Share

Chapter 15

Tarinio Castillion

"OUCH!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Agapito nang madampian ng bulak ang gilid ng labi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mga sinapit nila. "Bakit naman kasi sa dami ng pwedeng tamaan ng suntok 'yong mukha ko pa," angal niya.

Kahit dati silang mga agent hindi sila kagalingan sa pakikipaglaban at kulang sa combat skills dahil nakasentro lamang sa hacking ang trabaho nila noon pa man. Sanay silang kumuha at magnakaw ng mga importanteng impormasyon kaysa ang makipagbarilan at makipaglaban.

Nandito kami ngayon sa pad ni Anaxy, hiniram namin ang tatlong nurse sa hospital ng pinsan kong si Syete dahil hindi ko sila pwedeng dalhin do'n dahil siguradong mare-report sa mga pulis ang nangyari. Tapos ko nang kausapin ang mga pulis na huli nang rumisponde at nagpakilala kung sino ako kaya hindi na nag-ungkat ang mga ito.

I can always consider my family's last name as an asset. Mas napapadali ang trabaho ko kapag isinasali ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status