Lumabas ako sa Mercedes, sumunod si tatay daddy na tumabi kaagad sa akin. Umangat ang paningin ko sa matayog na building na nasa harapan namin.Belleza Incorporated. 'Yan ang nakalagay sa itaas pacurve style and kulay skyblue na may white sa gilid. Mas maganda ito para sa akin, syempre kami ang may ari, e.Dalawang araw na ang nakakaraan ngunit hindi parin ako tuluyang napapalagay ang loob. Iyong nangyari sa dinner ay nasa isip ko pa, lalo na naman yung sa restaurant. Nakatatak parin sa aking isip at sistema ang eksenang 'yon, detalyado kaya minsan ay natutulala na lamang ako kapag aksidente ko iyong naalala.Ang problema rito ay kahit anong gawin kong paglilibang ay hindi ko iyon magawang kalimutan. Ganito ako eh, kapag may pangyayaring mabigat sa pakiramdam ko ay umuukit sa akin nang husto."My princess, this will be your soon to be office." Nakalahad ang kanyang kamay sa nakabukas na pintuan. Humakbang ako para pumasok at inilibot ang paningin doon. Clean white and cream ang tema,
Dinala ko ang monoblock chair sa pwestong tinatalikuran ang lounge kung saan naroon ang dalawang architect at isa pang engineer at kasama si Kelvin na syang rason kung bakit ganito ako ngayon."Ms. Leticia? Bakit hindi ka lumipat rito sa tabi ko?" puna ni Architect Ramos pagkaupo ko.Kaharap ko sya samantalang sa magkabilang gilid namin ay si Engr. Marquez at Engr. Samonte. May silong naman kaya inalis ko na ang red hat ko pero yung coat ay hindi pa, ewan ko para kasing may pumipigil sakin."'Di. Okay na ako dito, mas komportable ako." tumango tango na lamang sya at humalukipkip.Maganda si Architect Aviene Ramos. Mahaba ang kanyang buhok, mga hanggang bewang nya tapos wavy kaya bumabagay sa maputi ngunit mamula mula nyang kutis. Yung mukha nya parang kahit hindi mo na lagyan ng make up ay nakakahalina parin."Ang tagal ng delivery," biglang tingin ni Engr. Samonte sa kanyang wristwatch. Umubo ng bahagya si Engr. Marquez at sumulyap muna sa akin bago nagsalita."Hindi naman ikaw ang
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang umaandar na ang sasakyan.Sumulyap sya sakin saglit,"On my penthouse," at tumingin ulit sa daan.Kumunot ang noo ko."Bakit? Paano silang mga nasa site? Baka sabihin bigla nalang tayong nawala?" Sunod-sunod kong tanong.Hindi nagbago ang ekspresyon nya, seryoso parin nakapokus sa pagmamaneho. Ang gwapo nya lalo kapag ganiyan, magkasalubong ang mga kilay tapos kitang kita ko ang perpektong pagkakahulma ng kanyang panga at matangos nyang ilong. Hollywood-like-greek god!"I want you with me. Ako na ang bahala sa kanila, don't you worry." aniya nang hindi lumilingon."Okie. Eh.. kasama mo naman na ako, ah? Anong sinasabi mo dyan na you want me with you?" Huminto ang kotse dahil traffic kaya malaya niya akong nabalingan at nagawa nya pang ilapit ang bibig sa tenga ko."Alone, Leticia. I want you alone," Nakagat ko ang labi dahil pinaglandas nya ang dila roon.Napapanguso ako kapag napapasulyap sa magkasiklop naming mga kamay. Nakalapag ito sa hita
"Thank you, ate Agnes." pagpapasalamat ko kay ate Agnes na nag abot sa akin ng iced tea.Pumasok kami sa loob ng mansyon pagkatapos ng pangyayari. Nakaupo kaming tatlo nina Tito Jershun at Kelvin sa sofa set. Bumalik ang pakiramdam ko 8 months ago, nananiriwa ang mga alaalang naiwan ko rito sa mansyon nila.. pero this time ay wala nang halong pait at sakit pa.Bakit nga ba ganun ano? Kapag magmomove on ka, napakahirap. Kapag nandyan yung sanhi ng pagmomove on mo, napakadaling balikan.. pero masakit. Pero kapag marupok ka, ayos lang masaktan basta magkabalikan kayo. Mahal mo, e, 'di ba?Hayyy, lintik na pag-ibig.. "Dad, what was she doing here? You should've not let that psychotic bitch enter the mansion!" Bakas ang inis sa mukha ni Kelvin. Hinawakan ko ang kamay nya para sya'y pakalmahin."I didn't know you two was not in good terms. Although, she's not the woman you love you should still respect her as a woman. Respect, son." Pangaral niya sa anak at sumimsim sa champagne.Agad nag
Totoo nga ang sabi nila na 'Love is sweeter the second time around'. 'Love is better after the pain'. Chos, gawa gawa ko lang yung pangalawang sentence pero naniniwala ako doon. Kasi matapos ng lahat ng pinagdaanan ko, namin ni Kelvin ay heto at kami paring dalawa. "Omygosh! Omygosh! I can't believe it! You're already get engaged, freny!" Natawa ako sa reaksyon ni Ericka. Nanlalaki ang mata nya pati bibig na nakatingin sa singsing ko.'Yung reaksyon niya, parang siya pa yung ikakasal. Natigil ang tawa ko nang mapansin na walang reaksyon ang mukha ng kapatid niya sa kanyang tabi. Tumungo ako, naramdaman na hinawakan ni Kelvin na katabi ko ang aking kamay sa ilalim ng mesa."What's the matter?" bulong niya sa akin habang naghihisterya parin si Ericka. Napansin niya yatang nawala ang ngiti ko.Umiling ako,"Wala, Kier. Hinihintay ko lang matigil muna si freny, mukhang nabigla talaga sya sa nalaman," sabi ko nalang."Omygee! Congratulations, freny! Ninang ako, ah? Gosh! Until now hindi
Pagtama ng sinag ng araw na sumisilip sa espasyo ng kurtina sa bintana ang nakapagpagising sa akin mula sa magandang panaginip. Ganoon ako kasaya, hanggang sa panaginip ay magaan ang pakiramdam ko lalo naman ngayon na nasa reyalidad na ulit ako. Reyalidad kung saan ikakasal ako sa lalaking minamahal ko.For really real!Itinaas ko ang kamay para matitigan ng husto ang engagement ring na suot ko. Napangiti ako ng malawak at hindi maiwasang ang impit na tili, gumulong-gulong pa ako sa kama. Hayyy, ang sarap kapag niyaya ka ng kasal ng isang Vanhouger.Pero naputol ang paghihisterya ko nang biglang tumunog ang disney alarm clock ko. Bumangon ako agad at kinuha 'yon, nanlaki ng superb ang mga mata ko. Omygoshie! May appointment nga pala ngayon with the stockholders of Belleza Inc.!"Anak? Ngayon ka lang? Akala ko may meeting kang dadaluhan?" bungad ni nanay na nagbebreakfast kasama ni tatay matapos kong bumaba."Hindi ko po naalala. Ang sarap ng tulog ko.." sambit ko saka sila hinalikan
"Kamusta ang prinsesa?" pumasok muli ang matandang lalaking kahit sa panaginip ko'y hindi ko hihilingin na makita pa.Namaluktot ako sa isang sulok, nanginginig dahil sa panlalamig at labis na gutom. Hindi ko ginalaw ang pagkaing inilapag nila sa harap ko, tingin ko mas mabuti na ang magutom ako kesa kainin ang pagkain na ibinigay ng mga demonyo."Boss, hindi niya ginalaw ang pagkain. Turuan ba natin ng leksyon 'to?" lumakas ang pangangatal ko dahil sa sinabi nung matabang lalaki. "Dadahan dahanin natin para mas matagal ang sakit."Lumapit sa akin ang tinatawag nilang boss at hinablot ang aking buhok. Napasigaw ako gamit ang paos na boses. Malakas na humaklit ang kanyang malaking palad sa pisngi kong kanina pa'y manhid. Nalasahan ko na ang dugo at nanghihinang yuyuko na sana ang ulo pero hindi niya hinayaan."Ang pag-iinarte ng prinsesa ay hindi pwede sa akin dahil tatamaan ka talaga sakin!" Sunod ay hinampas ng likod ng kamay niya ang kabilang kong pisngi.Wala na akong lakas para t
Pabalibag na bumukas ang yerong pinto. Tumambad doon si Kelvin. Kasunod niya si Kiel, Euhan, Trevor at yung pinsan nilang nagngangalang Reij sa pagkakatanda ko. Pare pareho silang humahangos na tinignan ako. Ngumiti ako kay Kelvin nang magtama ang aming paningin kasabay ng luhang dumalisdis sa pisngi.Silang lima ay nakacorporate attire lahat. Hindi ko alam kung sinadya ba nila iyong pagsusuotin o sadyang kagagaling lang nila sa trabaho. Ang mukha ni Kelvin, umiigting ang panga at madilim ang hitsura habang nakikita ang kalagayan ko. Ang kaibigan kong si Euhan, awang awa sakin at magkasalubong ang mga kilay. Si Kiel at Trevor pati si Reij ay magkakapareho ang reaksyon, mabibilis ang paghingang halos magdugtong ang mga kilay.Magsasaya na sana akong tuluyan dahil narito na sila ngayon sa harapan ko pero sunod sunod na lamang tumulo muli ang mga luha ko nang maramdaman ang malamig na bagay na nakadikit sa sentido ko. Nagbukas ang patay sinding bumbilya. Dumoble ang reaksyon nina Kelvin