Share

Chapter 2

Daniexsa's POV 

NAGMAMADALI akong umakyat sa rooftop dahil doon raw muna gustong manatili ni Allen. 

Hindi naman na ako umangal pa dahil ito na rin ang pagkakataon ko para umamin sa kaniya! 

Nang makarating ako sa rooftop ay naabutan ko pa itong nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang kanyang telepono gamit ang kanang kamay nito. 

Bahagyang nakangiti, tila ba may kausap kaya bahagya akong tumikhim upang makuha ang atensyon nito at agad naman s'yang napatingin sa akin. 

Nakaramdam ako nang panlalamig dahil sa lakas nang hangin na bumabalot sa buong kapaligiran. 

     "You know what? I'm so damn happy right now!" Untag nito at halata naman sa kanyang mga mata dahil maging ang mga ito ay kumikislap pa sa labis na kasiyahan. 

Pinilit kong ngumiti dahil para bang bumigat ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Hindi ko maintindihan, para bang masakit sa pakiramdam. 

     "Mukha nga. Halata naman sa mukha mong masaya ka. Ano bang meron?" Usisa ko pa at agad itong humarap sa akin. 

Agad itong yumakap sa akin na ikinagulat ko. Nanigas ang aking buong katawan at ramdam ko ang pagbagal nang paghinga ko. Kumalas ito sa pagkakayakap ngunit nakahawak naman sa aking mga balikat. 

     "I'm getting married, Daniexsa! Sinagot na ako ni Katie!" Malakas nitong sabi at nagtatatalon pa sa tuwa. 

Bahagyang napaawang ang aking mga labi at para bang naging mabagal ang paggalaw ng mundo at oras. Napalunok ako at pilit na pinoproseso ang mga salitang binitawan nito. 

     "K-Katie?" Wala sa sarili kong sabi at mabilis itong tumango. 

Agad n'yang inilabas ang kanyang telepono at may kung ano pang pinindot roon. Matapos ay itinapat n'ya sa akin at doon ay bahagyang nanlaki ng panandalian ang aking mga mata ng makilala ang babae sa telepono nito. 

     "S'ya si Katie! Ang totoo n'yan, matagal ko na s'yang palihim na nililigawan. College pa lang tayo that time-"

     "Bakit hindi mo sinabi?" Seryoso kong tanong at saglit naman itong napahinto. 

     "K-Kasi, strict iyong mga magulang ni Katie. Isa pa.. hindi naman siguro big deal iyon kung hindi ko sinabi 'di ba?" May pag aalinlangan nitong sagot at pinilit kong ngumiti. 

     "Siyempre! Hindi naman big deal 'yon! Ano kaba? Well, congratulations! Tao ka na!" Pilit akong ngumiti kahit na halos madurog na ako sa harapan n'ya. 

Umiwas ako ng tingin dahil panay ang tunog ng cellphone nito. Siguro ay kausap n'ya iyong girlfriend n'ya. 

     "Kaya nga dapat maghanap ka na rin 'no! Para naman hindi lang ako ang masaya!" He added. 

Siguro ay masyado ko lang binigyan nang kahulugan ang lahat. Mali lang siguro ako ng nakita sa mga mata n'ya na sa isang sandali ay ginusto n'ya rin ako higit pa sa isang kaibigan. 

O baka masyado lang akong umasa sa nararamdaman ko kaya heto ako ngayon, nasasaktan dahil sa lintek na pag-ibig na 'yan! 

     "Guess what? Muntik na s'yang mapahamak kagabi. Mabuti na lang at may dumating para tulungan s'ya." Kuwento pa ni Allen at nagkunwari naman akong nagulat sa sinabi nito.  "May apat na tarantadong gusto s'yang pagsamantalahan at muntik na s'yang gahasain sa abandonadong hotel. Damn, wala man lang akong nagawa noong mga panahon na iyon." 

     "K-kamusta naman s'ya? Iyong mga gumawa sa kaniya ng kalokohan nakulong ba?" Pang uusisa ko pa kahit na alam ko naman kung ano ang sagot aa mga sinabi n'ya. 

Ayoko lang mahalata n'yang palihim akong nasasaktan. Ayokong mabasa n'ya ang iniisip ko at mas lalong ayokong malaman n'ya pa ang nararamdaman ko. 

Para saan pa ba? Ipapahiya ko lang ang sarili ko. Mas mabuti pang itago ko na lang itong tunay na nararamdaman ko kesa ang sabihin pa sa kaniya ang lahat dahil wala namang magbabago. 

      "Aalis na 'ko." Bigla kong saad na ikinahinto naman nito. 

Agad n'yang inilagay sa bulsa n'ya ang cellphone at hinarap ako. 

     "Aalis ka? Plano ko pa naman sanang ipakilala ka sa kaniya." Nakabusangot nitong saad. 

     "Nako, Allen! Marami pa namang araw ano? Isa pa, may importante akong lakad ngayon kasama sina mama at papa!" Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay wala naman talaga. 

Bago pa man ito makapagsalita ay agad na akong kumaway at malalaking hakbang ang ginawa ko papalayo sa kaniya. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi na ako nag abala pang lumingon. 

Nang makasakay ako sa taxi ay ramdam ko ang pangingilid nang luha ko. Ipinatong ko ang aking siko sa bintana at tinakpan ang aking mga mata gamit ang kaliwang kamay ko at doon ay naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking luha. 

Naninikip ang dibdib ko sa bawat pagtulo ng mga luha ko. Ramdam ko ang panginginig nang mga kamao ko. 

Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto at doon lamang ako nagmukmuk. Nasa bakasyon sina mamang at papang. Wala rin naman akong kapatid kaya wala akong ibang iintindihin kung hindi ang sarili ko lang. 

Napapitlag pa ako nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Nang mabasa ko ang pangalan ni Allen sa screen ay muli na namang bumalik sa akin ang pait na parang isang libong kutsilyong bumabaon sa puso ko. 

Hinayaan ko na lamang ito at hindi sinagot ang tawag. Nahiga ako at doon ay muli na namang pumatak ang aking luha sa huling pagkakataon. 

     "AAAHHHH!" 

NAPAKUNOT ako nang makarinig ng isang malakas na sigaw. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ay nakita ko si mamang na nakatingin sa akin habang nakatakip oa sa kanyang bibig. 

     "D-Daniexsa?" Anas nito at agad na lumapit sa akin. "B-Buhay ka ba? O namamalikmata lang ako?" Nauutal nitong tanong na mas lalo kong ipinagtaka. 

Ano bang pinagsasabi ni mamang? Napatingin ako sa paligid at nagkalat roon ang balat ng mga sitsirya at ilang bote ng alak. Idagdag pa ang tatlong syringe na ginamit kong may lamang pang patulog dahil hirap akong dalawin ng antok. 

     "Mang? Ano bang pinagsasasabi mo?" Nagtataka kong tanong at lumapit naman ito sa akin. 

Yumakap ito nang mahigpit at agad rin namang kumalas sa pagkakayakap. Tumingin ito sa aking mga mata at saka napabuntong hininga. 

     "May problema ba, anak? Hindi ka naman maglalasing kung wala, hindi ba? At saka saan mo naman ginamit itong nga syringe? May sakit ka ba?" Sunod sunod nitong tanong at halata sa mukha nito ang pag aalala. 

Marahan akong umiling at pinilit na ngumiti. Niyakap ko lang ito nang mahigpit. 

     "Wala ho akong problema. Nasabon lang ho ako sa trabaho pero h'wag n'yo nang alalahanin iyon." Balik ko pa at naramdaman ko ang marahan nitong pagtango. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang petsa sa aking cellphone. Tatlong araw na pala simula noong gabing umuwi akong sawi at ang dami ko na ring email na natanggap mula sa aking butihing Senior Manager. 

Kulang na lang ay murahin na ako nito dahil sa pagliban ko sa trabaho ng hindi nagpapaalam. Binilisan ko na ang lakad ko at agad naman akong nakasakay sa taxi! 

Wala pang trenta-minutos nang makarating ako sa kompanya at nang makarating ako sa aking office table ay iba na ang nandoon! 

Wala na rin ang dati ko pang gamit. Ngunit, ang ikinahinto ko ay ang pamilyar na taong nasa harapan ko. 

     "Hi! Bago lang ako rito sa kompanya. I'm Katie Sandrias! Nice meeting you!" Masigla pa nitong saad at akmang magsasalita ako nang may kumalabit sa akin at itinuro ang aming Senior Manager na nasa pintuan pala at malamig na nakatingin sa akin. 

     "Come to my office, Alcantara." Walang emosyon nitong sabi kaya dali dali akong sumunod sa kaniya. 

Nang makarating kami sa opisina nito ay marahan kong isinarado ang pinto. Naghihintay kung ano nga ba ang sasabihin nito at gusto ko ring malaman kung bakit ang babaeng iyon ang nasa office table ko. 

     "Ano? Matapos mong mag awol sa trabaho ay nagawa mo bang bumalik rito?" Nakataas kilay nitong tanong kaya bahagya akong nagtaka sa sinabi nito. 

     "Sir-"

     "You're fired, Miss Alcantara! Puro sakit lang sa ulo ang ibinigay mo sa akin at ngayon ay nakuha mo pang umabsent nang tatlong araw! Ano? Magdadahilan ka na naman?! Hindi ko alam kung bakit ba nabigyan ka ng pagkakataong makapasok rito but I'm telling you, you don't even deserve to be part of this company!" Sigaw nito at alam kong rinig na rinig nang ibang empleyado ang boses nito. 

     "Nakita mo ba si Miss Katie Sandrias? Maayos s'yang magtrabaho at hindi sakit sa ulo! Hindi n'ya nagagawang lumabag sa rules and regulations ng kompanya at nakikita kong magiging isang magaling s'yang lider. Hindi katulad mong walang ibang ginawa kung hindi ang painitin ang ulo ko sa bawat araw!" Dagdag pa nito. 

     "Tapos ka na ba, sir? Gusto kong itanong kung nasaan ang mga gamit ko?" Tamad kong tanong at nanlalaki pa ang mga mata nito sa narinig. 

     "What?! Iyan lang ang sasabihin mo? Hindi ka man lang ba hihingi nang tawad at magmamakaawang h'wag kang alisin sa kompanya?! Ang yabang mo talaga, Alcantara!" Inis nitong saad kaya mahina akong natawa. 

Ano bang pinagsasasabi nito? S'ya na nga itong ininsulto ang buo kong pagkatao tapos ako pa itong nagyayabang? 

     

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status