina ang nangyari sa kan’ya kanina at sa Bergen. Kinumusta niya ito at mukhang okay naman. Wala namang problema. Sabagay, siya lang ang sadya, at hindi nila alam kung nasaan ang kan’yang ina.“How is she?”“Okay naman daw siya. Pero hindi pa rin ako kampante,” aniya nang tumingin sa asawa. Siyem“Magre-request na lang ako kay Paul na security para sa Nanay mo, baby.” Bumaling siya sa asawa na nasa tabi niya. Nakauwi na rin ang mga kaibigan nito. Hindi na nga kumain ng dinner dahil may mga naghihintay sa ilan.“M-may bayad ‘yon ‘di ba? Wala akong pera.”Ngumiti sa kan’ya ang asawa. “Ano bang ginagawa ng asawa mo?”“Hindi naman ‘to kasama sa deal natin, BK.”Natigilan ang asawa niya. Tumitig pa ito sa kan’ya. Nakalimutan niya yatang, trip to Bergen lang ang naisama sa kasunduan nila.“Kalimutan muna natin ang kasunduan, Daph. Kaligtasan niyo ang nakataya dito,” anito.
“WOW!” BULALAS NI Daphne nang makita ang kabuuan ng Hotel De Astin mula sa himpapawid. “Welcome to our paradise, baby.” Nilingon niya ang asawa. Titig na titig ito sa kan’ya. “Parang mas maganda ang branch niyo dito kaysa sa Hawaii,” komento niya. “Yeah. Mas malawak kasi dito kompara doon.” “Grabe! Sobrang ganda!” Hindi pa rin niya mapigilang mamanha sa mga nakikita. Plus pa ang sobrang linaw ng dagat at puting buhangin.. “Hmm,” sagot lang nito kaya nilingon niya. Nakatitig pa rin ito sa kan’ya. “May dumi ba ako sa mukha?” Ngumiti ito sa kan’ya. “Wala.” “Eh, ba’t kanina ka pa nakatitig?” “Bakit? Bawal na ba tumitig sa asawa?” “H-hindi. Eh, kasi nakakailang.” “Dapat lang na mailang ka, baby. Kasi ang pangit mo.” Umayos ito ng pagkakaupo na nakangiti. “Ano? Ako pangit?” “Yes.Sobra,” ani ng asawa sabay pikit. Nakaramdam siya ng inis kaya siniko niya ito ng malakas, napadaîng tuloy ito. "Baby naman!" reklamo nito. "Heh! 'Wag mo nga akong kausapin! Sinira mo naman mood ko.
“ANO KAYA KUNG sumayaw kayo sa Obando, anak?” Biglang napaubo si BK sa sinabi ng ina nito. As usual, apo na naman ang pinag-uusapan ngayon. Katatapos lang nila mag-dinner at sa kubo sila tumambay para makapg-usap-usap. “‘Ma, I don’t dance,” reklamo ng asawa niya. “Wala namang sinabing pagalingan ng sayaw doon, a. ‘Di ba, husbie?” Tumango naman ang ama ni BK. “Naniniwala ka talaga do’n, Wifey?” tanong ng ginoong sa ginang. Kita niya ang pag-ingos ng ginang. “Tumango-tango ka tapos ‘di ka naman pala naniniwala,” ani ng ginang na ikinangiti niya. “Nabanggit mo rin dati ‘yan, ‘di ba na effective?” “Wifey—” “Nagsisimula naman kayo, ‘Ma, ‘Pa.” singit ni Astin na kakabalik lang. May dala siyang alak. Si BK na ang nagsalin ng alak para sa kaptid at ama. Mukhang masisira ang oplan akit niya. Mapapasubo yata ang asawa sa inuman. Tumingin sa kan’ya ang ginang. “Pasens’ya na anak. Paborito lang talaga namin ang bangayan.” Sumulyap pa sa asawa sabay siko. “Nasaan na nga pala sila Andrea?”
“OKAY NA BA?" tanong niya sa asawa habang inaayos niya ang sarili. Nakangiti lang ito sa kan’ya habang pinagmamasdan siya. “One more, baby,” ani ni BK imbes na sagutin ang sinabi niya. “Hinihintay na tayo sa dalampasigan, BK.” Humawak siya sa balikat nito para bumaba ng bangka. Inalalayan siya nito kapagkuwan. “Hayaan na natin sila. Maiintindihan naman nila kapag sinabi nating gumagawa tayo ng baby.” Alam niyang nagbibiro ito dahil may halong tawa. Pinanlakihan niya ito ng mata. "Halika na." Nagpatiuna na siya ng lakad dahil baka gawin nga nito ang sinabing isa pa. "Baby!" "Tumigil ka, BK!" sigaw niya dito na hindi ito nililingon. Alam niyang nakasunod pa rin ang asawa. "Okay. Basta mamaya ulit?" Naiiling na binilisan niya ang lakad. Tanda pa naman niya ang daang tinahak kanina. Mayamaya ay naabutan siya ng asawa. Hinigit nito ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Napatitig siya sa asawa habang naglalakad sila. Kung titingnan silang dalawa, okay naman sila. Parang mag-asa
“SALAMAT,” TIPID NIYANG sabi sa asawa nang ipagsandok siya nito ng pagkain. Hindi niya napansin kung anong oras ba ito umuwi. Basta paggising niya katabi na niya ito at mahigpit na nakayakap sa kan’ya. Naamoy niya ang bibig nito kanina, nakainom ng alak. Ngumiti si BK sa kan’ya nang matapos siya nitong pagsilbihan. Nagsandok na rin ito ng para sa sarili nito. “Anong oras darating ang mga bisita mo, ‘Ma?” tanong ni Astin sa ina. “After lunch sila Diane at Nikki darating. Husbie, natanong mo na ba ang ibang mga kaibigan mo kung anong oras?” “Patanong ko, ‘Pa kasi inaayos na ang pagdadausan. Hindi pa alam kung ilan ang ilalabas na mga mesa,” ani ng asawa sa ama nito. “Anak, simplehan niyo lang, huh? Sanay naman mga ‘yon sa simpleng handaan.” “Si Kuya at Ate Laura na po bahala diyan, ‘Ma,” Si Andy iyon. “Ilan po ba sila lahat? Magpapahanda ako ng miryenda din,” singit ni Laura. Dapat magluluto lang sila ng ilang putahe dahil sila-sila lang naman nga. Bakasyon nga lang daw kasi an
HINDI MAIWASANG MAPASINGHAP ni Daphne nang maramdam ang kamay ni BK sa panggitna niya. Nasa likuran niya ang asawa at nakaupo silang nakalubog sa may jacuzzi ng mga sandaling iyon. Ramdam niya sa pangupo niya ang tumutusok na kahandaan ng asawa kaya hindi niya ring maiwasang kumapit sa hita ng asawa.Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang maiinit nitong dila sa tainga niya. Lalong nabuhay ang init sa katawan niya ng mga sandaling iyon.Pinaghiwalay muli ng asawa ang mga hita niya mayamaya.Bumaba ang halik ni BK sa batok at leeg niya kaya napaliyad siya. "Oh," ungol niya nang simulang laruin ng asawa ang hiyas niya sa ilalim ng tubig. Kasabay din niyon ang pagpasok ng panggitnang bahagi ng daliri ng asawa sa loob niya at inilabas pasok pa nito ng ilang beses. Napahawak pa siya ng mahgpit sa balikat nito. Bigla ring umawang ang labi niya maging ito rin dahil sinagad nito ang daliri sa loob niya ng ilang beses.Dinig niya ang sunod-sunod na paghangos nito dahil sa ginagaw
“‘WAG KANG KAKAIN sa labas, ha?” “Sa opisina lang ako ngayon, baby pangako.” “Sure?” “Yes, baby. Marami akong pending kaya tinatapos ko. Baka magalit na sekretarya ko.” Napaingos siya. Kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa sekretarya ng asawa. At bakit kailangang matakot pa ito sa sekretarya nito? Dapat mas matakot ito sa asawa. “Sige. Hintayin mo ako diyan, ha?” “I will,” “Okay. Bye!” Hindi na niya hinintay na sumagot ang asawa, pinatay niya na. Mabilis na inilagay niya sa lunchbox ang mga pagkaing iniluto. Isang linggo na niyang ginagawa ito simula nang bumalik sila sa Maynila. Hindi naman kasi kumontra si BK na hinahatiran niya lagi ng pagkain sa opisina, kaya pinagpatuloy niya na lang. Gusto niya kasing pagsilbihan ito. Kaya, araw-araw niyang ina-aaral ang pagluluto. Siyempre, mga paborito nito ang lagi niyang niluluto, pero ngayon, sumubok siya ng ibang putahe na wala sa paborito nito. Sana nga magustuhan nito ang niluto niyang beef tapa. Gusto rin daw nito tikman ang t
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Daphne nang marinig ang sunod-sunod na katok ni BK. Pilit din niyang buksan ang pintuan. Papunta sana siya noon sa banyo. Bumalik na lang siya at nahiga ulit."Daph! Buksan mo ang pintuan!""Manigas ka!" aniyang siya lang ang nakakarinig. "Baby!" "Baby mong mukha mo!" Naiinis pa rin siya talaga kaya tinakpan niya ang taingang unan para hindi niya ito marinig.Tumingin siya sa malaking orasan niya. Alas tres na pala ng hapon.Hindi niya alam kung nagtagal ba ito sa pintuan dahil ibinalik niya ang sarili sa pagtulog sa sobrang inis. Akala niya, okay na siya kanina. Hindi pa pala.Nagising siya na madilim na. Papungas-pungas na bumangon siya. Pumasok muna siya ng banyo para umihi. Sumakit ang pantog niya tuloy kakapigil sa ihi kanina. Tinulugan niya kasi.Wala si BK sa kuwarto at sa kahit saang sulok ng kuwarto. Nakahinga siya ng maluwag.Nalungkot siya bigla nang makita ang kaserola na pinaglutuan ng sabaw. Kahit ang pinaglutuan niya din ng tapa kanina. Napa