Share

Chapter 4

Chapter 4

Mattress

I still can't believe it. My first kiss in everything was stolen by Zaro! It also doesn't help that he's unconscious and oblivious. He can't remember a thing! Tuloy, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o sumama ang loob.

It's not fair though. He should at least... remember it, I guess?

I derided to myself. What for, Lumi?

Kinaumagahan noon, mula sa patio ay tanaw ko ang pagpanhik ng kanilang grupo patungo sa kwadra kanina. I think they planned on sauntering around before going.

Linggo ngayong araw kaya naman maagang umalis si Nana para magsimba kasama ang ilang kasambahay. Samantalang ako, naiwan dito sa mansiyon.

Wala namang pinapagawa sa akin ang matanda ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi magtampo tuwing Linggo. Hindi nila ako sinasama. Bawal daw akong lumabas.

Kasalukuyan akong nasa silid habang nakahalumbaba gamit ang parehong kamay, nakatanaw kina Senyorito.

Nilalabas ng ilang trabahante ang mga kabayo habang naghihintay naman ang mga kaibigan nito sa labas ng kwadra.

Nasa labas na ang gintong kabayo ni Zaro, panaka-naka iyong hinahaplos ng mga babae. Mula rito ay rinig pa nga ang tili noong Eliza, napapakapit kay Senyorito tuwing gumagalaw ang kabayo.

Napangiwi ako, hindi masyadong nagugustuhan ang tanawin. Bigla tuloy ako naging kuryoso. Has she been kissed by Zaro, too?

A toxic liquid gushed down to my system. The way she kissed Senyorito on his jaw last night, they seemed cozy and intimate with each other. The idea of them kissing and fondling saddens me a bit.

It's not impossible. But who am I to have a say on that anyway? I'm just a mere kid who was accidentally kissed by him. It's not like he owe me or something.

Nakita kong inaalalayan nang isampa ni Zaro si Eliza sa isang kabayo. Ganoon din ang ibang babae na tinutulungan ng mga lalaki kaya lumayo na ako sa bintana. Kinuha ko ang papel na nakatago sa pinakasulok ng tukador bago magtungo sa attic.

I could still recall Jackie quoting about finding this note in the attic. That's why I'm letting my hunch get the best of me along with my curiosity.

Pagkalabas ng silid, halos lumundag ang puso ko sa nadatnan. Nasa tapat ng console si Fablo at pinagmamasdan ang mga munting palamuti roon. Nang akmang babaling na sa akin, taranta akong napapikit sabay lihis ng ulo.

I heard him chuckle but I still can't look at him. I'm not wearing my contact lenses, this is prohibited!

"My, my. Where's my greetings?" tudyo nito, ramdam ko na ang presensiya sa tabi.

I chewed on my lower lip as I twisted the doorknob.

"W-Wait lang po..."

Hindi na ako mapakali. Pansamantala kong nakalimutan kung paano buksan ang pinto.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote at hindi ko sinuot ang lenses.  Maybe I got too complacent since the attic is just a few meters away from my room.

"Oh, okay. Take your time, Lumi." Fablo snickered behind me. "I can wait. I think..."

Hindi ko na masyado pang nabigyang-pansin ang huli nitong sinabi dahil pagkabukas na pagkabukas ng pinto, minulat ko agad ang mga mata at mabilisang sinuot ang mga maskara.

Nakaabang na si Fablo pagkalabas ko ng silid. Nakasandal sa barandilyang katapat lang ng pinto habang nakapamulsa ang mga kamay. At nang nagtama ang aming tingin, umangat ang dulo ng labi nito. Hindi ko masiguro kung may ibang ibig sabihin iyon ngunit pinalagpas ko na lang muna.

"Uh... pasensiya na sa kanina," hiyang-hiya kong paumanhin.

Umahon na siya mula sa pagkakasandal ng katawan. Pansin ko ang pagsulyap niya sa suot kong puting bestida kaya bahagya akong nailang.

Inayos ko ang manipis nitong manggas sa aking balikat kaya napukaw noon ang atensiyon niya. Pagkaangat ng tingin sa akin, may ngisi na ulit sa mga labi nito, animo'y mangha at may nais ipahiwatig. Lumapit na siya sa akin.

"Do you really feel bad for making me wait?" marahan niyang tanong na parang malungkot kaya napatango ako nang malaki.

I found it rude to shut him out earlier like that. Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat? Mabuti ay kaagad akong nakaiwas ng tingin. Kapag nalaman iyon ni Nana ay paniguradong mananagot na naman ako.

Napakagat ako ng labi. "Sorry po doon."

"Yeah. I was kinda offended. Kaya dahil dyan, bawal kang tumanggi ngayon," palabiro na niya ngayong sambit.

"H-Huh?"

Tinanaw niya ang pasilyo. "Saan ka ba pupunta? Samahan na kita..."

"Sa... attic..."

"Anong gagawin mo doon?" Pumaskil ang mapaglarong ngisi nito.

Ewan ko ba pero hindi matahimik ang isip ko at nabalot ng pag-aalinlangan ang sistema. Gustuhin ko mang sarilinin ang layunin at iwasan ang kaibigan ng Senyorito, nanunumbalik ang pambabastos ko rito at ang kondisyong nilatag ng lalaki kanina.

"May hahanapin lang po, Senyorito..."

His face beamed at something. "Really? In the attic? That's great! I mean... I can help you."

Bumuntong-hininga ako at hindi na nagsalita. Sa huli, hinayaan ko na lang itong sumunod sa akin patungo sa destinasyon.

Binuksan ko ang dalawang bumbilyang nagsisilbing tanglaw roon. Hindi na gaanong maalikabok ang lugar dahil nalinis na noong nakaraan nila Jackie.

Napalilibutan ang paligid ng maraming kahon at mga gamit na nakabalot sa puting tela. Imbes na ilabas ang papel, nagsimula na lang akong magmasid sa bandang hamba ng attic. Sa kaisipang sasama sa akin ang kaibigan ng Senyorito, parang... ayoko munang maghanap sa dulo.

"Hmmm. Ano bang hinahanap mo, Lumi?" sunod sa akin ni Fablo, tamad na inaangat ang mga puting tela na nadadaanan namin na akala mo'y sinisilip ang loob.

Ngayong natanong na niya iyon, bigla rin akong nalito. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang partikular na hinahanap. Maybe some clues or other accompaniments of the note?

"Boring... Boring... Boring..." aniya, tinatapik ang bawat muwebles na nasa gilid namin at sa ikatlong beses, kinulong niya ako sa kanyang mga braso.

My eyes widened. I felt the cold surface of the wall against my back as I maintained my normal breathing. Napakurap-kurap ako, gulat sa ginawa ni Fablo.

"Ah, sorry," he chuckled sluggishly, but his demeanor doesn't depict his words.

"T-Teka po..."

My throat has a vestige of quiver. My palms mindlessly laid on his chest to my attempt of pushing him but when his eyes landed on it, his face got more excited about the unknown.

I then pushed the lump in my throat, hands trembling, slowly pulling them back because it suddenly felt dire.

"May nobyo ka na, Lumi?" malambing niyang untag kalaunan.

Kumalabog ang aking dibdib sa sobrang lapit niya sa akin at sa paraan ng pagtatanong nito. Hindi pa nakatulong nang iangat niya ang kanyang kamay upang itago ang ilang tikwas ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Wa... Wala po," makapigil-hininga kong sagot. Dahilan ng pagliwanag ng kanyang mukha lalo, animo'y nabunutan ng tinik.

Mula sa labas ng nakabukas na bintana, rinig ko ang malakas na tili mula sa labas.

Nahati ang atensiyon ko. Ganoon din si Fablo kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para sana tumakas ngunit sa isang iglap, muli niya akong napako sa pader. Ngunit sa pagkakataong ito, mas malapit at mas mariin na ang katawan niya sa akin.

Nangilid na ang mga luha ko, wala na sa sariling napapailing.

"'W-Wag po, Senyorito..." I begged helplessly but he only grinned without humor.

"Hindi ako ang lintik mong Senyorito. Fablo ang itawag mo sa akin. O kaya, Fab. O..."

Natawa siya sa sarili at kalaunan ay umiling na lang. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang kamay, sinusundan iyon ng mga mata. Napatikhim ako.

"Hush. I won't bite," he said as if he's talking to a baby. "But it doesn't mean I can't..."

Tuluyan na akong kinilabutan nang lumakas ang tawa nito.

"A-Ano po bang kailangan niyo sa akin?"

Hindi ko kasi alam. Wala akong ideya! Basta ang natitiyak ko lang ay ang takot na nararamdaman ko!

"Hey, I'm just asking questions. We're done with number one so let's proceed with number two."

"P-Para po ba saan 'to?"

"Let's say it's for my research paper?"

"Research... paper?"

Ngumisi lang siya sa akin, wala nang bakas ng pasensiya ang mga mata nang idausdos ang magagaspang na kamay sa aking braso.

"You don't have a boyfriend now. But perhaps you had one before?" he asked curiously with a menacing tone.

Hindi pa rin malinaw sa akin kung para saan at kung kailangan sa ganitong proseso ito mangyari ngunit umiling na lang ako.

"Poor girl, deprived of teenage life. How about... sex?"

"P-Po?!" Para ata akong nabingi!

He cocked his head on the other side, astonished by my reaction.

"How sad..."

Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Inabot niya iyon. Napasinghap ako nang dumampi ang kanyang hinlalaki roon.

By that, his eyelids looked so drowsy. He whipped his own lips before biting the lower one as he grazed my lower lip with his thumb.

"Nakahalik ka na kaya?" tila wala sa sarili niyang tanong.

Ewan ko. Pero... tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

Sa kabila ng sindak na nararamdaman, naalala ko ang aksidenteng halik namin ng Senyorito. Kinuyom ko ang aking kamay at napaiwas ng mukha. Nabitawan niya ang labi ko.

"Tinatanong kita. Sumagot kang punyeta ka!"

Napatalon ako nang nagsimula na itong magtaas ng boses. Binuhos ko ang buong lakas para lang ilayo siya sa akin pero masyado siyang malakas!

"Sagot!" he growled for the fourth time then scooped my face using one hand, pinning me against the wall.

Rinig na ang hikbi ko sa buong paligid. Para akong nabahag nang sa wakas, naramdaman ko na ang pagiging bayolente nito. Ibang-iba sa takot na nararamdaman ko kanina na tanging sa pag-uusap lang nagmula.

"H-Hindi pa po!" tanggi ko.

Ilang sandali niyang pinag-aralan ang histura at sagot ko. Mayamaya, bumitaw siya sa akin.

"You know you're a terrible liar, child. Aamin ka o akin ka?"

Takot sa banta, tuluyan nang kumawala ang hagulgol habang binibigkas ang labag sa loob na pag-amin.

"I-Isang beses... po..."

Napangiti siya.

"Saan? Sa pisngi?" sabay haplos niya roon. Nanginig ang lalamunan ko. "Sa labi?"

Bumalik ang haplos niya sa kinaroroon kanina. At sa sunod niyang ginawa, parang nagimbal na ang buong mundo ko.

"O dito?"

My sanity was dragged away when he cupped my breasts. Nablanko ang utak ko nang tanawin siya. Natulala ako.

Nagtagal iyon nang ilang segundo, may pagpisil pa nang kaonti. Para akong nanigas sa pwesto, ni hindi maigalaw ang mga daliri o mata.

Sa mga sandaling iyon, nagulat ako... natakot. Pero higit sa lahat, gumuho ang pagkatao ko...

"Saan man dyan, tignan natin kung marunong kang magpaligaya. Iba ang masarap lang sa magaling pa, Lumi..." He bent closer that I could feel his warm breath. "Tandaan mo 'yan..."

Umawag ang bibig ko para sa isang singhap nang ilapit na niya ang mukha sa akin. Ngunit bago pa man tuluyang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko, halos hindi ko na nasundan pa ang sunod na nangyari sa sobrang bilis ng lahat.

The next thing I knew, Fablo was already lying on the floor with Zaro grabbing him by the collar and shooting punches at his face.

"I-I called dibs on her last night, man! What the fuck!"

Fablo was in a defensive stance, trying to evade the punches but Zaro seemed like he's programmed to aim his friend's face, veins bulging in his neck and arms.

For that moment, he looked... tenacious... and hostile.

His lethal expression—that's the last thing I remembered. The rest was all blurry to me when I woke up that afternoon.

Pagkalabas ng silid, nalaman kong wala na ang mga taga-Maynilang kaibigan ng Senyorito. Bakante na kasi ang garahe at ang malawak na driveway sa harap ng mansiyon.

Pababa ako sa ikalawang palapag nang nakita ako ni Jackie. Nanlaki ang mga mata niya at tinawag si Nana.

Medyo nataranta ako. Idagdag pa na kumikirot nang konti ang ulo kaya hindi ako nakapag-isip ng dapat gawin.

Sa huli, tumigil na lang ako sa paglalakad at napakapit sa barandilya.

Kumunot ang noo ko. Ano bang... nangyari?

Mula sa pwesto ko, natanaw ko si Nana sa unang palapag. Sinilip ako at laking gulat nang nagpakita din ang isang pamilyar na lalaki.

"Senyor Danilo..." I uttered under my breath.

Hindi man dinig ang sinabi ko, gumuhit ang tipid na ngiti ng Senyor habang si Nana, bumuntong-hininga na lang at may sinabi sa Senyor bago tumango ang huli.

"Sa landing ka muna, Lumi," matabang na litanya ni Jackie na nauna na palang umakyat.

"H-Huh? Ah... sige." Napakurap-kurap ako at sinunod iyon.

Nagtungo ako sa landing ng second floor kung saan naroon ang munting sala ng palapag. Umupo ako sa couch at hindi rin naman nagtagal nang nakaakyat na si Nana kasama si Senyor Danilo, ang bunsong kapatid ng yumaong Senyor Donatello na siyang umiibig sa serbisyo ng Agham at medisina.

Tumayo ako at saglit na yumuko bilang pagbati.

"Magandang hapon po, Senyor."

Marahan itong tumango at sumenyas na umupo na habang paupo na rin sila ni Nana sa harap ko.

"Sabi ko namang huwag nang Senyor, Lumi. Dok na lang. Hindi karapat-dapat sa akin ang Senyor kung wala naman akong kontribusyon sa negosyo ng Castellano."

"Alam mong walang katotohanan 'yan, Danilo," may babalang sambit ni Nana.

Saglit na tumawa na lang ang ginoo.

Dahil doon, nalipat sa matanda ang paningin ko. Nilingon niya rin ako at nakakapagtakang hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

Malamang, may hindi na naman siya nagustuhan sa ginawa ko. Kung ano man...

I averted my gaze because even though I couldn't remember anything, I felt guilty.

Tungkol pa rin kaya sa kagabi? Masama pa rin siguro ang loob ni Nana dahil nanggulo ako sa kasiyahan. Nangako akong hindi na iyon mauulit. Kung bakit humantong sa ganoong sitwasyon ay hindi na saklaw ng kontrol ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo, hija?" si Senyor Danilo.

Mabilis akong napalingon dito dahil hindi iyon inaasahan. Ilang sandali akong napatitig sa ginoo at hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa taglay nitong histura at kakisigan.

He's in his late forties now but his physical appearance resembles that of twenties... literally.

Naalala ko, katorse anyos ako dati nang nagsimulang maintriga sa kaanyuan nitong tila hindi kumukupas o tumatanda man lang.

Simula nang nagkaisip na, ito na talaga ang histura ng ginoo na nakagisnan ko. Tuwing Lunes kasi ay wala itong palya sa pagbisita sa mansiyon. O kung hindi man Lunes, isa sa mga araw kada linggo ay bumisita ito nang walang mintis.

Aniya, isa sa dalawang limitadong antidote ang ininom niya noong kabataan nila. Ang kasalukuyan niyang hitsura ay ang hitsura niya dati nang ininom niya ang eksperimentong iyon.

There was only a fifty percent chance that his experiment was effective and that probability was indeed under his favor, because look at him now, he's an epitome of a non-aging man.

Dalawa lang ang nagawa ni Senyor Danilo dahil sa kung anong rason, nasunog ang kanyang laboratoryo dati. At nang itanong ko kung nasaan ang isa pa, tanging ngiti lang ang iginawad niya sa akin, hindi na sinagot pa ang inosenteng kuryosidad.

"Medyo masakit po ang ulo ko," I confessed after a while.

Humalukipkip ito at prenteng sumandal, animo'y inaasahan ang sagot na 'yon.

"Inatake ka ng trangkaso kanina, Lumi. Sakto nama't napaaga ang bisita ko rito kaya naremedyuhan natin agad. Luluwas kasi ako mamaya sa Maynila kaya baka isang linggo rin akong mawawala rito sa Castel."

Napalabi ako sa pagtataka. Bakit bigla naman ako nagkasakit?

Tila nabasa ang katanungan ko, bahagyang natawa ang Senyor sa aking reaksiyon at inabot ang hinatid ni Jackie na pitsel na may lamang juice at baso.

"Nahamugan ka siguro kagabi, Lumi. Makinig ka kasi kay Nana nang hindi ka nadadapuan ng sakit. Ayos ba?" aniya bago inumin ng kanyang juice.

Awtomatiko akong napahawak sa haka-hakang bumbunan. Tingin ko man ay hindi, wala pa rin akong panapat sa edukasyon at karanasan ng ginoo kaya sumang-ayon ako kalaunan.

"Opo, Dok."

Agaw-pansin ulit ang paghugot ng malalim na hininga ng tahimik na si Nana. Samantalang si Senyor Danilo, ngumiti lang ulit sa akin.

"Magpakabait ka, Lumi. Huwag mo sanang masamain kapag napagsasabihan ka dahil para naman ito sa kaligtasan mo," he reminded gently before glancing at Nana.

Tumikhim ang huli at malamig na tumingin sa akin.

"Bumalik ka na sa kuwarto mo. Ihahatid ko na lang mamaya ang hapunan mo kaya utang na loob, sundin mo na lang ang mga paalala namin. Magpahinga ka at huwag lalabas sa kuwarto hangga't hindi ko sinasabi."

Napayuko ako at bumuntong-hininga.

"Masusunod po, Nana. Sorry po..."

Umismid ito at pinaalis na ako gamit ang kamay. "Iwan mo na kami. May pag-uusapan lang kami saglit ni Danilo."

Sinunod ko iyon at pumanhik na sa kuwarto.

Tulad ko at ng bagong henerasyon ng mga Castellano, si Nana na rin ang nagpalaki sa bunsong Senyor. Ganoon na katagal ang matanda rito kaya naman hindi mapagkakaila na lubhang mahalaga ang mga utos at panuntunan nito sa mansiyon, nirerespeto at ginagalang kahit ng angkan ng Castellano.

As per Senyor or Doc Danilo, nagmamay-ari na ito ng ilang branch ng Ospital sa Castel at ilang karatig lalawigan maging sa ilang syudad sa Maynila. Ngunit dahil sa kakulangan ng mga tauhan, mahirap pa rin ang larangang medikal sa lugar na ito. Minsan, base sa usap-usapan, kinakailangan pang lumuwas sa ibang bayan o lalawigan para lang makapagpa-check up o bumili ng specific na gamot.

Bata pa lang ay binuhos na nito ang pagmamahal sa pangarap na maging prominenteng doktor, imbentor, o sa madaling salita, Alagad ng Siyensiya.

Musmos pa lang ay nakagawian na nitong dumalaw sa mansiyon dahil nakabukod ito ng tahanan. Sa kanilang matatandang Castellano, si Senyor Danilo lang ang nakilala ko nang personal hanggang sa puntong ito. At ang isa pang kapatid ay palaisipan pa rin sa akin.

Humilata na lang ako sa kutson at inisip ang maraming bagay.

Kung bakit wala akong maalala sa mga nangyari ngayong umaga ay hindi ko alam. Naisip ko, baka magdamag akong tulog, tapos ngayon lang nagising simula kagabi nang nangyari ang... aksidenteng...

"Lumien!" I hissed as I covered my face with my hands.

What am I thinking? Do I really expect that Zaro would notice me as a... girl?

That's cringe. My own thoughts and mere dreams are making me nauseous. He's way too far from me. We take different paths in life so it's not possible for me to reach him. Let alone be with him.

Napangiti ako nang hilaw. Kung makapagsalita ako ay para talagang may tinatahak akong direksiyon. How could I say we're taking different paths if taking path alone is already... far-fetch for me?

Hindi ko na namalayan ang oras. Kung hindi ko pa narinig ang katok sa pinto, hindi ko pa siguro mamamalayan na madilim na pala ang langit.

Nagsikap akong bumangon kahit parang minaso ang ulo sa sobrang hapdi noon. Isa pang serye ng mabibigat at mababagal na katok, napakamot ako sa aking pisngi.

"Wait lang po!"

Mabuti na lang ay suot ko na ang contact lense kaya bawas sa oras.

Sa totoo lang, isa rin iyon sa mga bagay na ipinagtataka ko nang husto. Sa pagkakaalala ko kasi, maayos ko itong tinanggal kagabi bago matulog. Ngunit pagkagising kanina, suot ko na agad.

Dahil sa walang humpay na katok, pansamantala ko munang inignora ang pagtataka para buksan ang pinto. Hindi pa man tuluyang lumalaki ang siwang nang pihitin ko ang seradura, hinanda ko na ang ngiti para kay Nana na marahil dala na ang hapunan ko.

Maybe I can grab this opportunity to say sorry to her. For all the negligence I did against her biddings. Matanda na si Nana, alam kong lalong ikasasama ng kanyang kalusugan ang masyadong problema. That's why I felt the poisonous duo, guilt and conscience, scraping my heart open.

Iyon nga lang, pagkakita sa taong nasa likod ng pinto, napawi ang ngiting inensayo. Hindi dahil dismayado, ngunit dahil nagulat.

Senyorito Victor Lazarus was leaning on the door. Right arm resting on the doorframe while the other holding a tray of foods, probably mine, but...

"Senyorito?" lito kong wika.

As far I remembered, he's not supposed to be here. He licked his lower lip as he poured his pitch-black eyes on me, gesturing the food.

"Delivery," tamad niyang sambit.

Nataranta ako. Muntik ko pang mahulog ang sabaw nang subukan kong agawin ang tray sa kanya kaya naman iniwas na lang sa akin ng Senyorito.

"A-Ako na po?" I hesitated.

Umiling lang siya. Nilagpasan ako ng tingin para silipin ang loob ng silid ko. When his eyes fixated on something on the floor, I tried peeking, too. But before I could even turn my head over my shoulder, he already returned his gaze to me with a surprising topic.

"Anong pagkakapareho ng matres at mattress?"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa hindi inaasahang tanong.

"S-Sounds like?" hula ko ngunit umiling si Zaro.

"Parehong pwedeng... lagyan ng... bata..."

Mabagal ang bawat bigkas, pahina nang pahina na animo'y huli na nang natantong may mali roon. Samantalang ako, kahit gulong-gulo man ay tinawa ko na lang ang pagtataka.

"H-Hindi ko po naisip 'yon. Pero 'wag kayong mag-alala, pagbubutihan ko po sa susunod."

He scoffed harshly. "Spare me with the sarcasm please."

My shoulders drooped the same time my head veered a little to the right, confused.

Later on, Zaro just cleared his throat, now back to his stolid facade.

"May I come in?" sa namamaos niyang boses.

"Huh?"

His lips formed a grim line. My eyes flew down to appreciate it.

"We need to talk..." he imposingly said.

However, my senses were elsewhere.

How funny. All those forgotten memories but for a second, I remembered how those lips felt against mine...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status