Chapter 83
"Good morning!"
Otomatik na umanggulo ang ulo ko patungo sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kausap ko si kuya Costav, dine-discuss ko sa kaniya ang tungkol sa pagpapalit ng mga bagong kadenang pangsarado sa malaking tarangkahan ng Tenement.
"Good morning Felicity, maganda ata ang gising mo ngayon ha." Si Mr. Youngster 'yon na may buhat na balde ng labahin. Mukhang maglalaba ito sa poso negro sa labas.
Inalis ng dalaga ang nakapasak sa kaniyang tainga. Earphone 'yon na nakadugtong sa kaniyang cellphone.
"Sa dulo ng dilim ay may liwanag pa rin po," magiliw niyang sagot sa ama ni Farrahbat Timothy.
"Oo nga naman. Gusto mo ba ng tsaa, iha? Sasabihan ko ang asawa ko na gawan ka." Alok ng ginoo sa kaniya.
"Ay! 'Yong kagaya po sa ibinigay niya kay G
Wala akong lakas para tumayo at magdiwang sa balitang makaaalis na ako sa Tenement. Nakasubsob ang mukha ko sa lamesang antique habang nilalaro ang ballpen sa kaliwa ko kamay.'Ba't hindi ko magawang tuluyang maging masaya?'Naalaala ko lahat-lahat nang nangyari sa akin sa lugar na 'to. Simula noong unang araw ko bilang isang landowner, hanggang sa nagsidating pa isa-isa ang mga tenants ko.Ang mga unang taon ay hindi naging maganda para sa akin. Punong-puno pa ako ng takot at resentment sa ginawa kong pagpirma sa titulo nang pangangalaga sa Tenement. Ilang beses akong nagtago at pinilit na makaalis sa lugar na 'to ngunit hindi ko magawa.Halos araw-araw kong ina-abandona ang paupahan pero sasapit parati ang umaga na makikita ko ang aking sarili na nasa paligid ng Tenement. Sumpa na nga ata ito para sa akin, kailangan kong tanggapin na mananatili ako sa lugar sa loob ng mahigit tatlong daang taon.Nagkaroon ako ng na
Chapter 85 "Ang damot mo, ba't hindi mo hinayaang sabihin ni Kira sa akin ang lahat. Ayaw mo ba no'n? Less talk na para sa 'yo kapag narinig ko na lahat sa kaniya." Pang-aaway ni Felicity kay Gabriel. Kalalabas lang nila silid ni Kira ng mga oras na 'yon, at ngayo'y patungo na sila sa main exit ng resort. Tumigil naman ang binata't hinarap siya. "Will you shut up Felicity? Ang ingay-ingay mo!" "Hindi naman ako mag-iingay kasi kung pinapakinggan mo 'ko. Nasabi ko na naman sa 'yo, hindi ba? I'll take your offer, kaya ano'ng inaarte mo ngayon diyan?" "Look, what I told you is just part of the past. Okay, I've change my mind. Hindi ko na pala kailangan ng kapalit. I am willing to leave, kaya hindi mo kailangang kulitin pa ako," sagot ko sa kaniya. "At isa pa, ang usapan uuwi ka na." "Ang kulit mo rin, hindi nga ako uuwi, bahala ka!"
Chapter 86"Carley Constantine," bungad ko sa babaeng nakasuot ng puting uniporme. Isa siyang nars sa naturang Ospital. Nasa normal na mundo ako kaya kailangan kong umakto na isa sa kanila. "Room 45 po, ngunit bawal po ang bisita-" Hindi ko na siya pinatapos pa, mabilis akong nagtungo sa kuwartong sinabi niya. Pinindot ko ang up button ng elevator, pagkapasok ay ang eight naman na numeric ang pinindot ko. Hindi ako kaagad nakaakyat dahil sa dami ng mga lumalabas at pumapasok, hanggang sa tumigil ang elevator sa ikapitong palapag. Isang palapag na lang bago ang silid na pupuntahan ko.
Chapter 87Hindi naging mainit ang pagtanggap nila sa akin pagkarating ko sa Silid ng Konseho.Una kong natagpuan ay si Titiana, sinalubong niya 'ko't binigyan nang hindi magandang titig.Titiana is the deity of indolence.Parati siyang nakaabangan sa malaking salamin na nakapuwesto sa hilagang bahagi ng malaking silid. Inililista niya ang mga pangalang punong-puno ng katamaran sa kanilang buhay. Gustong-gusto niya ang paggawa ng summary sa bawat buhay nila. Kaya naman sa tuwing may dadalhin sa kaniyang nasasakdal ay hindi siya nahihirapan sa pagbibigay ng datos at verdict sa mga ito."Ano't napadpad ka rito tagapamahala ng Uno?" may kataasan ang boses ng naturang deity."Binibisita ko lang kayo, masama po ba?" tanong ko sa kaniya."Hindi naman, sadyang nakakagulat lang ang presensiya mo. Tila hindi maganda
"Ibabalik ko ang oras, isang oras bago ang aksidente na naganap upang makapaghanda. Hindi ko mababago ang lahat ngunit maililigtas si Carley, kaya sana'y makipagtulungan ka sa akin." Hawak ko pa rin siya habang nakasalampak sa lupa."Ngayon kung pumapayag ka, nariyan ang lagusan pabalik bago ang aksidente namin," aniya. Nilingon ko ang kortang bilog sa harapan namin. Mula rito'y naaaniag ko nga ang ibang imahe mula sa bungabga nang naturang lagusan. Malabo iyon, at magulo sa mata."Kuhain mo siya bago kami salpukin ng malaking truck."Malaking truck? Ano'ng sinasabi niya, hindi naman sila nabundol ng kahit na ano. Bumangga sila sa poste, masyadong malakas ang impact no'n kaya matindi rin ang epekto kay Carley."Maiintindihan mo rin kapag napunta ka na roon. Sige na, umalis ka na. Darating ang konseho rito upang dakpin ka. Ako na ang bahala."
Chapter 88 Ang malawak na rooftop ng Tenement ang bumungad sa akin matapos kong pumasok sa ginawang lagusan ni Constantine. Hindi niya sinabi ang kabuuan ng kaniyang plano, basta't ang gagawin ko'y mailayo si Carley bago pa sila tuluyang maaksidente. Napalaking pagbabago ang mangyayari oras na mangialam ako sa oras na ito. Ngunit kailangang magtagumpay ako, buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito. Ginamit ko ang aking kapangyarihan na maglaho't makapunta nang isang kisapmata lamang sa loob. Sa tapat mismo ako ng pinto ng aking opisina nagtungo. Wala naman ako
Continuation."Nasaan na ba ang tinutukoy mo?"tanong ni Felicity sa akin."Naiinip ka na?"Tumango-tango siya sa akin. "Nakita mo 'yong kainan na naroon? Sige kumain ka muna, pero kapag sinenyasan kita lumapit ka kaagad, kuha mo?"Kasing bilis ng kidlat ang ginawa niyang pagsang-ayon sa akin. Masaya siyang nagtungo sa isang fishball vendor. Ako nama'y nag-abang sa may kalakihang gate ng naturang paaralan.Sunod-sunod nang pag exit ng mga estudyanteng galing mismo sa loob. Ang ibang grupo, mayro'ng mag-isa lang at may nakasakay na sa sasakyan. Halos mapuno ng ingay ang kabuuan ng paligid sa dami ng tao.Nakasuksok ang aking kamay sa bulsa ng pantalon na aking suot. Nakatutok ako sa daanan dahil hindi maaaring makatakas sa paningin ko si Carley. Masasayang ang effort na inilaan ni Constantine.
Chapter 89"C'mon Carley, kung ayaw mong sumama sa daddy mo, better be with us. Ako na ang maghahatid sa 'yo sa bahay niyo." I insisted."Nah. No need kuya, I can manage. Sige po, mauna na ako, at saka I'll be with my friends naman. Pakisabi na lang kay dad na magkita na lang kami sa bahay." Nagsimula sa pagmartsa si Carley, then she waved her hand to someone on the other side of the street. Tinanaw ko kung nasaan ang kinakaway niya. Mula sa kabila ay mag grupo nga ng kabataang nakaabang kay Carley, nakabukas ang windshield ng kotseng kinaangkasan nila, kaya naman nagawa nilang gumanti ng kaway kay Carley. N