Pero para kay Tisoy masarap ang puwestong iyon na noon pa niya pangarap ng tawagin niyang Mahal si Irene sa tricycle noon.
"Love at first" kung yun man ang tawag doon.Yun ang naramdaman nya ng una niyang makita si Irene. Kaya nga kahit paghingi lang sana ng tulong ang pakay niya sa dalaga ay nauwi siya sa malaking pagkakamali..isang malaking pagkukunwari.
"Good night Mahal" Bulong ni Tisoy at isang halik sa toktok ng babaeng iniibig ang ibinigay niya bago nito ipinikit ang mga mata. Hindi na rin namalayan ng binata na nakaidlip siya ng nakaupo at yakap si Irene.
Kinabukasan ay maaga nga silang nagpunta ng hospital.Inasikaso ni Irene ang kailangan ng kapatid hanggang sa mailipat ito sa ward. Nagpaalam si Irene na hindi papasok sa araw na iyon pero hindi siya maaring mag leave dahil paano ang gastusin nila pag wala siyang sinahod. Kaya ng sumunod na araw ay inasa niya kay Tisoy ang pagbabantay sa kapatid.Nagpalitan na lamang sila pag uwi niya.
Tinawagan ni Irene ang ang asawa ng kuya niya at ibinalita ang nangyari iyak ito ng iyak at halos gustong umuwi pero kakaalis lamang nito halos pitong na buwan pa lamang kaya hindi pa ito makakauwi. Sa pagtawag ni Irene sa hipag ay doon niya nalaman na magkagalit pala ang magasawa.
Hindi pala gusto ng kapatid niya ang pagalis nito.Sabi ng hipag niya gusto daw ng kuya niya na umalis ito kapag kasal na sila pero sinamantala ng hipag na may bakante at oportunindad na makaalis. Hindi pala komokontak ang kuya niya sa hipag mula ng umalis ito.
Tinanong niya kung bakit tinaggap ni Kuya niya ang motorsiklo.Hindi rin daw alam ng hipag niya pero ang kuya na daw niya ang nagtuloy ng hulog nito. Sinabi ng hipag niya na gusto nitong tulungan sa gastusin ng kuya niya pero ilihim na lang dahil baka magalit o baka ayaw ng magkaroon ng koneksiyon ng kuya niya dito. Narinig niyang humahagolhol na ng iyak ang hipag niya kaya alam nyang mahal pa nito ang kapatid.
"Cge ate ako na pong bahala.Pero sasabihin ko sa kanya na tumulong ka paglabas na niya ng hospital ung wala na siyang magagawa pa" Sabi ni irene.
Sinabi rin niyang babalitaan ang hipag from time to time. Halos apat na araw na ang kuya niya sa hospital at medyo maayos na ito.Gumising ito sa ikalawang araw panay angvsorry sa kanya. Inihahabilin pa siya kay Tisoy. Napansin ni Irene na matapos ang halikang namagitan sa kanila ni Tisoy ng gabing iyon ay hindi na iyon naulit pa bagamat hindi naman umiiwas si Tisoy.
Parang wala namang nagbago dito pati pakikitungo sa kanya malambing pa din ito at maasikaso. Hindi na ito muling nagtangkang halikan siya kahit good night kiss man lang kapag papasok na siya sa silid niya ilang gabi na ang nakalipas. Hindi naman sa atat siya pero totoong umasa sng puso niya na may magbabago sa pagitan nila at trato ng binata sa kanya.
Inaasahan niyang magiging mas malambing ito at inaasahan niyang mauuwi sila next level pero mukhang bigo siya. Sa ilang araw na nagdaan ay nakaramdam ng tampo si Irene ayaw man niya pero yun ang nararamdaman ng puso niya.Maliit na bagay pero ewan niya pero nasaskatan siya. Ilalabas na ng hospital ang kuya niya bukas at ngayon na lamang ng huling pagkakatoan nila ni Tisoy na makapag usap na mga bagay tungkol sa kanila. Nangangapa man ay alam ni Irene na may special sa pagitan nila ni Tisoy at gusto lamang niya iyong alamin.
Samantalang si Tisoy naman ay nakadungaw sa gate habang iniinom ang kanyang beer. Bukas na ang discharge ng kapatid ni Irene kapag nagkataon ay baka mawalan na siya ng pagkakaong masolo ang dalaga. Ramdam niya ang pagtatampo ng dalaga sa kanya.Hindi ito galit pero hindi na malambing katulad ng dati lalo na kinaumagahan matapos ang halik na namagitan sa kanila.
Nagdadalawang isip si Tisoy kung mapaninindigan ba niya ang damdamin.Natatakot siyang masasaktan niya ang dalaga kapag bumalik na siya sa katotohanan. Pero kanina mula sa hopsital ay tila iwas si Irene sa kanya. Parang galit ito. Mas malala kesa ng mga nakaraang araw.Kay lalogn bumigat ang pakiramdam ni Tisoy at lalong nabalisa.
Pumasok ang binata sa loob ng bahay ng hindi na makayanan ang pagkabalisa at naabutan niyang gising at nanunuod pa ng k-drama ang dalaga. Umupo siya sa tabi nito.Balak sanang makipagkuwnetuhan pero tumayo agad si Irene.
"Matutulog ka na ba?, Ahh sige" Sabi nito at pinatay na ang Tv at dvd saka humakbang na pabalik ng silig niya. Papasok na siya ng silid ng pigilan siya ni Tisoy.
"Ren, antok ka na ba?" Sabi ni Tisoy hindi alam kung paano sisimulan ang gustong sabihin.
"Papasok na ako sa kuwarto obious ba?" Maayos naman ang tanong nito at malambing pero iwan ni Irene naiinis siya sa katorpehan nito.
"Ren, galit ka ba? may nagawa ba akong mali. Sorry kung meron man" Malambing pa ring sabi nito.
"Alam mo ba ang inihihingi mo ng sorry Tisoy?"
"Oo yung nakaraang gabi?" Nasaktan si Irene. So he feel sorry pala.Kaya pala hindi na inulit pa ng h*******k.
"I feel sorry kase hindi ko nasabi ang dahilan ng gabing iyon. I feel sorry para din sa ngayon" Sabi pa nito.
"Bakit?" Litong tanong ni Irene.
"Kase gustong kung ulitin yun" sabi ni Tisoy at lumapit ng husto sa kanya. Kinabahan si Irenen at napaatras kaya napapasok si Irene sa loob kaya pati si Tisoy ay nakapasok na din.
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan" Kunwari ay galit galitan ng sabi ni Irene pero nanginginigbna siya sa kilig.
"Can I kiss you again Ren?"
"Gaganyan ka tapos bukas parang balewala na naman" may himig tampong sabi ni Irene.
"Sabi na nga ba nagtatampo ang mahal ko"
"Ano? ano"kamo?" sabi ni Irene.
"Sabi ko gustong gusto kitang halikan noong nakaraan pa" Sabi nito at hinalikan na nga siya ulit. Isinara ni Tisoy ang pinto.Nakaramdam ng kilig si Irene dahil hinihintay niya ang sandaling ito na muling makasama ulit si Tisoy. Isang nakakanginig ng tuhod na halik ang ibinigay nito mapusok at mas mainit kesa noong nakaraan. Isinandal pa siya nito sa dingding saka isinandal naman sa kanya ang buong bigat nito.
Sobrang sarap ni Tisoy humalik yung parang expert yung tipong halik pa lang titirik na ang mga mata nya. Kaya siguro hinanap hanap niya din dahil nakakaadik talaga. Hindi naman si Tisoy ang una niyang kahalikan May mga nakarelasyun na rin siya yung isa nga malalim at matagal pa niyang naging syota since high school pero ipinagpalit siya sa mas matanda sa kanya pero may ari ng pa loadan daw sa lugar nito.
Nalilibre ata ng unli yung loko kaya ayun nabuntis nito kaya ayun no choice kundi pakasalan. Kahit na ipinagduldulan ng syota niya na lasing lang daw ito at siya ang mahal. Si Irene na rin ang bumitaw. Hindi madaling magbalik ng tiwala. At lalong hindi kaya ng konsensya niya na may maapektuhang bata.
Pero iba ang mga halik na ipinararamdam ni Tisoy, medyo hindi niya maipaliwanang pero iba.Ibang iba kesa sa halik ng lahat ng ex niya.
"Ren.. i miss you" Bulong sa kanya ni Tisoy. Para namang nalunod ang puso niya sa saya sa bulong na iyon.
" I miss you too akala mo dyan..." Sabi ni Irene sa pagitan ng mga halik na sinasagot naman niya ng kasing init na halik.
"Ren, alam ko baka hindi mo paniwalaan pero gusto ko pa ring sabihin" Sabi Tisoy saka tumigil sa paghalik sa kanya at tumitig.Alam niyang kapag binitawan niya ang salitang gustyong sabihin ay wala na itong atrasan.Sana lamang ay si Irene na nga ang tamang babaeng matagal na inyang hinahanap.matanggpa sana nito an lahat.
Ngumiti si Tisoy ito na tila ba siya inaakit samantalang matagal na siyang hibang at akit na akit sa mga simpleng sulyap at ngit nito. Para siyang palaging nahihipnotismo sa titig pa laamg ni Tisoy.Ilang besbes na nga niyang nasalo ang panty niya dahil madalas mahulog" biro ni IRene sa isipan.
" I like you Ren" Sabi nitong titig na titig sa kanya.
"Weeh...di nga?" Ewan niya naman niya kung bakit yun ang naisagot niya sa pagkaroma romantic na moment na iyon. Tumamawa ito yung sexy at nakakabaliw na tawa yung bang tawa na kapag narinig mo mapapahubad ka.
"Ang cute mo talaga Ren, kaya lalo kang nakakabaliw" Sabi nito.
"Ay ayun lang nagmukha naman itong goons sa dialogue na yun"
"Wag mo na lang akong paglaruan Tisoy. Libre na nga pagtira mo pati kiss mo libre na aba sumusobra ka na ha" Biro ni Irene.
Dinadaan na lamang ni Irene sa biro ang lahat pero nanginginig ang mga tuhod sa kaba hindi kase umalis ang titig ni Tisoy sa kanya kahit isang segundo. Kaya lalo niyang natitigan ang mahahabang pilik mata nito. At light brown pala ang mga mata ni Tisoy para talagang may lahing Espanyol."I do!" Sabi na nga ba hindi mo paniniwalaan eh,I like you since the first day i saw you. Nung tawagin kitang mahal naalala mo?""Weehh di nga?""Ren naman eh. Saka Ren I think... I think in love ako sayo""Ay putcha gaguhan na to Tisoy. Naimpluwensyahan ka na ba ng mga Kdrama na pinanunuod natin.Hoy! di bagay sayo ha! pang Asianovela ka lang.Wait parehas din yun. Aahh ...basta pang Marimar ka gets mo yun?""Bakit mo nan gugustuhin ang simpleng dalagang pilipinang medyo malanding tulad ko ha aber sagutin mo nga?"sunod sunod na sabi ni Irene."Ren hindi ako ngbibiro mahal kita..hindi na ako makatulog kakaisip isip sayo eh.Lahat ng gawin ko parang nandun ka nakangiti. Pagpumipikit ako mukha mo ang nakiki
Sa ikalawang pagkakataon minahal at sinamba niya si Irene."Mahal, lilipat na ako sa sofa ha. Baka biglang lumabas ang kuya mo.Malintikan ka""Takot ka ba?"tanong ni Irene sa binatang yakap sia ng mahigpit"Hindi yun mahal, ayoko lang isipin ng kuya mo na wala akong utang na loob at pati ikaw ginagapang ko.Hindi ko lang talaga napipigilang mahalin ka. Hayaan mo kapag medyo okay na kuya mo.Magpapaalam ako ng pormal para ligawan ka siyempre kunwaring ligaw na lang ha kase sinagot mo naman na ako" Biro nito sabay pisil sa baba ni Irene na muli na namang dimapian ng nakakakilig na halik ang labi niya."Okay sige" un na lang ang nasabi ng dalaga. Iginagalang naman kase siya nito kahit ang totoo nga ay siya na ang atat talaga."Sana lang makahanap na ako ng trabaho. Iyon kase ang isa pa sa kinahihiya ko sa kuya mo eh. Palamunin ako" Sabi ni Tisoy.Biglang lumungkot ang mukha ni Irene saka lumuha. Biglang sumagi sa kanyang alala kung bkait nga ba hindi magawang makahanap ng trabaho ni Tisoy
"Anong napala mo sa adventure mo? Why dont you just accept you destiny Brandon.Total kahit naman sinong babae pa ang harutin mo you will never be a man to them" sabi ni Trinidad.Parang gustong dukwangin at hablutin ni Brandon ang nguso ng babae at paduguin pero nagpipigil pa rin siya. Hindi niya gustong magalit ang lolo niya kailangan niyang makumbinsi ito bago pa mahuli ang lahat."Kelan mo pa naging business na pakialaman ang ang buhay ko Tita?" pigil ang galit na sabi ni Brandon."Sino ang gaganahan mag almusal kapag mga buwaya ang kasama mo sa Lamesa " sa isip isip ng binata."As far as i know may pakialam ang mommy ko Brandon" Singit ni Lucile."As near as I know even you have no F*cking right. Both of you must shut your shitty mouth"Inis na baling niya kay Lucile at least ito kaedad niya kaya pwede niyang patulan. Buwisit siya na prenteng nakaupo at kumakain ang mga ito sa pinaghirapan ng iba. Prenteng sinasamantala ng dalawang lintang ito na hibang sa pagibig ang lolo niya."
Pinalipas muna ni Brandon na tahimik ang lahat. Pinilit niyang maging sunod sunuran at pinakibagayan si Lucille kahit sukang suka siya at higit sa lahat nagpakaabala sa opisina. Sinikap niyang palabasing busy siya sa trabaho at seneseryoso na ang paghawak sa negosyo ng pamilya.Kahit sa kanyang lolo ay ganun ang pakita niya para mapaniwala ang lahat.Madalas niyang nahuhuling pinasusundan siya ng kanyang tiyo Ben kaya naman naging mas maingat si Brandon at pansamantala sa loob ng dalawang buwan ay hindi siya kumikos ng pwedeng paghinalaan.Sa kanyang opisina at sa kanyang silid sa hotel mas ginusto na lamang ni Brandon manatili. Naroon na lamang ng buong maghapon at kung minsan nga ay hanggang magdamag pa lalo na kapag nagkayayaan iminom. Malaya si Brandon sa sariling opisina at sa silid niya dahil hindi madalas magpaunta doon si Lucile dahil imbiyerna daw ito sa staff niya at madalas silang magtalo ng kanyang secretarya na harapan din kung bastusin si Lucille. Bagamat kunwari ay kay Lu
Maaga nga kinabukasan ay bumiyahe na si Irene. Ayaw man niyang iwan ang bahay ay alam naman niyang pansamantala lang iyon kapag naka adjust na siya ay Bibisita naman siya para makapag alikabok man lang. At mag moment sa silid niya naroon kase ang dalawang beses na pinakamasaya at masarap na memories niya.. nila ni Tisoy.Eksaktong 6:39 ay nasa Blazed Hotel na nga siya sa costumer lobby. Bilin daw ng manager na ipahatid na lang rin daw ang pangungumusta ng amo sa mayari ng Magnate Hotel kapag nagkita sila. 7:05 ng may magsalita sa likod niya."Miss Irene Sandoval?" sabi nito sa magalang at malumanay na salita. Napakunot ang noo ni Irene.Sa tagal niyang nanunuod ng kdrama alerto na siya sa mga scammer at rapist."Paano nito nalamang siya ang dapat siya ang iapproach.Paano nito nalaman na siya ang Irene?""Ah wag kang magalala. Ako ang susundo sayo . Eto oh look.." sagot ng lalaki ng makitang kumunot ang noon niya na parang natakot.Pagtingin niya sa hawal nito ay resume niya at may 4x4 p
"Tisoy..!?" mahinang sabit ng dalaga.Pero walang imik ang lalaki.Wala siyang nakitang excitement sa mga mata nito. Walang recognition."Tisoy?" ulit ng dalaga huling pagbabasakaling maalala nito ang tunog ng salitang Tisoy na ibinigay nilang pangalan dito."Huh? What? what? Miss Sandoval?" sabi nito.Wala pa ring recognition sa mga mata. Bigo si Irene walang recognition si Tisoy kung sino siya.Labis na ikinalungkot iyon ni Irene pero hindi niya dapat ipakita.Naroon siya para magtrabaho.Kung Hindi siya maalala eh di wow! Hindi niya rin ito kilala. Saka sa hitsura nito.Tama nga ang kuya niya mukha ngang mayaman si Tiaoy sa kutis palang mas bagay dito ang formal suit nito ngayon kesa sa pangbasket na short at sando ng kuya niya.Sa hitsura nito aba kahit naaalala siya nito ay ikakahiya siya nito.Hindi na siya bagay dito.Lalong lumaki ang agwat nila."Sit down Miss Sandoval. I need to scan my employee for personal reason" Sabi ni Brandon saka umalis sa harap niya at umupo sa umiikot na up
Dumating si Brandon sa meeting na sinisimulan na ni Miss Martha bago pa man dumating ang kanilang boss ay na orient na ang lahat ng empleyado. Senenyasan na lamang niya ito na magpatuloy."Good afternoon Mr. Saavedra" Bati ng lahat pag upo niya sa harap."Ayan kasasabi ko lang" sigaw ni Martha."From now on pakatatandaan ninyo na nasa abroad si Sir Brandon Saavedra at si Sir Mark De Dios ang nandito bilang CEO's assistant. Maliwanang ba? ang magkamali isususpende ko ng isang buwan" bilin ni Martha na sinadyang takutin ang mga empleyado para maiwasan ang bulilyaso ng plano ng kanyang amo."Tandaan ang protocol walang sinuman na costumer o bisita ang dapat makarating sa opisina ng CEO at higit sa lahat hindi babangitin ang pangalan ni Sir Saavedra sa hotel mula ngayon. Ang makalimot sesesantihin niya ng tuluyan" dagdag pa ni Miss Martha sabay turo kay Brandon.Tuluyan ng tumayo ang binata sa harap sa lahat."Pansamantala po ay Mark muna ang itawag nyo sa akin mula ngayon. Ang babaeng mad
Matapos lang kumain ay dumating ang lalaking idol si Coco Martin at ihahatid na daw siya sa kanyang tutuluyan. Hindi niya nagawang magpaalam kay Tisoy the Real dahil lumabas ito at hindi niya alam kung saan nag punta. Nagulat si Irene dahil sa isang condominium na may guard pa sa bukana siya dinala ng driver. Ito rin ang nagbitbit ng maliit niyang maleta samantalang parehas lang sila empleyado. Nakita niyang pumindot ito ng numero at 12th ulit ang nakita niya.Mukhang lucky number niya ang 12 matayaan nga sa huweteng sabi pa ng dalaga. Pagdating sa tapat ng silid na medyo dulo na naman ay inabot sa kanya ng lalaki ang isang isang sobre naka sealed pa ito. "Miss yan po ang susi ng unit na ito dyan po kayo tutuloy" sabi ng lalaki sabay nagpaalam na sa kanya. Alam naman gamitin ni Irene ang keycard kahit wala sila nito sa hotel na dating pinag trabahohan ay nakikita niya sa mga k-drama kung paano ito gamitin. At karamihan sa nakkita niyang ginagamitan nito ay mga sosyal na hotel. W