( Janine )
Nang hilain ng babae ang bata. Umiyak ito. Kaya naman, papaki-usapan ko na sana nang…
"Ivy." At kung si Ivy siya. Ibig sabihin...
Diyos ko ang anak ko!
Marahas na nitong hinila palayo sa akin ang bata. Nasasaktan si Kevin. Sa labis nitong pag-iyak. Kumilos mismo ang mga binti ko para habulin sila.
Hindi ko aakalain na…
"Ano ba! Nasasaktan ang anak ko!" Saka ako sinalubong ng mga palad ni Ivy. Sinampal niya ako.
"Wala kang anak!" Tuluyan na ring lumabas ang mga luha ko.
Nakatitig ako kay Kevin. Umiiyak siya. Nakatingin na rin siya sa akin..
"Kevin. Anak ko." ang naisambit ko.
Sasampalin pa sana ako ni Ivy. Nang may malakas na kamay ang pumigil sa kanya. Nang inangat ko ang paningin ko…
Si Julius.
"Pumunta na kayo ni Kevin sa sasakyan." Matikas niyang sinabi habang nakatitig sa akin.
"Daddy. Ayoko!" umiiyak si Kevin.
"Ke
( IVY )Di nagtagal sumakay na si Julius nang sasakyan. Nakahinga ako dahil di niya kasama yung babae. Siguradong may napag-usapan sila.Pagpasok niya. Humihikbi na lang si Kevin."Dad…" Ngumiti si Julius kay Kevin.Binuhat niya ito at inupo sa sarili niya. Ginulo niya ang buhok nito saka niyakap.Umandar na yung sasakyan.Biglang nagsalita uli si Kevin na halos di ko nagustuhan."Dad. Si Mommy po ba yun?" Tumango si Julius bilang tugon."Bakit hindi po ninyo siya kasama? Saka bakit nagalit si Mama Ivy kay Mommy." Halos napapikit ako. Kailangan pa talagang ipaalala kay Julius."Mahal mo ba ang Mama Ivy mo?" Isang tanong ang isinagot ni Julius. Na halos napalingon ako sa mag-amang katabi ko.Ipit ako sa tanong na yun."Dapat lang po dibang mahalin si Mama Ivy kasi inalagaan niya po ako habang di pa umuuwi si Mommy. Dad. Kailan po uuwi si Mom sa atin? Niyaya niyo na po ba
( Janine )Nang magpaalam na ang mga guardian sa akin na uuwi na sila.Yung sakit na kanina pang gumugulo sa dibdib at isipan ko ay tuluyan na namang sumigaw.Sobrang sakit. Na halos hindi ko na mapigilang umiyak uli.( DANIEL )"Kamusta yung tour?" Salubong ko sa anak ko."Okey lang po." At ng tignan ko si Janine."O-okey ka lang?" Tumango lang siya."Pasok na muna ako." At pumasok na nga siya."Anong nangyari?""May nangulo po kasi sa kanya.""Nangulo? Sino?" Umiling si Aby."Di ko po kilala.""Sige magpahinga ka na rin.gamitin mo muna ang silid ko. Kakausapin ko lang ang Auntie Janine mo.""Opo."Umakyat ako sa silid nila. Kumatok ako ngunit hindi niya ako pinagbuksan. Kailangan niyang mapag-isa. Ano kaya ang nangyari?No’ng gabing yun. Hindi bumaba si Janine at
( JANINE )Ilang araw na lang, aalis na ako. At ilang araw na lang, ikakasal na sila."Sige, gusto sana kitang samahan kaso...""Ok lang Daniel. May mga kailangan lang ako puntahan. ""Uwi ka kaagad." Tumango ako sa kanya.Dumating na yung Taxi.Yung pamilya ko. Wala na sa lugar na'to. Inilayo dito ni Julius sila para sa kaligtasan nito at si Kuya naman ang naghanap ng lugar.at dahil ayaw ni kuya sa impluwensya ng kapangyarihan ni Julius.Talagang mas pinili na manirahan sa malayo.Tinawagan ko sila. Naiyak sila ng malaman nilang buhay pa ako.Umuwi na lang daw ako doon kung may oras daw ako.At di na ako nakasagot dahil akala nila kasama ko na ngayon ang mag-ama ko. Hangang sa…"Mag-iingat ka ha.""Ba-bye."Opo. Iingatan ko po ang sarili ko.Sumunod na pinuntahan ko. Yung lugar kung saan ako unang dinala ni Julius. Yung
( Daniel )Wala parin si Janine. Gabi na.Nakatulog na rin ang anak ko.Asaan na siya?( JULIUS )"Maganda ba yung byahe mo sa panaginip mo?""Ang daya nga po. Di niyo po ako ginising.""Kasi naman pati pagiging antukin ng Mommy mo minana mo.""First place pa lang yun di'ba? Babawi na lang po ako sa second place.""Gabi na eh. Sige, matulog ka na.""Hindi pa po ako puyat.""Hmmm..""Isama niyo na po ako. Please.""No. Gabi na. Next time na lang, okey.""Sige po. Ikamusta niyo po ako kay Mommy kapag nagkita po kayo.""Sure.sweet dreams."Iniwan ko na si Kevin. Dahil sa ngayon, gusto kong balikan ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Janine.May kakaiba kasing tumutulak sa akin. Para pumunta roon."Sa-saan ka pupunta?" Si Ivy."Uuwi din ako."
( Janine )Sa pagtalikod ko. Isa lang ang pag-asang hawak ko.Ang pag-asang balang araw, magiging maayos rin ang pakiramdam kong 'to.Lilipas din 'to Janine. Maging matatag ka lang.Palabas na ako ng kapilya nang matigilan ako.Napalingon ako sa sindihan ng kandila.Ang lugar kung saan hiniling ko na magbago na ang lahat.Napalapit ako. Yung alaala ni Julius.Hindi siya marunong gumamit ng posporo.Na bigla kong ikinangiti ngunit.sinundan ng mga luha.Ewan ko ba. Saan ko ba kinukuha ang luha kong 'to.Oo nga naman. Narito ako para balikan lahat ng alaala.Para kapag dumating ang panibagong bukas. Tapos na talaga ang lahat.Lumapit ako sa sindihan. Inabot ang isang kandila. May isang kandilang may sindi.Doon ko idinikit yung akin. Kung dito sa lugar nag-umpisa ang lahat. Dito ko rin tatapusin ang lahat.
( Janine )Sa mga oras na yun. Gusto ko may yumakap sa akin.Kaya nagulat ako ng may yumakap sa akin. At ang yakap na yun ay matagal ko ng hinahanap. Sa loob ng limang taon."Tama na Janine." At halos bumuhos ang luha ko. Sa mga yakap niya. halos naramdaman ko yung panahon na nangulila ako sa kanya. Sa yakap niyang yun parang nanaisin ko pa na pang habang-buhay na ganto na lang kami.( JULIUS )Hinarap ko si Janine sa akin. Pareho kaming basang-basa ng luha ang mukha namin."Hanggang ngayon, iyakin ka parin." At pinunasan ko sa pamagitan ng mga daliri ko ang luha niya. Saka niyakap ko siya."At hangang ngayon, kayang-kaya mo paring patuluin ang luha ko."Naramdaman ko, napayakap na rin sa akin si Janine. Umiyak uli siya habang naksubsub sa dibdib ko ang mukha niya.Sobra kong namiss ang babaeng 'to. Gusto ko… Ganito na lang lagi kami. Mala
( DEO )(Haist. Di na ako babalik author sa bahay na yun! Kung naroroon lang naman ang witch na yun. Mabait pero nasa loob ang kulo. Tsk.)Tsk. Ang sakit parin ng ulo ko. Matapos may mangyari sa akin sa Del Mendevil Mansion noong nagdaang araw.Hindi ko yun sinabi kay Sir Julius.Kaya nga may galit ngayon sa akin ang boss ko dahil hindi ko daw siya sinipot.At kinabukasan noon nagulat na lang ako. Magpapakasal si Sir Julius kay Ivy? Anong nangyari?Kinulam ba siya ng babaeng yun? Hala.Tsk. Mga babae talaga ang galing manlason ng isipan ng mga lalaki. Napabuntong hininga ako.Ako pa talaga ang mag-aayos ng kasal nila? At sa makalawa na yun. Kaya nga abala ako.Lokong boss ko yan. Pinagbigyan ang kayabangan ng babaeng yun… at ang rason… Para kay Kevin.( JANINE )Lutang ang isipan ko haba
( JANINE )Nakaramdam ako ng tuwa ng, niyaya ako ni Julius, kahit ganito ang situation naming dalawa.Bigla akong nagkaroon ng sigla dahil. di ko inaakala na sa pagmulat ko ng aking mga mata si Julius ang madaratnan ko. At labis akong nanabik ng pumayag siyang makasama ko saglit ang anak namin.May kinausap siya sa kabilang linya para ayusin ang araw naming to. Napayakap ako sa mga tuhod ko. Sana di na matapos ang araw na ito. Nakatingin ako sa likuran niya, habang may kinakausap siya, nakaharap siya sa labas.Ang lalaking to.At muli na namang tumulo ang mga luha ko. Di ko na talaga alam kung saan ko kinikuha ang luhang to.Ang lalaking nakatalikod sa akin, talagang impossibleng maging akin. Bakit nangyayari ito sa akin? Nasasaktan ako. Sobra. Paulit ulit na sinasampal ako ng katotohanan na hindi siya ang para sa akin.Habang nakatitig ako sa kanya. bigla siyang humarap."It's settled. Janine? Ba