"HINDI KA PA raw kumakain?""M-Max?!" hindi makapaniwalang sambit niya nang makilala ito."Ako nga." Naupo ito sa kama na parang wala lan, at hinigit ang pagkain saka bumaling sa kan'ya. "Come here," ani pa nito. Pakiramdam niya nag-iba ang paraan ng pagsasalita nito. Lagi itong nakangiti sa kan'ya noon, at kung sumeryoso man ito, maaliwalas pa rin ang mukha.Umiling siya sabay suksok ng sarili sa gilid na hindi abot ni Max. Hinila niya rin ang kumot. Nakaramdam na siya ng takot dito.Nasaan ba kasi siya? Bakit narito si Max? Basta ang huling natandaan niya, may sinusundan siyang mag-ina. Hanggang doon lang ang naalala niya."B-bakit ako narito?""Dahil kailangan kita. Kailangan ka ng pamilya mo.""S-sinong pamilya?""Kaya kumain ka na," anito imbes na sagutin ang tanong nito."A-ayoko. Hindi ako nagugutom," aniyang nakayuko. Napabuntonghininga ito at sumampa para lumapit sa kan'ya."Kailangang kumain dahil aalis na tayo mamaya. Ilang oras din tayong nasa himpapawid.""S-saan mo ak
"H-HUWAG! P-PLEASE! M-MAAWA ka!" sigaw ng asawa, habang pilit na hinuhubad isa-isa ang damit nito ng lalaking nakatalikod. Hindi man lang niya makita ang itsura nito."Tulong, BK! Please, tulungan niyo ako! 'Wag! Maawa ka!"Napakuyom ng kamao si BK nang marinig na naman ang paghingi nang tulong ng asawa.Nagagalit siya sa sarili dahil wala man lang siyang magawa para iligtas ang asawa. Bakit nasa paligid lang siya, at hinahayaang mangyari ito?Ilang beses pang sumigaw si BK para pigilan ang lalaki sa maaring gawin sa asawa, pero hindi man lang siya pinakinggan. Bagkos, pinunit na naman nito ang suot ng asawa, na ikinasigaw ng asawa.Lumapit pa siya sa mga ito at muling sumigaw. Nilakasan pa niya lalo ang boses hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng boses…***Napabalikwas ng bangon si BK bigla. Pawis na pawis ang noo niya dahil sa masamang panaginip na iyon.Ilang araw na ngang nawawala ang asawa niya, at paulit-ulit na napapanaginipan niya ang eksenang nangyari sa Mama ni Daphne. S
PAULI-ULIT NA NAGRE-REPLAY sa utak ni Daphne ang eksenang nakita niya sa video na pinakita sa kan’ya ng lalaking nagngangalang Fredrik. Narinig din niyang tinawag ni Fredrik ng Far ang kamukha ng ama niya na si Edvard. Far ang tawag ng mga norwegian sa ama ng mga ito. Nakaalis na ang mga ito pero parang nasa loob pa rin ng silid niya. Parang naiwan ang boses ng mga ito na paulit-ulit na nag-e-echo.Ipinikit niya ang mga mata niya para iwaglit sa isipan ang nangyaring panghahalay ng Edvard na 'yon sa ina niya. Nagawa pa nilang kuhanan ng video na ikinanginig ng laman niya. Hindi niya nga tinapos panoorin dahil awang-awa siya sa ina na nakailang ulit na nagmamakaawa. Parang dinudurog ang sarili niya dahil sa nalaman. Kaya pala wala ang ina niya nang magising siya. Ang sabi lang sa kan'ya ng asawa ay kumuha ng gamit. Itinago din ng asawa ang nangyari sa ina maging sa anak niya kaya nagagalit siya ng sobra ngayon. Bakit niya nagawa ‘yon? Loob ng bahay nila ang nasa background ng video
NAPABALIKWAS SI DAPHNE ng bangon nang marinig ang boses ni Max. Nasa pintuan ito. Kalahati ng katawan lang nito ang nakalitaw. "Maligo ka na. Darating na ang mag-aayos sa 'yo. Bilisan mo dahil mahalaga ang oras kay Fredrik at sa mga tao dito." Nakatanga lang siya dito kaya nainis si Max. "Oh, c'mon, Daph! Paano tayo matatapos kung hindi ka sumusunod!" Napalunok siya sa biglang pagtaas ng boses nito. "Maliligo naman ako, maghintay ka lang," aniya at tumayo. Naghila siya ng towel sa kabinet. Kompleto naman ang gamit doon. "Ano? Manonood ka?" aniya nang lingunin niya. Mabilis namang tumalima si Max na umalis sa pintuan at isinara iyon. Napasandal siya sa pader. Maliligo naman talaga siya. Nasa kasarapan lang siya ng pag-iisip kaya hindi siya nakasagot agad dito. May plano naman ng nabubuo sa isipan niya. Kailangan niyang magpakabait sa mga taong nandito, lalo na kay Frederik na 'yon. Mabilis na iginiya niya ang sarili sa banyo at naligo. Malamig kasi, kaya talagang binilisan niya. S
“WHAT TOOK YOU so long?” bulong sa kan’ya ni Frederik pagbalik niya. “Am I that long?” “Yeah.” Titig na titig ito sa kan’ya kaya nilambutan niya ang ekspresyon ng mukha niya. Buti na lang tinawag ito ng kakilala kaya nabaling ang atensyon ng kasama doon.Inilinga niya at tingin at hinanap ang asawa pero hindi niya ito matanaw. Hindi niya maiwasang kabahan sa mga sinabi nito. Paano nga kasi siya nito maliligtas kung laging nasa paligid niya si Frederik at mga tauhan nito?Napatingin siya sa stage nang marinig ang pangalan ng ama.Bakit ito ang tinawag sa gitna? Party ba ito ng kompanya nito?Sumabay siya sa madla nang magpalakpakan ang mga ito.Bumati ang ama sa mga taong naroon nang tumigil sa pagpalakpak ang madla. Hindi rin niya naintindihan ang sinabi nito mayamaya pero nagngitian ang mga naroon maliban sa katabi niyang nakasimangot.Hindi niya maiwasang ngumiti rin kapagkuwan nang sumilay sa ama ang magandang ngiti. Hindi niya alam kung sadya bang tumingin ito sa kan’ya o napada
BIGLANG INIT NG ulo ni Daphne nang makita ang lalaking iyon. Nagmadaling lumabas siya ng silid, hindi para salubungin ang ama, kung hindi ang kasama nito. May lakas pa talaga ng loob itong pumasok sa teritoryo nila!‘Wag sabihin ng ama na nagpapaniwala ito kay Max? Paano kung padala ito ng Edvard na ‘yon? Wala naman siyang habol sa kompanya, ang kan’ya lang ayaw niyang mawala ito sa ama. Matagal na panahon nitong prinotektahan ang kompanya tapos mapupunta lang sa Edvard na ‘yon?“Anong ginagawa mo dito?!” malakas na pagkakasabi niya na ikinatingin ng ama sa kan’ya, maging ng mga tauhan nito.Kay Max niya ipinako ang tingin habang naglalakad papalapit dito.Nanggalaiti siya nang ngitian siya nito ng matamis, na para bang walang problema, na para bang walang nangyari.“Walanghiya ka! Matapos mo akong kidnapin tapos nandito ka!”Hindi ito pumalag nang bayuhin niya sa dibdib. Nakatunghay lang din ang ama niya. Hindi rin lumalaban o pigilan siya ni Max. At nang mapagod, tumigil din siya.
“MAMA.” NAPATITIG ANG ina ni Daphne sa kan'ya. Hindi man lang kumurap. Wala siyang mabasa sa ina habang nakatitig ito sa kan’ya. ‘Yong tipong parang hindi sila nito kilala. Walang emosyon ding tumingin ito sa ama niya, maging sa kapatid niyang si Max. Ibinalik ng ina ang tingin nito sa tinatahing damit. “Naliligaw yata kayo ng bahay.” Ngumiti pa siya pero sa tinatahi nito ito nakatingin. “Pakisara na lang ng pintuan paglabas niyo. Dahan-dahan lang, baka magising si Daphne.” Tumingin sa higaan nito. May manikang nakahiga doon. ‘Yon yata ang tinutukoy nitong Daphne, imbes na siya. Napalabi siya sa narinig. Siya pa rin ang iniisip ng ina. Ayaw niyang isipin, pero mukhang iba yata ang epekto ng ginawa ng mga ito sa ina niya. Kung nasa tamang pag-iisip ito, maglalaro ba ito ng manika? Nagpatuloy lang ang ina sa pagtatahi. “F*ck!” mahinang sabi ni Max. Nag-humming rin ito kapagkuwan. Familiar sa kan’ya. Iyon ang lagi nitong kinakanta noon sa kan’ya noong bata pa siya. “M-Mama,” ani
“BABY! SAAN KA pupunta?” Hinabol siya ng asawa.“Bitawan mo nga ako, BK! Kailangan malaman ito ni Papa! Pinagkatiwalaan namin si Max pero ganito ang isusukli niya? Tinanggap siya ng buo ni Mama nang pumunta siya sa bahay. Pero bakit ganito ang isiniukli niya? Bakit?” Bigla siyang nanghina matapos sabihin iyon. Buti na lang nasalo siya ng asawa. Kaagad na lumingkis ang mga kamay nito sa beywang niya.“Ssshhh… Hindi ko rin alam, baby.” Hinagod pa nito ang likod niya. Bumitaw din ang asawa sa kan’ya at hinarap siya ng maayos. “Pero kailangan nating mag-isip ng maayos. ‘Wag tayong padalos-dalos. Nakakulong lang ang Uncle mo at si Frederik, pero alam kong marami pang mata ang mga ‘yon. Hindi rin tayo sigurado kung si Max nga talaga ‘yon. Kung siya man, kailangan din nating malaman kung bakit niya ginawa iyon sa inyo. Pero kami na ang bahala. Ako na rin ang kakausap sa Papa mo nang hindi nalalaman ni Max. Magpahinga ka na muna. I-a-update na lang kita sa lahat. Pangako.” Hinagod nito kapagk