Chapter 92
"Kanina ka pa pangiti-ngiti riyan Felicity, tell us anong mayroon?"
Kinaumagahan. Nakaupo ako mag-isa sa mini lobby nang bigla na lamang silang dumating. Bago pa man sila nakarating doon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag ngiti at ilang beses na pagtawa nang mahina.
Bigla-bigla ko kasing naaalala ang nangyri nang papauwi na kami ni Gabriel sa Tenement.
The scaredcat Landlord. Hindi ko akalain na sa isang maliit na bagay lang pala siya takot. Panay ang pananakot niya sa akin tungkol sa lion, pagkatapos pala siya'y takot sa daga.
Madalim na nang makauwi kami kahapon. Ang gawi ng Tenement na dinaanan namin ay may kadiliman. Matik ang pagdaan namin sa hardin ni Mang Henry no'n, puno ng halam
Chapter 93"Good Morning Mrs. Youngster." Hila-hila ko ang aking maleta, nagkasukbit ang backpack ngunit nagawa ko pa ring batiin ang ginang na nakasalubong ko sa pagbabae sa hagdanan. "Good Morning Feli, so ngayon na nga ang alis mo. Sayang tulog pa sina Farrah at Timothy, hindi man lang nakapagpaalam sa 'yo." Nakangiti si Mrs.Youngster ngunit bakas sa kaniyang boses ang lungkot. "Okay lang po 'yon. Pakisabi na lang po na hindi ko na sila naantay, kailangan ko natalagang umalis para hindi ako maiwanan ng bus.""Oh, siya kung gano'n, lumakad ka na." Hinawakan ng ginang ang balikat ko at marahanh tinap 'yon.
Chapter 94"Felicity. . . Welcome back!" Matinis na boses ni Monica ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Niyakap niya ako nang mahigpit, hindi alintana ang mababasaging bote ng alak na hawak niya."Ano ka ba Monica, d-dahan-dahan naman. Hindi ako makahinga." Pilit ko siyang inilalayo sa akin ngayon, napasobra ata ang yakap na ibinigay niya sa akin."Monic, awat na." Mula sa likuran ay bumungad naman sa akin si Dustin, nakangiti na itinaas pa ang hawak sa magkabilang kamay. Isang box ng chiken at cake."Grabe! May ganito pa talaga?" Ang tinutuk
Chapter 95Nakapikit pa ako ngunit nagawa ko nang maiupo ang aking sarili mula pagkakahiga. Kasabay niyon ang pag-abot ko sa sumisigaw na alarm clock. Nakadalawang alarm na 'yon, dalwang beses ko na rin itong pinatay. At heto nga sa ikatlong pagkakataon ay bumangon na talaga ako. "Antok pa ako." Subalit walang nagawa ang bawat reklamo ko, tila may sariling paa ang aking mga paa. Dire-diretso ako sa banyo, kailangan munang mahimasmasan ng ulo ko upang mawala ang konting kirot no'n. Hang over! Sobrang lamig n
Chapter 96Halos madapa na ako sa kakatakbo papasok ng building ng Inkfirst publishing. Lagpas alas otso y media na, late na ako. Unang araw ng pagbabalik ko 'to pero palpak pa. Nangangatog ang paa ko habang nag-aabang na bumukas ang elevator, lumipas na ang ang trenta segundo ay hindi pa rin bumukas 'yon. Wala akong choice kundi takbuhin ang direksyon ng hagdanan papuntang third floor.Masakit man sa binti'y itinuloy-tuloy ko na ang nasimulang pagpapasakit sa sarili ko. Napuno ng pawis ang mukha ko sa ginawang iyon, alam ko naman na kulang ako sa exercise pero hindi dapat sa araw na 'to. Kailangan ko pang magpasikat, halos lahat nang alaala ko sa Inkfirst ay negatibo, puro pangdo
Chapter 97Sa isang restobar nagpunta ang team, pinagdikit namin ang tatlong maliit na lamesa para makabuo ng mas mahaba niyon. Trese kaming lahat, kinse sana kaso absent nga sina Monica at Dustin. Sa dulong bahagi lang ako naupo, mas madali ring makakatakas kapag magkaaberya.Umorder sila ng dalawang bucket ng alak at pulutan. Actually, ang dami nilang pinadala sa table namin, akala mo wala ng bukas sa pag-inom. Inumpisahan ko ang pakikipag'jamming' sa kanila sa pamamamgitan ng paunti-unti pag-ubos sa crackers na naroon. Nagsalita sila nang nagsalita, nagtawanan at ngbolahan, habang ako nakaupo lang, umiinom at pumupulot ng mani.
Chapter 98Nawala ang pagkahilo ko nang makabalik kami sa venue. Ipinako ko agad ang tingin sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng lameza. Bagong dating kaya pinagkaguluhan nila, inalok nilang lahat ng kahit na anong naroon, pulutan, manok at alak. Malutong kong hinila ang metal na upuan, naglikha 'yon nang tunog na tumawag nang pansin sa lahat. "Ano ka ba naman Felicity, dahan-dahan sa upuan. Eksahedora ka," puna ni Ros sa ginawa ko. Ngunit hindi ko siya pinakinggan, mukhang tanga aking ibinalik at muling hinila ang upaan, siguro dalawang beses. Tinitigan nila akong lahat, confu
Chapter 99Boom!Isang malakas na lagabog ang nagpabangon sa katawan ko muna sa pagkakahiga. Maliban sa lakas ng tunog na 'yon malakas din ang naging epekto ng pitong bote ng beer sa akin. Ulo ko kaagad ang nasapo ko nang tuluyang maiupo ko ang sarili sa higaan. "Aray ko po! Ang ulo ko. . . Parang mabibiyak ata." Subalit natigil ang reklamo kong iyon ng maalala ang malakas na tunog na siyang nakapagpagising sa akin. Dali-dali akong bumangon, halos madapa na ako kakatakbo patungo sa labas ng kuwarto.
Chapter 100"Wow! Hindi ko nakilala ang kotse na 'to ha." Ang tinutukoy ko ay ang SUV na kinalululalan namin ngayon."Nawala sa isip ko na marami ka nga palang sasakyan. Tapos, nakita ko 'to kagabi sa labas ng apartment pero hindi koi man lang talaga naisipan na sa 'yo 'to." Nakaupo ako sa tabi niya habang siya ay nakahawak sa manibela't diretso ang tingin sa kalsada."Bago ka man lang umalis mag-iwan ka ng kotse para sa akin, ha?""Bumili ka ng iyo, ibebenta ko lahat ng iyon at ibabaon sa lupa ang napagbentahan para kapag nabuhay akong muli maya salapi akong puwedeng hukayin." 'Yon ang naging sagot niya sa akin, ng walang kuwenta lang."Baliw ka ba? Paano kung magreincarnate ka after 500 years pa? Edi kinain na ng lupa ang salapi mo." Nginiwian ko siya, balak ko sanang paluin ang balikat nito, nag-alangan lang ako dahil nagmamaneho ito."Then so be it, ari-rian ko naman 'yon I