Share

Kabanata 23

"Hello," Bati ni Romeo sa 'kin at naupo sa tabi ko. Dumungaw siya sa hawak kong phone upang makiusyoso. Dahil mabilis ang pangyayari ay pinabayaan ko nalang siya since videos lang naman ang pinapanood ko.

"Gabi na ah, ba't nasa labas ka pa?" Tanong niya. Pinatay ko naman ang cellphone at ibinulsa ito.

"Ah, pinapanood ko lang si Reigan." Sagot ko. Totoo naman, atsaka dinadamayan ko lang siya sa hirap ng pagpupuyat. Nang mapalingon ako ay napatigil siya sa paghahalo ng semento ngunit nagpatuloy rin.

"Ahh... Sana all, ang sweet mo naman." Natatawang puri ni Romeo. Matipid lang akong ngumiti, ano namang sweet do'n?

"Sa tingin ko dapat ka nang matulog, alas tres pa ang tapos ng trabaho nila. Hindi naman siguro mamasamain ng asawa mo 'yon 'di ba?" Dugtong niya pa. Napakamot ako ng batok. May punto siya at medyo inaantok na nga rin ako.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status